Akd As A Myanmar

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga Manunulat ng Tula sa Myanmar

Wawn Awng (Burma, 1942)

Si Wawn Awng ay ipinanganak sa Um Uma village, Sumpra Bum


Township, Kachin State, Myanmar. Nagkamit siya ng isang BA degree sa
History sa pamamagitan ng distance edukation mula sa Mandalay University.
Siya ay unang nagtrabaho bilang isang office clerk sa pamahalaang serbisyo
sibil at naging isang pangkalahatang administrator sa buong Myanmar. Nang
magretiro siya noong 2002, siya ay nagsisilbing pangkalahatang administrator
sa Sumpra Bum Township, ang kanyang lupang kinagisnan.

Si Wawn Awng ay kilala sa Kachin literary circles. Ang kanyang mga tula
ay regular na lumalabas sa pampanitikan at theological magazine, tulad ng My
Htoi Ma at Maling Hpung Tsin. Ang kanyang mga tula ay madalas ding mabasa
sa mga community ceremonies gaya ng; World AIDS Day, World Environment
Day, Mother’s Day, Fathers’ Day, Christmas at Kachin Thanksgiving. Bilang
karagdagan sa mga tula pampanitikan, nagpublished si Awng ng sampung
mga aklat ng tula sa kasaysayang ng Kachin, kultura at dalawang volume ng
maikling kuwento.

Mga Tula ni Wawn Awng

STRAY AND TATTERED DOGS LIGAW AT PINABAYAANG ASO

A flock of tattered dogs from Ang isang kawan ng mga aso mula sa
neighbors brawl, kapitbahay kumahol,
stray dogs join them and roar kumahol ang mga aso
forcefully together. ng sama-sama.

Meanwhile, my head is shaken Samantala, ang aking ulo ay inalog


as if my heart is about to fall. bilang kung ang aking puso ay
The surroundings boil from the hell- tungkol sa mahulog.
rumble. Ang kapaligiran ay nag-iinit mula sa
kaguluhan ng impiyerno.
Woken up from a midnight dream
I can no longer sleep. Nagising ako mula sa isang
panaginip hatinggabi. Hindi na ako
I want to curse them: “be eaten by a nakatulog muli.
tiger”,
but there are no more tigers in the Gusto kong isumpa ang mga ito:
city "sana’y kainin kayo ng mga tigre",
no feline predator. ngunit wala nang mga tigre sa
Thinking of going to hit them, I lungsod
withdraw, wala ng tigreng maninila.
a neighbour.
The difficulty of stray and tattered Nag-iisip akong puntahan silat
dogs! sipain, ngunit di ko na tinuloy
Ang kahirapan ng ligaw at
pinabayaan na aso!

Mya Kabyar (Burma, 1974)

Si Mya Kabyar ay ipinanganak noong 1974 sa Palewa, State Chin. Siya


ay lumaki at nagtapos sa mataas na paaralan ng State Chin, pagkatapos ay
pinag-aralan ng pilosopiya at nagtapos mula sa Rangoon University. Nadama
ni Mya Kabyar ang kagandahan ng tula at nagsimulang magsulat noong siya
ay nasa mataas na paaralan pa. Ang kanyang unang tula ay naglalarawan ng
Chin at napublish sa magazine ng kanyang paaralan noong sa 1990. Siya ay
nakatira sa Yangon mula noong 1994.

Habang nagsusulat si Mya Kabyar sa isang postmodern style, popular sa mga


tulang Burmese, nakikita niya ang kanyang sarili na nasa labas ng Burmese
pampanitikan, na naglalarawan siya bilang hiwalay sa Chin pampanitikan
eksena: ‘It seems to be difficult. I didn’t try to enter because for me I think it is
hard to be part of that community. Nananatili siyang lubos na
maimpluwensyang sa loob ng Chin pampanitikang lupon bilang isa sa mga
nangunguna sa Chin sa paggawa ng mga kontemporaryong tula.

Iba pang mga Tula

PAGHAYO - Denise

(Alay Sa Mga Bayani Ng Burma)

Kay gandang pagmasdan


Ang mukha mong maamo

Paghaplos sa palad

At pagkipkip sa bisig ko

Akin kang aarugain

Hanggang sa dulo ng hininga ko

Yan ay aking pangako

Sa Diyos at sa bayan ko

Ngayong malaki ka na

At husto na ang isip mo

Bisig ay lumaki

Mga ugat ay di maitago

Laging usal mo

Inay bakit ganito

Tayo ba ay alipin

Sa sariling bayan

Ay lumalayo

Patuloy kang nag isip

Sistema ay ginagap

Inaral ang pangyayari

Na noon pa may dinaranas

Silang mapaniil

Sa laya’y kumitil

Karahasan ay sinambulat

Sa bayan ay nagpahirap
Nyayon ina

Akin namang iuusal

At ang muli kong pagyakap

Kasabay nito ay paglisan

Saan man mapunta

Aking ipagsisigawan

Mga totoong pangyayari

Na sa bayan ko’y nagaganap

Huwag kang malulungkot

Mahal kong ina

Ako ay babalik

At ang pangako

Ay dala

Sa muling pag usal

Kasama ko na sila

Sabay sabay na tatanglaw

Sa kalayaang

Abot tanaw na

Ginoong Charley, Ikaw ang Pinili Ko - Denise

Ni: Maung Chaw Nwe

Ginoong Charley, Ikaw ang Pinili Ko

Ni Maung Chaw Nwe Ginoong Charley


Ikaw ang pinili ko.

Sasabihin kong muli, Ginoong Charley,

Ikaw ang pinili ko.

Ikaw! Ginoong Charley, tanging napili ko,

Karamihan dito ay dahil sa iyo.

Isang magandang pagkakataon ang ika’y mapili,

Ngayon ay napagatanto ko Ikaw Ang napili mo ay marami.

Marami sa amin ang naghintay sa iyong pagpili, Ngayon ay mas alam ko na.

Tumingin ka...

Ginoong Charley, Natutunan mo kung paano dumiskarte, Bago ka natutong


mamili.

Ikaw

Ay manggagawang hindi sinanay,

Ikaw ay isang baliw sa sinapupunan, Ang pagkakakilala ko sa iyo Ay naging

basura.

Tumingin ka... Ginoong Charley, Ang basura ay higit pa sa dugo’t laman.

Ikaw ang pinili ko Ang iyong pinili At ang iyong pinabango.

Hayaan mong linawin ko ang aking sarili, Ginoong Charley, Ikaw ang pinili ko..

Maikling kwento:

Ang Lawa - Jemima

(Htin Lin)

Ni: Mg Di

Sa tuwing bakasyon, at sa tuwing dumarating ang Thadingyut ninanais kong


puntahan si Ko Khant sa kanilang bayan.

Habang ako’y nag-aaral pa ay palaging pumupunta roon tuwing walang


pasok. Ang kanyang bayan ay hindi kagaya ng ibang bayan sa Myanmar
ngunit dahil sa aking kaibigan na si Ko Khant ang kanilang bayan ay sadyang
kakaiba. Kaya kahit na masyadong mainit ang sikat ng araw nagagawa pa rin
akong patawanin, pasayahin at kwentuhan ng magagandang kwento ni Ko
Khant.

Si Ko Khant ay simple lamang at ordinaryong mamamayan ngunit


mayroong dignidad at makikita mong isang masayahing tao. Siya ay
palakaibigan at mabuting tao. Karamihan sa mga mamamayan sa kanilang
bayan ay nagugustuhan ang ugali niya. Ang tawag nila sa kanya’y Kuya Ko
Khant o kapatid Ko Khant. Siya ay isang batsilor at napili bilang isang lider sa
kanilang bayan sapagkat siya ay isa mga mga matatandang walang asawa sa
kanilang bayan. Hanggang sa kanyang edad na apatnapu (40) siya ay nakatira
sa kanyang byudang ina at minsang sinasabi na “Anak kahit na wala kang
asawa dapat kang maging masaya sa buhay.”

Ako at si Ko Khant ay gumagala sa bayan habang nakikita naming ang


mga babaeng nag-iigib ng tubig at kami’y nagbabasakaling makakita ng
magagandang binibini. Ang tawag ni Ko Khant sa mga kababaihan ay mga
kapatid o mga pamangkin kaya napatawa naman ang mga dalaga. Ang dami
niyang kilalang mga babae kaya ang swerte ko. Ngunit ang iba naman ay
masungit rin sa kanya.

“Hoy, tingnan mo ito.” “Kamusta ka na magandang binibini?”

Siya lamang ang babaeng nakatingin sa kanya ng ganon at ito ay si Ma


Hla Aye, ang pamangkin ni U Thudaw na isang lider ng sampung kabahayan.
Ako ay naintriga kay Ko Khant kung bakit niya kinaiinisan si Ko Khant
sapagkat sa kanilang bayan si Ko Khant ay mahal ng lahat. Siya naman ay
aking tinanong tungkol rito ngunit hindi niya ako sinasagot ng maayos. Kaya
ako ay naging interesado sa kanilang dalawa. “Kapatid kong Ko Khant, sabihin
mo na.” Si Ko Khant ay tumawa lang. “Wala yun kapatid, ayaw kong sabihin sa
iyo sapagkat ang isang salita ay maaaring maibunyag ang buong istorya.

“Anong buong istorya?” Sige na, sige na sabihin mo na sa akin ang


sekreto mo.”

Wala pa ring sinabi si Ko Khant ngunit tawa ng tawa habang sila ay


naglalakad. Lagi ko siyang kinukulit kaya sinabi niyang, “kung talagang nais
mong malaman ang totoo siguro nga kailangan ko ng sirain ang aking
pangako.” Sabi ni Ko Khant.
Huminto si Ko Khant at sinindihan ang isang kawayan at kami ay
umupo sa gilid ng isang punong Thabye. “Ito ay nagsimula noong water
festival,” nagsimula ng magsalita si Ko Khant.

Ang lahat ng tao dito sa bayan ay pumupunta sa monastery upang mag-


ayuno at maghandog sa Buddha. Ang iba’y nananalangin at karamihan ay
pumupunta sa monasteryo kaya walang natitira sa bayan. Kaming mga lider
ay pumupunta sa isang monasteryo at lumilipat naman sa ibang monasteryo
at an gaming kinakain ay nagmumula sa mga ibinibigay ng mga nagsisimba.

Noong nakaraang taon si ina ay pumunta sa monasteryo ng maaga at


ako ay nagluto at dinalhan siya ng kanyang makakain sa tanghalian. Matapos
ay tinamad na akong ihatid ang lalagyan ng pagkain sa bahay kaya naisipan
kong matulog sandali sa monasteryo. Ngunit ako ay hindi makatulog sa dami
ng tao sa aking paligid kaya naisipan kong humiram ng isang baning sa isang
monghe. Nang makita ako ng monghe siya ay natuwa ngunit nang humiram
ako ng banig siya ay nainis. “Matutulog ka na parang isang patay?” Sabi ng
monghe. “Walang pag-asa diyan, maupo ka at ika’y manalangin, pag nakita
kitang natutulog palalabasin kita.” Sabi ng monghe.

“Anong gagawin ko? Naiwan ko ang aking beads. Maari ko bang hiramin
ang sa iyo?” Tanong ko sa kanya.

Pinahiram naman niya sa akin ang kanyang beads. Ibinigay niya ito ng
maluwag sa akin. Kinuha ko naman ang kanyang beads at ako ay nanalangin
at pagkatapos ay umalis na. Kaya naman ako ay naglakad papalayo sa
monasteryo at pumunta sa isang lawa. “Natatandaan mo ba yung lawing sinabi
ko sa iyo noon?” Nang makarating ako doon nakita ko si Ma Hla Aye at siya ay
nag-iigib ng tubig. Biglang nadulas si Ma hla Aye at nahulog sa mga bisig ni Ko
Khant. Si Ma Hla Aye ay nakatitig kay Ko Khant ngunit siya ay nagmumura.

Si Ma Hla Aye ay naligo sa lawa at di niya alam na ako ay nasa likuran


niya. Siya at malakas na tumawa na tila kinikilig. “Maaari bang maligo ang
mga tao sa lawing iyon?” “Oo, noon lang.”

Ang lawing sinasabi ko ay ang isa pang lawa na kung saan pwedeng
liguan ng mga tao. Kaya doon kami nagkita ni Ma Hla Aye. Habang naliligo
siya’y biglang may kumagat na gagamba sa aking mga paa kaya napasigaw ako
at nahalata nga ni Ma Hla Aye na naroon din ako. Dahil bigla akong nahulog
napasigaw siya dahil nakita niya akong nakahubad. Kaya naman sinabihan ko
siya na huwag tumingin.
Pagkatapos anong ginawa mo? Nang marinig ko na mayroong mongheng
paparating ako ay natakot baka pagalitan niya kami. Ngunit si Ma Hla Aye ay
pinakiusapan niya akong kunin ang kanyang mga damit kaya ginawa koi to.
Nang matapos siyang magbihis ay dala niya ang kanyang balde na puno ng
tubig. Gayunpaman ay pinagalitan niya ako ngunit tawa lang ako ng tawa kaya
galit na galit siya nang umalis.

“Isinusumpa ko, ikaw ay kakagatin ng ahas dahil sa ginawa mo.” Ang


sigaw ni Ma Hla Aye.

Si Ma Hla Aye ay may maamong mukha at magandang dalaga lalo na


pag suot niya ang Thanakha sa kanyang mukha. Dahil sa galit niya sa akin ay
nahulog ang balde na inilagay niya sa kanyang ulo. At bigla kaming
nagtakbuhan.

Nang kami’y makarating sa bahay ipinakita ng aking tiyahin ang isang


liham mula sa aking ina na nagsasabing kailangan ko ng bumalik sa aming
bahay dahil ang aking lolo at tiyahing mula sa Mandalay ay dumating na.
Nagmamadali naman akong ayusin ang aking mga gamit upang makahabol sa
byahe.

Dahil sa pagmamadali ni Ko Khant ay hindi na niya naikwento ang


lahat-lahat sa binata. Kaya siya ay umalis ng bayan na tila nabitin sa mga
kwento ni Ko Khant.

Nang muli naman kaming magkita ni Ko Khant, nang siya ay pumunta


sa syudad para sa isang bagay ay tinanong ko na naman siya sa karugtong ng
kanyang kwento tungkol sa kanilang dalawa ni Ma Hla Aye. Habang nakikipag-
usap siya sa aking mga magulang siya ay natawa sa aking kakulitan. “Paano
kayo nakalabas sa lawa?” Tanong ko sa kanya. “Hindi mo pa pala iyon
nakalimutan? Grabe naman ang memorya mo.” Sagot ni Ko Khant sa binata.
Ngunit hindi niya pa rin sinagot ang tanong ng binata.

At ako ay naiwang hindi naresolba at nasagot ang aking mga tanong


tungkol kay Ma Hla Aye at Ko Khant. Kaya kung ako ay mamamatay sa araw
na ito, sigurado akong hindi ito isang magandang kamatayan.

Ang Malalaking Halaga Kumpara sa Maliliit na Halaga – Ivy

(Si Atta Kyaw)

Ni: Pen Nyunt Way


Hindi dahil ayaw kong kumain, sapagkat kaya ko namang gumastos
para sa aking sarili, hindi lang talaga ako gutom.

Gayunpaman, ang oras ay lumipas sa pananghalian. Alam nila na mula


umaga’y hindi ako kumain, dahil ipinagmaneho ko sila mula kaninang umaga
hanggang ngayong hapon. Sila ay ang may-ari ng bagong bahay sa Golden
Valley na patuloy pang ginagawa hanggang ngayon. Ako ay kanilang sinuhulan
upang maging drayber nila.

Sinabihan nila akong magmaneho patungo sa isang Chinese restawrant


na kilala sa tawag na Ruby. Nang sila ay bumaba papunta sa loob ng
restawrant di man lang nila ako niyaya, ngunit ganyan daw talaga ang
patakaran ang isang drayber ay maghihintay lamang sa loob ng taxi at
maghihintay kung kalian babalik ang kanyang mga pasahero sapagkat siya ay
binayaran na upang magmaneho para sa kanila. Sapagkat ako ay nagugutom
na at sa tingin ko’y kailangan ko ng kumain. Ako ay pumasok sa restawrant at
nag-order ng para sa akin lamang. Noong una’y di nila ako nakita dahil sila ay
abala sa kanilang kinakain.

Nang lumapit ang waiter sa akin kami ay nagkatinginan ng aking mga


pasahero. “Oh, ikaw pala yan, halika at makisabay ka na sa amin.” Sabi ng
kanyang mga pasahero. Alam kong napilitan lamang silang sabihin iyon dahil
nakita na nila ako. “Walang anuman, kanina niyo pa sana ako pinagsabihan.”
Sagot ng drayber. Ang kanyang mukha’y tila napahiya.

Pabalik sa konstraksyon ng kanilang bagong bahay, pinakiusapan


naman nila akong ihatid ang mason sa kanilang bahay. Ang bahay ng mason
ay nasa lugar ng mga mahihirap sa South Okkalapa, upang matawid ko ito’y
kailangan kong pagdaanan ang mga makakapal na linya at ang kalsadang
butas-butas. Ang kanyang bahay ay tulad ng isang maliit na bahay kubo.

“Halika, tuloy ka, at inumin mo itong tsaa.” Alok ng mason sa kanya.

“Ayos lang gawin mo na at tapusin ang dapat mong gawin.” Sagot ng


drayber. Ang mason ay lumabas mula sa bahay kubo at may dalang tsaa. Ako
ay naaawa sapagkat nakikita kong nahihirapan ang mason upang dalhin ang
tsaa. “Naku, pasensya na, nag-abala ka pa.” Sabi ng drayber.

“Ayos lang.” Sinundan ko siya sa loob ng bahay kubo at ininum ang


tsaang inihanda niya para sa akin.

Sanaysay ni Pan Mwan Wa - Bettina


MAPAPANSING nagsisimula ang kapalaluan ng tao sa maagang bahagi
ng buhay. Kasama marahil sa kalikasan ng tao ang pagkapalalo.
Nagpapamalas ng pagmamataas ang isang batang sutil o matigas ang ulo.
Kapag ang bata’y nag-aalboroto, naglulupagi, o nagpapagulong-gulong sa sahig
— at sinamo ng nakatatanda — tinutulutan siyang magbuo sa pagkatao ng
kapalaluan. Makabubuting kung nasa ganitong sitwasyon ang bata, ay iwang
mag-isa. Sa malao’t madali’y matutoto siya ng leksiyon—nababawasan ng di
pagpansin ang pagmamataas, hindi man lubusang maiwaglit sa pagkatao ng
isang paslit.

May mga katangiang hindi maikukubli ang kapalaluan. Hindi


makapagpatawad sa kapuwa ang isang taong palalo. Tulad ni Hudas Iscariote
na di natutong umamot ng tawad kay Hesus matapos na maipagkanulo, ang
isang palalo’y hindi rin marunong humingi ng tawad. Sa lahat ng pagkakataon
ng paligsahan, gusto niyang siya ang laging manalo — kung hindi’y tila
ikapupugto yaon ng kanyang hininga. Wala siyang pitagan at hindi siya
marunong magpasalamat. Bakit nga naman siya magpapasalamat? Sa isip
niya’y importante siya, kaya dapat na paglingkuran nang libre ng sinuman.
Kung may mabalitaan siyang ginawang mabuti o mahusay ang kapuwa, hindi
siya makapayag at pipintasan niya yaon. Sasabihin sa harap ng marami na
“walang kuwenta...kayang gawin iyon ng kahi’t sino...higit na mahusay ang
magagawa ko.” May mga ekspresyong hindi magamit-gamit ng isang taong
palalo, tulad ng “ikinalulungkot ko,” o “ako ang may pagkakamali” o kaya’y
“binabati kita!”

Bumibintog na parang lobong puno ng hangin ang ulo ng taong


mapagmataas. Kapag sinundot ito ng matulis na bagay ay biglang sasabog sa
pagkapahiya at titilapon sa kawalan. Kung minsan, nagkukunwang aba ang
isang palalo, nagsasalita siya ng laban sa kanyang sarili. May paraan upang
hindi magtagumpay ang kanyang panlilinlang at pagkukunwari. Kapag sinabi
niyang “hamak lamang ako, wala akong kuwenta...” agad sumang-ayon at
malakas na itugong “totoo ang sinabi mo!” Bantayan kung ano ang
mangyayari: malamang na siya’y mag-istabarangka!

Kapalaluan ang sanhi ng pagbagsak ng unang magulang nating si Adan


at ng kaaway nating si Lucifer. Kapuwa sila naghangad na mapantayan o
malaluan pa ang kapangyarihan ng Diyos. Kapalaluan din ang ginawang
panunukso ni satanas sa Panginoon na lumundag mula sa templo, at
pagkatapos ay iligtas ang sarili upang tumanyag at maging usap-usapan ng
buong bayan (Lk 4:11).
Marami ang nagpapalagay na ang kapalaluan ay kasalanan lamang ng
masasamang tao. Hindi tunay ang sapantahang yaon, nakikita rin sa
mabubuting tao ang kapalaluan. Magugunita ang kuwento sa Ebanghelyo
tungkol sa isang nananalanging Pariseo. Habang dumadalangin, sinasabi niya
sa Diyos ang mabubuting bagay na ginagawa niya. Totoong ginawa nga niya
ang mga iyon, kaya maituturing na mabuti siyang tao. Nguni’t ang mabubuti
niyang ginawa ay laging iniisip...ipinangangalandakan...at ipinagmamalaki —
at iyon ang nakasira (hindi naging kasiya-siya sa Panginoon) may ginawa man
siyang kabutihan (Lk 18:9-14).

Animo’y bokbok na kumakain mula sa ilalim ng nakatumpok na


galapong o bigas ang kapalaluan. Parang anay rin itong sumisira sa kahoy na
haligi, batangan, at iba pang kagamitang nasa isang tiwasay at payapang
tahanan, danga’t di nito makayang ngatngatin ang mga kongretong sangkap.
Gayunpama’y dapat tayong maingat — iwasan at layuan ang nagngising
kapalaluan na nagtatago sa pusong binubokbok at nagkukubli sa budhing
inaanay. Nakapangingilabot at mapanganib na sumalamuha sa naglipanang
multo ng pagmamataas, kahi’t isipin pang ang nagpapakataas ay ibinababa at
ang nagpapakababa ay itinataas. Tulad din ng lisyang pagmamahal sa salapi
ang demonyong kapalaluan! — ugat ng sangkabuntong kasalanan.

You might also like