Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Epiko ng Mindanao

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng


Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't
maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring
Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-
usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-
usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y
naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian
ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid
niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni
nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang
pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula
naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang
bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang
kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman
ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni
Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian
pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si
Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal
niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng
Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay
nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y
iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang
kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring
Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy
ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring
Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang
katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap
naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan
ng maligaya ng mahabang panahon.

You might also like