Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

ARALIN 12

 Tungkulin ng bahay - kalakal ang


lumikha ng mga produkto. Mahalaga na
bumuo ito ng plano ng produksyon. Sa
plano ng produksyon maitatakda ng
bahay - kalakal ang uri at dami ng
produkto na kakayaning malikha. Dito
maitatakda ang halaga ng produkto
ipagbibili. Mababatid din dito ang iba
pang mga desisyon na kailangang
isagawa ng bahay-kalakal sa hinaharap.
 Ang plano ng produksiyon ay usapin ng
suplay ng bahay – kalakal. Nagtatagal
ang negosyo ng bahay – kalakal na may
maayos na plano ng produksiyon.
Nakakayanan din nitong lumikha ng
mga de – kalidad na produkto.
Kahulugan ng Suplay
 Ang suplay ay ang dami ng produkto na
handa at kayang ipagbili ng bahay –
kalakal sa iba’t-ibang presyo. Ang
suplay ay ang plano ng produksiyon ng
bahay – kalakal.
 Ang halimbawa ng suplay ng tinapay ng
isang bahay – kalakal, may limang
pamimiliang plano ang bahay – kalakal
kung paano ipagbibili ang tinapay. Ito ay
ang plano A, B, C, D at E.
Ang Suplay ng tinapay sa
Bahay – Kalakal.
PLANO PRESYO DAMI NG TINAPAY

A P25 23

B P20 16

C P15 9

D P10 5

E P5 1
 Sa plano A, 23 pirasong tinapay ang
handang ipagbili ng bahay – kalakal sa
halagang P25 bawat piraso. Sa plano B, 16
na pirasong tinapay ang handang ipagbili
sa halagang P20 bawat piraso. Sa plano C,
siyam na pirasong tinapay ang handang
ipagbili kapag P15 ang bawat isa. Sa plano
D, limang pirasong tinapay ang handang
ipagbili kapag P10 ang bawat isa. Sa
planong E, isang piransong tinapay ang
handang ipagbili kapag P5 ang bawat isa.
 Ang market supply ay piangsama –
samang dami ng suplay ng bawat bahay
kalakal sa isang produkto
 Ang Batas ng Suplay(Law of Supply) ay
nagpapaliwang na CETERIS PARIBUS,
kapag tumaas ang presyo, tataas din
ang dami ng suplay. Kapag bumaba
naman ang presyo, bababa rin ang dami
ng suplay.
Mga salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng suplay.
 Gastos sa Produksiyon. Ang presyong
itinstskds ng bahay – kalakal sa
kanilang produkto ay dapat na mas
mataas sa gastos ng produksiyon upang
makakuha ng tubo. Ang desisyon ng
bahay kalakal ukol sa dami ng gagawing
produkto ay magbabago bilang tugon sa
pagbabago ng gastos sa produksiyon.
 Ang gastos sa produksiyon ay
nakasalalay sa iba’t-ibang salik tulad ng
teknolohiya at halaga ng mga salik ng
produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at
kapital.
Ang makabago at episyenteng makinarya sa
pagproseso ng pagkain ay nagdudulot ng mas
malaking produksiyon ng pagkain sa mas mababang
gastos.
 Presyo ng Kaugnayan na Produkto.
Kalimitan, ang bahay kalakal ay may
reaksiyon sa pagbabago ng kaugnay na
produkto.
Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng baka sa pamilihan. Aasahang
darami ang mag aalaga ng baka kung sakaling bumaba naman ang presyo ng
karne ng baboy o manok sa pamilihan, ito ang pagtutuunan pansin ng mga
mangangalaga.
 Pwersa ng Kalikasan. Ang mainam na
panahon at matabang lupa ay
nakatutulong upang mapalaki ang
produksiyon, lalo na sa sektor ng
agrikultura. Aasahan na mas mataas
ang suplay kung may mainam na
panahon. Samantala, sa panahon ng
baha, bagyo, at iba pang natural na
kalamidad, bumababa ang suplay lalo
na ng produktong agrikultural.
Ang pagkakaroon ng landslide sa mga lalawigan ay
humahadlang sa transportasyon ng mga produkto patungo sa
pamilihan sa mga lungsod kaya nagkakaroon ng
pansamantalang kakulangan ng suplay rito.
 Inaasahan ng mga Negosyante. May
ilang negosyantena kapag inaasahang
magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng
produktong kanilang kinakalakal ay
gumagawa ng mga ilegal na gawain
tulad ng hoarding.
Ang Hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na ilalabas lamang sa
pamilihan kapag mataas na ang presyo nito. Nagdudulot naman ito
ng pansamantalang kakulangan sa pamilihan.
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa
Pagbabago ng salik na nakakaapekto sa
Suplay
 Katulad ng Demand, ang suplay ay
maaari ring magbago kahit walang
pagbabago sa presyo nito. Ano ang
dapat gawin ng mga prodyuser kapag
may pagbabago sa mga naturang salik?
 Ang karagdagang gastos sa
produksiyon ay maaaring humantong
sa pagtaas ng presyo ng produkto. Ang
mataas na presyo ay hindi
makahihikayat ng pamimili. Dapat
bigyang pansin ng mga prodyuser ang
episyenteng produksiyon upang hindi
madagdagan ang gastos sa pagbuo ng
produkto.
 Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago
sumuong sa isang negosyo. Ang
paghingi ng payo sa mga eksperto sa
negosyo ay makatutulong upang higit na
magtagumpay sa papasuking larangan.
 Magkaroon ng matalinong pagpaplano
sa inaasahang natural na kalamidad.
Ang maagang paghahanda ay
makatutulong nang malaki upang
maapektuhan ang produksiyon at
negosyo.
 Higit sa lahat, huwag lamang isipin ang
sariling kapakanan. Isipin din ang
kapakanan ng mga konsiyumer, lalo na
yaong mga hindi kayang abutin ang
mataas na presyo ng mga produkto. Ang
pagsasamantala ay lalo lamang
magpapalala sa kalagayan ng mga
taong walang kakayahang magbayad ng
malaking halaga.
30

25

20

15

10

0
0 5 10 15 20 25 30

Dami ng Tinapay

You might also like