Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bagong Buhay , Bagong Pag asa

Minsan hindi natin inaasahan na may darating sa buhay natin. akala mo ay okay ka
na, yun pala may darating sa buhay mo para sabihin sa'yo na may kulang pa.
Dumarating sila sa di inaasahang oras, panahon at pagkakataon kaya dapat ay lagi
kang handa. at dahil iba-iba ang tao, aayusin mo tuloy ang mundo mo para
siguraduhing magkakasya sila dahil ang bawat isa ay may iba't-ibang hugis at anyo,
iba't-ibang pagkatao at ugali. bawat isa ay may natatanging espasyo na bubuo sa
mundo mo. Magiging masaya ka sa piling nila, pakiramdam mo ay kumpleto ka na
talaga, hanggang isang araw, sa di inaasahang oras, panahon at pagkakataon, may
aalis at biglang mawawala.
Noong ako'y nasa walong baitang pa lang ay may nakilala akong isang babae na
nagpasigla ng buhay ko na di ko akalaing magtatagal kami. Siya ay mabait, maganda
,matalino at magaling kumanta ngunit may kapangitan nga lang ng ugali. Maraming
mga kaklase ko ang nagsabi ng ganyan sa kaniya ngunit kahit ganun siya ay naging
mas matalik ko siyang kaibigan. Paminsan minsan ,magkasama kaming dalawa at
minsan rin tinutulongan ko siya sa nga proyekto namin. Unti unting naging mas
komportable ako sa kanya hanggang sa ako'y nagtapat sa kanya ng aking
nararamdaman. Simula non ay naging kami na . Masayang masaya kami non
hanggang sa mga problema ay dumating kami ay nasubok ngunit di kami naghiwalay.
Mas nakilala ko siya nong mga panahong kami ay sinubok ng maraming problema. Di
ko akalain na mas malala pa pala ang aabutin ko sa kanya. Maraming beses nakong
sinaktan niya, sinampal ,sinabunotan na parang di na niya ako kilala. Minsan
binubugbog ako na nagreresulta sa pang iitim ng balat ko pero kahit ganun siya ,
nagpaka tanga ako sa piling niya kahit ako'y nasasaktan na. Pero kahit ganun siya mas
minahal ko pa siya ng sobrang sobra. Ngunit ang mapagpasensyang tao ay di dapat
inaabuso. Dahil tayo ay tao lamang , di robot na walang nararamdaman. Kaya napag
desisyonan ko na makipag hiwalay sa kanya . Dahil di lahat ng minamahal mo ay dapat
mong ipaglaban, kasi kapag mahal mo ang isang tao dapat matuto kang bumitaw. Di
ibig sabihin na bumitaw ka di mo na siya mahal kundi nagparaya kalang para sa ika
bubuti niyong dalawa. Simula nong araw na yun , ipinangako ko sa sarili ko na di nako
muling iibig pa. Iniyak ko ng isang gabie at pagkatapos ng gabing iyon ako'y nagpatuloy
sa buhay ko
Dumaan ang ilang mga araw at buwan hanggang sa ako'y nasa ika sampung
baitang na. Dito ko nakilala ang napaka hinhin na babae na sa tingin mo siya'y hulog ng
langit. Simpleng babae lang siya ngunit napaka lakas ng dating niya. Kami ay
nagkakilala dahil parati siyang nanghihiram ng selpon ko. Sila'y palaging nag seselpie
kasama ang mga kaibigan niya. Araw araw ganyang ang nangyayari dahil dun mas
nakilala kopa siya ng lubosan. Di ko akalain na sa kanyang pagka mahinhin ay may
madaldal pala siyang pag uugali na siyang nagpasaya ulit sa buhay ko. Para siyang
krayola na nagbibigay kulay sa aking maitim na mundo. Di ko namalayan na sa aming
pag kakaibigan ay matatamaan ako ng husto sa kanya.
Araw araw sa aking pag pasok ,siya palagi ang laman ng utak ko. Hinahanap ko siya sa
tuwing pag pasok ko sa paaralan. Kumpleto na ang araw ko kapag nakikita ko na siya.
Ako'y nahuhulog na talaga. Niligawan ko siya ng sampung buwan. Sa mga buwan na
yun nag karoon kami ng tampuhan, selosan na di dapat isabi dahil walang karapatan at
away na minsa'y may lambingan pero walang laybel. Tinaasan ko ang pasensya ko
para marinig ko ang matamis niyang OO. Ako'y naghintay kahit na walang
kasiguradohang sasagutin ba o tanggihan.
Hanggang sa dumating na ang araw ng aming " Moving up Ceremony". Kumanta
kami ng aming moving up song. Halo halong emosyon ang aking naramdaman. Ako'y
napaiyak sa saya na diko maipaliwanag. Napayakap ako sa nanay ko ng mahigpit.
Pagkatapos ng aking ina ay napayakap rin ako sa babaeng nagpatibok ng puso ko,
niyakap ko sya na napaka higpit dahil siya ang naging sandalan at inspirasyon ko. Ilang
minuto ay tumugtog na yung kanta para sumayaw kami sa aming "Moving up dance".
Masayang masaya kaming lahat sa mga oras na yun dahil natapos na namin ang aming
" Junior High Days". Hanggang sa natapos na ang Moving up namin at dun tinanong
kona si Guen na kung pwede bang maging kami na at dun sinagot na niya ako.
Pakiramdam ko na ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Narinig ko ang
matamis niyang OO sa harap ko. Di nasayang ang paghihintay ko. Yun ang araw na
para sa akin ang pinakamasaya. Dahil diko akalain na magmamahal pa pala ako
pagkatapos ng isang taon na hiwalayan. Dito naipapakita na ang Diyos ay may plano
talagang tao para sa atin. May tatlong tao ang dadating sa buhay natin. Ang una ang
siyang magbibigay aral sa atin. Pangalawa , siya ang magtuturo sa mga mali natin . At
ang pang huli ay yung Mamahalin mo talaga. Dimo kailangan hanapin ang taong para
sayu dahil ang Diyos ay may inilaan para sa atin . Ang gagawin lang natin ay maghintay
sa tamang oras panahon at lugar na kung saan ito'y ibibigay niya. Kaya dapat
marunong tayong maghintay, maging mapagpasensya tayo sa lahat at di dapat natin
minamadali ang pagdating ng taong inilaan sa ating ng Panginoon.

You might also like