Ang Buhangin at Ang Tao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RICA U.

ALQUISOLA MARSO 17, 2016

3C-1 BB. MELODY G. AGUDILLA

DEMETRIO N. ESPINO

I. PANIMULA
Sa mundong ito, bawat nilikha ng may Kapal ay may responibilidad na
nakaatang na para rin sa ikauunlad ng bawat isa. Nasa sa atin na kung paano
natin ito gagampanan ng mabuti at matiwasay. Kaya marapat lang na bigyang
importansya o pahalagahan ang bawat bagay na nasa paligid natin dahil
kadalasang ang maliit mang bagay sa ating paningin ay may malaking bahagi sa
kaunlaran ng ating kapaligiran. Palaging isipin natin na kung ano ang magagawa
o maitutulong natin sa ating bansa at hindi kung ano ang magagawa ng bansa
para sa atin. Nilikha tayong may utak upang gamitin igo sa mga makabuluhang
bagay at hindi sa mga masasamang gawain. Madalas pa nga sa mundong ito kung
alin pa ang bagay na tila walang pakinabang ay ito pa pala ang may malaking
ambag sa pagkabuo ng mga malalaking estabilisimento at nakakapagpakita ng
pera sa mga tao. Kung ang mga simpleng bagay na walang buhay ay may
pakinabang, tao pa kaya na biniyayaan ng buhay at pag-iisip.

II. PANUNURING PANGNILALAMAN


A. PAKSA
Ang sanaysay na ito’y tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
konsepto, tao at bagay sa ating kapaligiran na may kanya-kanyang angking
katangian o likas na kakayahan. Pinapatungkulan din ang sanaysay na ito ang
kahalagahan ng tungkulin ng tao at mga bagay-bagay sa ating kapaligiran,
malaki man ito o maliit.
B. URI
Pormal na sanaysay ang akdang ito dahil nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa tao, bagay at pangyayari. Kung mapapansin ay may pagkaseryoso ang
nilalaman ng paksa. Gumamit din ng mga salitang akma sa nilalaman ng
sanaysay.

C. SIMBOLISMO

Buhangin- sumisimbolo ito sa tao at mga mamamayan.

D. TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYANG REALISMO ang nangibabaw sa sanaysay na ito dahil


makatotohanan at at tunay na nangyayari sa ating lipunan.

E. MAGAGANDANG PAHAYAG
“Ako’y “buhangin” napasngkap o napapasangkap na sa pagbuo ng
aking bayan, o ako’y isang “puwing.”

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


Ang kabuuang kaisipan ng sanaysay na ito ay na kahit anong liit na maari
nating maitulong ay magiging malaking bahagi pa rin iyon ng pagkabuo ng isang
konsepto o mga gawaing kapakipakinabang sa ating lipunan. Tulad na nga lang
ng ginamit sa akdang ito na itinulad ang tao sa buhangin na tulad nga nito kahit
maliliit sa ating paningin ay napakalaki ng ambag sa pagkabuo ng
napakaraming istruktura sa ating kapaligiran. Kaya tayong mga tao ay mas may
kakayahang makalikha ng mga kapakipakinabang ba bagay dahil biniyayaan
tayo ng utak, hindi dahilang porke’t maliit ang isang bagay ay wala nang halaga.
Bawat bagay sa mundong ito’y may dahilan at may kapakinabangan.

You might also like