Tagpuan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Tagpuan 'Di makapaniwala sa nangyari

Moira Dela Torre Pano mo naitama ang tadhana?


Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala
'Di, 'di ko inakalang
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Tumingin kung saan
Naubusan ng bakit
Sinubukan kong lumisan
Bakit umalis nang walang sabi?
At tumigil ang mundo
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Nung ako'y ituro mo
Bakit 'di maitama ang tadhana?
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
At hindi ka lumayo
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Nung ako yung sumusuko
Tumingin kung saan
At nagbago ang mundo
Sinubukan kong lumisan
Nung ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Nung ako'y pinili mo
Siya ang panalangin ko
Siya ang panalangin ko.
At hindi, 'di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin
Pano nasagot lahat ng bakit?
ISANG LINGGONG PAG-IBIG Huwebes ay inibig din kita
Imelda Papin
Biyernes ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Lunes, nang tayo'y magkakilala
Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan
Martes, nang tayo'y muling nagkita
At pagsapit ng linggo
Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig
Giliw ako'y iyong iniwan
Huwebes ay inibig din kita
O kay bilis ng iyong pagdating
Biyernes ay puno ng pagmamahalan
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Natulog akong ikaw ang kapiling
Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan
Ngunit wala ka nang ako'y gumising
At pagsapit ng linggo
O kay bilis ng iyong pagdating
Giliw ako'y iyong iniwan
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
O kay bilis ng iyong pagdating
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Sa isang iglap lang nawala ring lahat
Natulog akong ikaw ang kapiling
O kay bilis ng iyong pagdating
Ngunit wala ka nang ako'y gumising
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
O kay bilis ng iyong pagdating
Natulog akong ikaw ang kapiling
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ngunit wala ka nang ako'y gumising
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
O kay bilis ng iyong pagdating
Sa isang iglap lang nawala ring lahat
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Lunes, nang tayo'y magkakilala
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Martes, nang tayo'y muling nagkita
Sa isang iglap lang nawala ring lahat.
Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig
Jose Maria Panganiban
Kamundagan: José Maria Panganiban y Enverga
Pebrero 1, 1863
Mambulao, Camarines, Captaincy General of the Philippines
Kagadanan: Agosto 19, 1890 (edad 27)
Barcelona, Spain
Mga bantayog: Jose Panganiban, Daet (1985), asin Syudad nin
Naga (1930), Camarines Sur
Iba pang mga ngaran: Jomapa, J.M.P.
Alma mater: Holy Rosary Minor Seminary, Colegio de San Juan de
Letran, University of Santo Tomas, University of Barcelona
Trabaho: Parasurat, peryodista
Organisasyon: La Solidaridad, Asociacion Hispano-Filipina,
masoneria
Relihiyon: Katoliko Romano

Si Jose Ma. Panganiban (Ho·sé Ma·rí·ya Pa·nga·ní·ban) ay manunulat at aktibong kalahok sa Kilusang
Propaganda. Gumamit siya ng sagisag panulat na Jomapa at J.M.P. sa pahayagang La Solidaridad.

Isinilang siyá noong 1 Pebrero 1863 sa Mambulao, Camarines Norte kina Vicente Panganiban at Juana
Enverga. Ang kaniyang ina ang nagturo sa kaniya ng kartilya, katon, at katekismo. Nang mamatay ang
kaniyang ina, pinag-aral siyá ng kaniyang ama sa isang seminaryo sa Naga, Camarines Sur at nakatapos
ng kursong Pilosopiya noong 1882. Sa tulong ng direktor ng kaniyang pinasukang seminaryo, nakapag-
aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkaraan ay kumuha siyá ng medisina sa Universidad de
Santo Tomas. Noong 1887, isinulat niya ang Anatomia de Regines na kinilála bilang isa sa mahusay
niyang katha. Ang mga isinulat niya tungkol sa general pathology, therapeutics at surgical anatomy ay
pinarangalan din. Ang isang antolohiya ng kaniyang mga akda ay tinipon ni Padre Gregorio Echevarria,
rektor ng Universidad de Santo Tomas, at ipinadalá sa Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong
1887.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Universidad de Barcelona sa España noong 1888. Hábang
nása España, nabása niya ang mga isinulat ng mga Filipinong propagandista. Naging dahilan ito upang
sumapi siyá sa grupong Asociacion Hispano-Filipina at La Solidaridad. Naging sagisag- panulat niya ang
Jomapa at J.M.P. Sumulat siyá tungkol sa malîng sistema ng edukasyon sa Filipinas at ang hangarin ng
malayang pagpapahayag ng saloobin ng mga Filipino. Kinilála mismo ni Jose Rizal ang kaniyang husay sa
pagsulat at dakilang adhika para sa bansa. Ang ilan sa mga artikulong isinulat niya ay “El Pensamiento,”
“La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio,” at “Los Nuevos Ayuntamientos de Filipinas.” Sumulat din
siyá ng tula at maikling kuwento gaya ng “Ang Lupang Tinubuan,” “Noches en Mambulao,” “Sa Aking
Buhay,” “Bahia de Mambulao,” “La Mejerde Oro,” “Amor mio,” “Clarita Perez,” at “Kandeng.”
Nang magkaroon ng tuberkulosis, humingi siya ng tawad kay Rizal na hindi na siya makatutulong pa sa
kilusan. Namatay siya sa Barcelona noong 19 Agosto 1890 sa kaniyang tinitirahan sa Rambla de
Canaletas 2. Noong 1 Disyembre1934, sa pamamagitan ng Act No. 4155 ay ipinangalan sa kaniya ang
bayan ng Mambulao, Camarines Norte. Sa tulong ng historyador na si Domingo Abella ay naibalik sa
Filipinas ang kaniyang mga labí mula sa Barcelona. (KLL)
Edukasyon

Tinuruan siya ng kaniyang ina na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol noong bata pa. Pinag-aral siya
sa isang seminaryo sa Naga, Camarines Sur. Doon ay naging mahusay na mag-aaral siya at nakatapos ng
kursong Pilosopiya noong 1882. Si Panganiban ay nagtungo sa Maynila, at nag-aral sa Colegio de San
Juan de Letran dahil na rin sa tulong na kaniyang natanggap mula sa mga kawani ng seminaryong
kaniyang pinaggalingan. Kumuha rin siya ng kursong medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas at
ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Barcelona sa Espanya.

Isang Makabayan

Noong kasalukuyan siyang nasa Espanya, nabasa niya ang mga akda ng mga Filipino na kasapi ng
Kilusang Propaganda laban sa mga Kastila. Sumapi sa kilusan at doon ay naging isang manunulat.
Binigyang pansin niya ang mga maling sistema ng edukasyon sa Filipinas at pinagtuonan ang hangaring
makalaya at makapagpahayag ng saloobin ng bawat Filipino. Ang kaniyang mga likha ay hinangaan at
kinilala ni Jose Rizal.

Huling Sandali

Hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay, tanging ang pagsusulat para sa bansang Filipinas ang
kaniyang iniisip. Habang nagdurusa sa karamdaman, si Panganiban ay humingi ng paumanhin kay Rizal
at sinabi, "Kung mayroon lamang akong sapat na lakas tulad nang ako ay bata pa, patuloy pa rin akong
magsusulat hanggang sa huling yugto ng ating laban."

Sanggunian
* Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Ma._Panganiban

Katiting

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"
Pagkilala
DE LOS SANTOS EPIFANIO
“Don Panyong”

(7 Abril 1871-18 Abril 1928)

Kamundagan: Abril 7, 1871 Malabon

Kagadanan: Abril 18, 1928 Manila edad na (57)

Ibang Pangalan: Don Pañong, G. Solon (pen name), Señor de los


Santos, ED or EDS (acronym)

Edukasyon: Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas,


University of Santo Tomas Faculty of Civil Law

Mga Libro: The Revolutionists: Aguinaldo, Bonifacio, Jacinto

Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero,


pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique.

Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong 7 Abril 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si
Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa.
Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si
Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa
Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa
Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay
kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman.

Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang
sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang
kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon
ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes,
Intramuros ay nagmistulang silid aklatan at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may
hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime
de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad
ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal
Academia sa Madrid at nakilalang unang Academician ng bansa.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang
La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong pahayagang La
Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Solon.

Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan.
Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon
ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa
iba't ibang bansa tulad ng Pransiya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang
bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksiyon sa sariling aklatan.

Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang
siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong
16 Mayo 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng
Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.

Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya Ursula Paez ng
Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang
asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na
manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong.

Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan ng kagalingan sa
panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang
Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga
sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr.
Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920).

Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at
Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.

Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang
panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don
Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo
Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa
natatanging talento niya sa paggitara.

Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang
kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong 28 Abril 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak
(cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na
nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de
los Santos o kilala bilang EDSA.
"We Filipinos are the most promising people in the world. We have unheard of possibilities. There never has been
a people similarly situated. Here we are in the Orient, with our Oriental thoughts and sentiments, but living amidst
a civilization more Western than was ever known in the East. The Philippines is the only country where East meets
West. The Filipino is a true cosmopolite. From him the world may expect something new and distinctive."
Si Epifanio de los Santos (E·pi·fán·yo de los Sán·tos) ay isang iginagálang na historyador at iskolar.
Itinuturing siyáng “Unang Akamedisyang Filipino” at “Dakila sa mga Dakilang Iskolar na Filipino.” Sa
kaniya ipinangalan ang EDSA, ang pinakamahabà at pangunahing lansangan ng Kamaynilaan at
pinakatanyag na daan ng Filipinas.

Bilang manunulat, itinuturing si De los Santos bilang isa sa mga pangunahing Filipinong manunulat sa
wikang Espanyol ng kaniyang panahon. Siyá ang unang Filipino na mahirang na kasapi ng Royal Academy
of Language, Royal Academy of Literature, at Royal Academy of History ng Espanya sa Madrid. Katuwang
siyáng patnugot ng pahayagang rebolusyonaryong La Independencia, at kasámang tagapagtatag ng mga
diyaryong La Libertad, El Renaciemento, La Democracia, La Patria, at Malaysia. Naglimbag siyá ng mga
akda tungkol sa kasaysayan at kalinangan ng Filipinas, ang Algo de Prosa (1909), Literatura Tagala
(1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra literatura a traves del siglo (1913), El Proceso del Dr. José Rizal
(1914), Folklore Musical de Filipinas (1920), Filipinos y filipinistas, Filipinas para los Filipinos, Cuentos y
paisajes Filipinos, at Criminality in the Philippines (1903–1908). Isa siyáng dalubwika sa Espanyol, Ingles,
Pranses, Aleman, at Tagalog.

Bilang iskolar, nag-ambag siyá sa mga unang pag-aaral sa Filipinas sa antropolohiya, etnolohiya,
arkeolohiya, lingguwistika, at demograpiya. Naglakbay siyá sa mga museo at aklatan ng Europa upang
mangalap ng mga pambihirang dokumento at gamit mula at tungkol sa Filipinas. Bilang estadista,
nahalal si De los Santos bilang gobernador ng Nueva Ecija noong 1902 at 1904. Siyá ang unang
gobernador ng lalawigan na nahalal sa demokratikong paraan. Pagkatapos ng kaniyang termino, hinirang
siyáng piskal panlalawigan ng Bulacan at Bataan. Noong 1925, hinirang siyá ni Gobernador Heneral
Leonard Wood bilang direktor ng Pambansang Aklatan at Museo.

Isinilang siyá noong 7 Abril 1871 sa Malabon kina Escolastico de los Santos ng Nueva Ecija at musikerang
si Antonina Cristóbal ng Malabon. Nakamit niya sa Ateneo Municipal de Manila ang Batsilyer sa Arte na
may parangal na summa cum laude, at pagkatapos ay kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Nanguna siyá sa bar exam. Nagkaroon siyá ng apat na anak sa unang asawa na si Ursula Paez at
walong anak sa ikalawang asawa na si Margarita Torralba. Pumanaw siyá noong 18 Abril 1928 hábang
nasa katungkulan. (PKJ)

You might also like