Grade 11 - Filipino Sa Piling Larangan - Kabanata 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANGAN – REPORT

BERNARDO, Eleina Bea L.


FRANCISCO, Janine Gian N.
11th Grade – Plato of Athens

Paksa: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip”
Masasabing totoo ang pahayag na ito sapagkat tuwing nagsisimula tayong magsulat ay
iniisip natin ang mga salitang isusunod natin sa pagsulat, at kapag mauubusan na tayo ng ideya
ay wala na tayong maisusulat. Kung ihahambing natin sa isang sitwasyon na kung saan ang guro
ay nagpapagawa ng isang sanaysay, may isa kang kaklase na magtatanong sayo ng "Tapos ka
na?" at sasagutin mo ng "Hindi pa, wala na akong maisip." Sa sitwasyong ito pinapaliwanag na
hindi tayo makakapagsulat kung wala tayong naiisip, kaya sa tuwing titigil na tayo sa pagsulat ay
ibig sabihin noon ay wala na tayong maisip.

A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.

Ang pagsulat ay isang:


 Pisikal na aktibiti – ginagamitan ng kamay at mata
 Mental na aktibiti – ginagamitan ng utak

Ang pagsulat ayon kina:


 Xing at Jin (1989, Rolando A. Bernales, et. Al., 2006)
- komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento
 Badayos (2000)
- ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o ikalawang wika man.
 Helen Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)
- isang biyaya, pangangailangan, kaligayahan ng nagsasagawa nito
 Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006)
- ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita, at pagbabasa
B. Mga Pananaw sa Pagsulat
SOSYO-KOGNITIBO
sosyo – lipunan ng mga tao
kognitibo – anumang tumutukoy sa pag-iisip

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng


pagsulat. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay isang:
- Mental na aktibiti – pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat
- Sosyal na aktibiti – pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging
reaksyon o tugon sa teksto.

Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong


proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
- dapat alamin natin kung anong genre o kategorya, at layunin ng ating isusulat
2. Paano ko iyon isusulat?
- dapat malaman natin kung anong uri ng pagsulat ang gagamitin natin.
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
- kung ililimbag mo ba ito o pananatilihing pribado lamang
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
- kung gusto mo bang masiyahan, mamangha, malungkot, o madismaya ang mga
mambabasa ng iyong kinatha

Ang pagsulat bilang isang multi-dimensyonal na proseso ay binubuo ng dalawang dimension:

 Oral na Dimensiyon – kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong
isinulat, nakikinig na rin siya sa iyo
 Biswal na Dimensiyon – mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng
isang awtor sa kanyang teksto

C. Mga Layunin sa Pagsulat


Layuning ekspresibo – personal na gawain; pagpapahayag ng naiisip o nadarama
Layuning transaksyonal – sosyal na gawain; pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan

Ayon kay Bernales, et al. (2001), ang mga layunin sa pagsulat ay ang mga sumusunod:
1. impormatibong pagsulat (expository writing) - naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag
2. mapanghikayat na pagsulat (persuasive writing) – kumbinsihin ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinion, o paniniwala
3. malikhaing pagsulat – mga akdang pampanitikan katulad ng nobela, tula, dula, at iba
pang masining na akda

D. Ang Proseso ng Pagsulat


Mahalagang maisagot ang mga katanungang ito para sa paghahanda ng isang sulatin:
1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan
ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto?Ano-ano ang dapat ko pang
gawin para sa layuning ito?

TATLONG PANGUNAHING HAKBANG NG PAGSULAT


1. Pre-writing - pagpili ng paksa, pangangalap ng datos o impormasyon, at pagpili ng tono
o perspektibo
2. Actual writing - pagsulat ng burador o draft; aktwal na pagsusulat
3. Rewriting – pag-eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong gramatika,
bokabularyo, at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.

E. Mga Uri ng Pagsulat


1. Akademiko – maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term
paper, o pamanahong papel, tesis o disertasyon
2. Teknikal – espelisyadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal
na pangangailangan
3. Journalistic – pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat
4. Reperensyal – naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors (source) hinggil
sa isang paksa
5. Propesyonal – nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
6. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat, ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat

You might also like