100 Salita Tungkol Sa Piling Larangan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1.

Abstrak - maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o


pananaliksik
2. Académié- salitang pranses na pinagmulan ng salitang akademiya
3. Aeronautics - pag-aaral, pagdisenyo at pagpapagawa ng mga
makinang may kakayahang lumipad at ang mga pamamaraan ng
pagpapatakbo ng mga sasakyang panghimpapawid at iba pa.
4. Akademiko- may layuning magbigay ng ideya at impormasyon batay sa
obserbasyon, pananaliksik at ebidensya
5. Akademiya- institusyon na kinabibilangan ng mga iskolar,artista at
siyentista na ang layunin ay isulong,paunlarin,palawakin ang kaalaman at
kasanayan pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan
ng partikular na larangan na tahanan ng nga iskolar
6. Analisis- pagsusuri, paghihimaymay ng isang masalimuot na paksa o
sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang
makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito
7. Analitikal na Lapit- ginagamit sa pagorganisa, ng mga impormasyon sa
mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga paguugnay ugnay ng mga ito
sa isa't isaginagamit sa pagorganisa, ng mga impormasyon sa mga
kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga paguugnay ugnay ng mga ito sa
isa't isa
8. Aplikasyon - Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan
upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa
9. Arkeolohya- pag-aaral sa mga kalinangan ng tao
10. Astronomiya- pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang
nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito
11. Balangkas- kalipunan ng mga salita at pangungusap na nagsisilbing giya
para maiparating ng maayos at organisado ang mensahe salig sa
paksang tinatalakay
12. Bokasyon - tumutukoy sa landas na maaaring tahakin ng isang tao
patungkol sa kanyang maaring maging trabaho, propesyon, o
pagnenegosyo
13. Bottom up – pagkatuto sa pagbabasa ng libro
14. Brainstorming- paraan ng paglinang ng kritikal na pagiisip
15. Bunga- resulta, kinalabasan o ang naging dulot ng isang pangyayari
16. Buod - pinaiksing bersyon ng isang teksto
17. Datos- anumang uri ng kaalaman tungkol sa isang bagay
18. Copyright- linilinaw sa "Intellectual Property Code of the Philippines" o ang
"Republic Act no. 8293" karapatan o obligasyon ng may mga may-akda
pati na ang pag-gamit sa mga ginawa ng mga ito
19. Deskripsyon - Pagsasalaysay; paglalarawan
20. Di Akademiko – nagbibigay ng opinyon, nagpapahayag ng damdamin
at kadalasang subhektibo
21. Diskusyon- pagtatalakayan; pagpapalitan ng mga pananaw at kuru-kuro
22. Ebidensya- pruweba, katibayan at patunay
23. Ekonomiks- pag-aaral ng pamamaraan kung paano maipamamahagi sa
isang bansa at sa kanyang mga mamamayan ang limitadong
pinagkukunang-yaman
24. Epekto- bunga o resulta
25. Erasmus- prinsipe ng humanismo
26. Estratehiya- paraan o plano kung saan ginagamit ito upang mas madali
o mas maayos na gawin ang isang bagay
27. Etika – agham ng moralidad
28. Ethos-salitang griyego na ang ibig sabihain ay "karakter"
29. Factual Report- tekstong walang pinapanigan at tanging ulat lamang
30. Gramatika- balarila
31. Graphic Organizer -paraan ng pagsasaayos ng mga ideya, katotohanan,
at iba pang mga konsepto gamit ang mga larawan upang maipakita
ang relasyon ng mga ito sa bawat isa
32. Hawig- dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag, tinatawag itong
Paraphrase sa Ingles
33. Hipotesis- Palagay na pinaghahanguan ng katwiran
34. Hiya- panlipunang kaugalian na nagpapakita ng utang na loob
35. Humanidades- naglalayon na gawin tayong tunay na tao sa
pinakamataas na kahulugan nito
36. Imahinatibong Pagsulat- pagawa ng isang literatura na pagpapahayag
ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
37. Introduksyon- panimula
38. Iskolastisismo- mga taong may kinalaman sa pag- aaral ng humanidades
39. Ispekulatibong Lapit- proseso na kung saan kinikilala ang mga senaryo,
mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.
40. Jacket blurb- maikling deskripsyon na nasa labas na pabalat ng isang
libro
41. Kababaang-loob –pagapapakumbaba, tamang pagtingin sa sarili
42. Kakintalan- pagkakaroon ng isang impresyon hinggil sa isang
babasahing sanaysay o artikulo na karaniwang naglalaman ng
mahalagang impormasyon o pangyayari
43. Kasaysayan- pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito
nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan
44. Kritikal na Lapit-ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at
pagbibigay ng sariling opinyon o ideya
45. Kronolohiya- pagkakasunod-sunod
46. Kurso-tumutukoy sa isang pagsasanay at pagaaral sa isang partikular na
larangan ng propesyon
47. Lagom- sinopsis, pagbubuod ng bawat kabanata
48. Layunin- karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o
katuwiran
49. Lingwistika- pag-aaral sa wika
50. Lipunan-pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na
binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
51. Literasi- taong marunong bumasa at sumulat
52. Malayang Pagsulat- walang limitasyon o dapat na sinusunod na tema.
Dito malayang maglalakbay ang iyong isipan o ikaw mismo sa sarili mong
imahinasyon na siyang magbibigay sa iyo ng ideya sa iyong susulatin.
53. Malikhain- isang salik sa epektibong pagbabasa kakayahang lumikha o
gumawa ng iba't ibang bagay, kaisipan o pamamaraan
54. Mapagsiyasat- kakayahan sa pananaliksik ng mga bagay-bagay
55. Mapanuri- paglalahad na nagtitimbang, nagpapahalaga, nagpapasya
at kumikilatis ng mga bagay na may malaking kaugnayan sa pang-araw-
araw na buhay

56. Metakognitibo- - Pangunahing katangian nito ang pag-iisip kung ano ang
ginagawa habang nagbabasa. estratehiya at teksto ang gabay ng
pananaw na ito.
57. Metodo- pamamaraan
58. Mnemonic- paggamit ng mga letra sa pagkakabisado ng mga salita
59. Orasyon-dinarasal sa pagbanggit bilang bersikulo at tugon sa mga
misteryo
60. Pag-aatubili- pagmamadali
61. Pagbasa- proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o
nakasulat na impormasyon o ideya
62. Pagbubuod- araan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin
63. Pagkokompara-ito ay pagpapaliwanag sa kung paano nagkatulad o
nagkaiba ang dalawa o higit pang bagay
64. Paglalarawan-anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig
65. Pagsusuri- proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas
maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na
pagkaunawa rito
66. Paksa- simuno, pangunahing layunin ng talata
67. Pangungumbinsi- panghuhikayat uoang maniwala ang tao sa isang
bagay
68. Pangungusap- lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa
69. Paraphrasing- Paggamit ng hawig
70. Perspektiba- tumutukoy sa pananaw ng isang tao, sa kanyang
pakakaintindi sa naturang paksa
71. Petrach- Ama ng Humanismo
72. Piksyon- imahinasyon o kathang isip lamanh
73. Plagiarism- ang ilegal na pangaangkin ng ideya o ginawa ng ibang tao
74. Pope Pius II- humanista na miyembro ng simbahan
75. Presi- buod ng buod
76. Pre-viewing- bubususisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo
77. Problema- suliranin
78. Proseso- sistema, pamamaraan
79. Rebyu- muling pagtingin o muling pagsulyap, kadalasan din itong
ginagamit upang tukuyin ang ginawang pagbabago o pag-iba
maaaring sa aklat, sulat o liham at iba pang na bagay
80. Relihiyon- kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang
kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa
espiritwalidad at minsan ay sa moralidad
81. Report- pagsasalaysay, pag-uulat
82. Sanhi- pinagmulan o dahilan ng isang resulta o pangyayari
83. Sikolohiya- pag-aaral ng isip, diwa at asal
84. Sining- tumutukoy sa malawak na saklaw ng mga gawain ng mga tao na
nagpapahayag ng mga biswal, pandinig, at iba pang uri ng obra na
nagpapahayag ng iniisip o nararamdaman ng gumawa.
85. Sinopsis- Ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
86. Sintesis- isa itong pinaikli ng mga oangunahing punto, kadalasan ng
piksyon
87. Siyensya- Isang sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong
pamamaran upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka
haka
88. Skimming- tinitignan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon
ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa
89. Solusyon- kasagutan sa problema
90. Talata-binubuo ng pangungusap, pangkat ng mga pangungusap, at
pangkat ng mga salita
91. Talumpati- buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao.
92. Taunang ulat- isang balita na isinasagawa taon taon
93. Teknolohiya- mga makinarya o kagamitan ng ginagamit upang mapadali
ang produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan
94. Tesis- disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa
kandidatura para sa isang akademikong antas o propesiyonal na
kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik at natuklasan ng manunulat
95. Tono- ito ay impersonal, hindi parang nakikipag-usap lang
96. Tradisyunal- matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon,
at kahulugan para sa mambabasa
97. Transactional Reader-response theory- kaugnay ng metakognitibong
pananaw, kung saan ang mambabasa ang lumilikha ng kahulugan sa
teksto mula sa mga kaalaman at karanasan
98. Ulat- pagbibigay impormasyon sa isang nauukol na paksa
99. Wakas- katapusab o kongklusyon sa isang teksto
100. Wika- Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan

You might also like