Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng “Impeng Negro”

1. Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat
malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig.
2. Marami nang baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon nang dumating si Impen.
3. Nakaanim naman na siyang igib kayat ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si
Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban.
4. Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor.
5. Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang makikipag-away
na muli kay Ogor.
6. Nang siya’y paalis na, pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng nabitiwang
balde.
7. Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig.
8. Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa
nangyari.
9. Sumuko ang nanlulupaypay at duguang katawan ni Ogor.
10. Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya’t sinunggaban niya ito at walang habas
na pinagsusuntok ang kalaban.

You might also like