Research Paper in Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Epekto ng paninigarilyo ng mga Istudyante ng Senior

Highschool sa ZPPSU

O
Ollaarrttee,,JJaaccoobb JJaann O
O..
Isinumite sa Bahagyang Katuparan ng mga Kinakailangan sa Pagbasa at Pagsusuri ng
ibat ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ginoong Elizar C. Abdullah

Guro ng Pagbabasa at Pagsusuri sa iba’t –ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Zamboanga Peninsula Polytechnic State Unervisity


R.T. Lim BLVD., Baliwasan, Zamboanga City
TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”


A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

F. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”


A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYA

KABANATA
I
Sangligan ng Pag-aaral
A. INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng


mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay
isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa
mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng
masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng
panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang


lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan
na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din
nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa
mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo,
nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga
taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay
naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang
magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang


sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit
ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay
binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip
ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp.
Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng
mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad


na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13
hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng
kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada
13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa
paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga,
kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na
sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang


huminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago
ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring
makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin
at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,


ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng
sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka
naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na
nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa
naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang
kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman
naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa
mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng
pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may
mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.
Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking
posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso
lalo na sa unang taon.
C. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang


mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga
hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na
ito.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo


ang kabataan.
2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang
mag-aaral na naninigarilyo.
3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga
naninigarilyo.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng


mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng
paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin
sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa
mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo
na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay
ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa
paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong
upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O
LITERATURA
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang
bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,
ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000
hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga
ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon
nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa
middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na
ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa
mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco


Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga
mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas
na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng
mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang
pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na
pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga
kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa
harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga
sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang
kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng
World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga
produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay
nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng
Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa
kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang
pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng
mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi
naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring
magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga,
bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight
at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong
naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay
naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon
Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga
tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay
kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming
plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa
usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon
at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa
puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang
taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga
baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at
maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng
emphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11


hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng
Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa
pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60
porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay
pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa
pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita
ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si
Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of
the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang
naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng
tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17
hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo
samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong


metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,
ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na
gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga
datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito
sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming
respondente.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong


naninigarilyo o mga smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga
respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-
epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive


Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey
questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga
opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga
artikulo sa dyaryo at sa internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t


wala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-
aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na
pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng
tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.
BIBLIOGRAPIYA

http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490

http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-
Tobacco/671975

http://bisyonatoh.blogspot.com/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

You might also like