Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Bond Elienrique Villagantol Teacher: Fely Rose Quijano

Yr&sec: STEM XII Titanium Date: 08/09/2019

Repliktibong Sanaysay “Pamilya”

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay
barumbado, studyante, guro, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o
apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang
pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang
tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya. Ang magkaroon ng masaya at buong pamilya
ay isang napakagandang biyaya na maaari nating matanggap mula sa Diyos. Pamilya
na gagabay sa ating tatahaking landas at pamilyang tatanggap sa atin talikuran man
tayo ng mundo. Ngunit paano na lamang kung ang pamilyang ito ay magkawatak-watak
at mawalan ng pagmamahalan sa isa’t isa? Kung ikaw ang tatanungin? Kaya mo ba?

Ako ay lumaking walang magulang uhaw sa pagmamahal ng isang magulang


uhaw sa aroga ng pamilya at uhaw sa atensyon ng pamilya, masakit man kung hindi
ako pinagbibiyaan ng isang boung pamilya. Hindi maiwasang magselos sa mga kapwa
ko binata ng makakita ako ng isang boung pamilya. Masakit man sa sarili pero ito ang
katotohanan na dapat tanggapin. Sa mga kapwa ko binata mahalin nyo ng boung puso
ang inyong pamilya dahila yan ang biyaya ng diyos,

Hindi porket nagkawatak watak na ang pamilya dapat kumilos upang ayosin ito,
dahil sa loob ng pamilya kailangan ng bawat miyembro nito ang pagmamahalan dahil
ang pagmamahalan ay ang syang magiging pundasyn ng isang malakas at masayang
pamilya. Pero paano kung ang pundasyon mismo ang naglaho? Paan kung yung
pagmamahal mismo ang nawala? Simple lang, matuto tayong mag patawad matuto
tayong mag move on at matuto tayong ibalik uli ang pagmamahalan na nawala. Dahil
kahit pag balik baliktarin man ang ng mundo pamilya at pamilya pa rin tayo. Iwan man
tayo ng lahat, talikuran man tayo ng mundo ang pamilya nandyan sa likod natin para
tanggapin pa rin tayo. Kaya wag maging sarado ang mga puso gawin mo lahat ng
makakaya mo para sa pamilya dahil sinasabi ko nasa huli ang pag sisisi . baka
mamalayan mo na lang na isang araw napagtanto mo na dapat pala pinahalagahan mo
na sila nung mga panahong nandyan pa sila.

You might also like