Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na
bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin angmga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin salabis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit.Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan angmga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanoodang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiisna hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nangmadikit sa kanya ay biglang natunaw.Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkotang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliitkaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak.Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kangmagsisinungaling!”Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isangpunong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyangkasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili saasawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukhang buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabolng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ayhinahabol pa rin ng buwan ang araw.