Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Maniniwala ba kayo kung sa pagbabasa ng blog na ito ay malalaman

ninyong mayroon pa palang mga taong namumuhay sa liblib na lugar


tulad ng kweba at nananatiling tapat sa mga sinaunang mga gawi ng
ating mga ninuno? Hindi nga? Malamang ito ang una ninyong
magiging reaksyon kung hindi naman ay "Talaga?", sa tonong
parang hindi naniniwala at malamang ay isipin ninyong hindi talaga
totoo ang mga naka-sulat dito kung kaya't may kaakibat itong mga
patunay na kung saan ang sarili naming mga mata ay nasaksihan
ang mga kuwentong nakapaloob sa blog na ito. Ang blog na ito para
sa kaalaman ng lahat ay para sa aming History, na ang ibig sabihin
ay ginawa lamang namin ito para magkaroon ng marka. Subalit nang
aming masaksihan ang mga bagay na kanilang ikinabubuhay at
kanilang mga pamamaraan, higit pa sa isang simpleng blog ang mga
nakapaloob dito. Hindi lamang ito para sa aming instructor na si Ms.
Rhemia Lee Pabelico kundi para sa mga estudyante di lamang ng
bansang Pilipinas kundi pati na ng buong mundo; sa pamahalaang
kahit kailan ay di man lamang pinapansin ang mga lathalain ng mga
huwad na estudyante; di lamang ng mga rebeldeng iskolar ng bayan
kundi pati na ng lahat na estudyante sa bansa; sa mga NGO's na nais
makatulong sa mga taong pinilit na panatilihin ang sina-unang
kultura ng ating bansa at pati na rin sa mga environmental
advocates sa iba't-ibang panig ng mundo na nagkakainteres sa
aming mga natuklasan at aming ibabahagi sa pamamagitan ng blog
na ito.

Ang Manobo ay isa sa mga pinakamatandang tribo ng ating bansa na


dapat na ipagmalaki sapagkat mayaman ang kanilang kultura na
sana'y naipasa sa bawat Pilipino. Ang nasabing tribo ay tubong
Agusan, isang lalawigan sa Mindanao, ito'y ayon sa aming naka-usap
na isang tubong Agusan at kung maniniwala kayo ay isang Manobo.
Ayon din sa kanya napakarami nilang mga Manobo at sila'y
naninirahan sa iba't-ibang kabukiran sa Agusan.

Ang mga susunod ay ayon sa nasaliksik namin sa web.

MANOBO
Kasaysayan at Pinagmulan
Sino at ano nga ba ang nga Manobo? Saan ba talaga sila nagmula at
anu-ano ang kanilang mga kaugalian na magpahanggang ngayon ay
patuloy pa ring umiiral sa komunidad? Yan at ilan pang mga tanong
ang balak at gustong sagutin ng blog na ito. Sisimulan natin sa kung
ano ba ang ibig sabihin ng salitang "Manobo".Maraming mga sagot
patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang
Manobo. Ang isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang
'tao' o 'mga tao';ikalawa ay ito raw ay nagmula sa salitang
"Mansuba" mula sa salitang 'man' na nangangahulugang 'tao' at
'suba' na ang ibig sabihin ay 'ilog',ibig sabihin ang salitang
"Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog" sapagkat karamihan
sa kanila ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog;ang ikatlo ay
nagsasabi na ito raw ay nagmula sa salitang "Banobo", isang creek
na kasalukuyang dumadaloy sa Ilog Pulange dalawang kilometro
pababa ng Cotabato City;at ang ikaapat ay nagsasabi na ito ay galing
sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay "first o aboriginal"
at "tuvu" na ang ibig sabihin ay "pagtubo o paglaki".

Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa


kanlurang bahagi ng Tsina. Karamihan sa kanila ay nakatira sa
tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maraming bahagi ng
Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng
Ilog Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff
Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sa relihiyong Islam.

Ekonomiya at Industriya

Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay ang kaingin. Ang


pangunahing hanapbuhay ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at
mais. Marunong din silang mangisda,pangangaso at pagkuha ng
"pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang sagana at
matiwasay na pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng
permanente ay natuto at nakuntento na lang sa pagtatanim ng niyog
at pagcocopra.

Lipunan at Pamahalaan
Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani, baylan,mga
manggagawa at mga alipin. Ang mga bagani ay ang mga mandirigma
na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan; ang
mga baylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang
mga manggagawa ay ang mga magasasaka at ang mga alipin ay ang
mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. pati mga katutubo
ay pwede ring maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang
pagkakasala.

Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay o bai


(babaeng datu) depende sa lawak at pagkakalapit-lapit ng mga
baranggay. Subalit, ang mga Manobo ay walang sistema ng
pamunuan hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

Kaugalian at mga Paniniwala

Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang


paniniwala ng mga buntis na sila ay dapat manatili sa loob ng bahay
kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay
dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay
nasa paligid at nag-aabang sa biktima. Hindi rin sila maaring
tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang
kanilang pinagbubuntis.

Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng


mga anting-anting sa bewang ng nanganganak. Ito ay upang
ipagtanggol ang buntis sa mga masasamang anito sa paligid.
Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng bagay na
ginamit sa panganganak upang maitaboy ang busaw. Biang
kabayaran, ang kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo
upang linisin ang mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo
ng sinakripisyong manok; malong upang makapagbihis siya; at
konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw ng anumang
sumpa sa pamilya.

Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga


magulang. Ito ay nagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng
babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito ay magalang na
tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun
(bridewealth). Lahat ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan
para sa kagun hanggang sa maabot nila ang halaga ng kagun. Ang
araw ng kasal ay maitatakda lamang kung matapos nang maabot
ang halaga nang kagun. Habang nag-aambagan ang pamilya ng
lalaki, ang pamilya ng babae naman ay abala sa paghahanda ng apa
( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang marangyang
kasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan
ng pamilya ng lalaki at babae ay kinakailangan. Ang pagkakaroon ng
maraming asawa, bagama't kadalasan lang kung mangyari ay hindi
ipinagbabawal.

Mayroon din silang kaugalian sa palilibing. Ang patay na lalaki ay


kanilang inililibing na nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng
araw ay magbigay hudyat na oras na upang magtrabaho. Ang
babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran
upang ang paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa
kanya ang magsaing. Sa oras na tinatakpan na ng lupa ang libingan,
lahat ng naroon ay tumatalikod upang mapigilan silang mahikayat
na sumama sa namatay. Matapos ang libing, mayroong walo
hanggang labindalawang araw ng kalungkutan depende sa estado ng
namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu hanggang
pitong araw. May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito
subalit ipinagbabawal ang instrumental na mga kanta.

Sining

Ang pagiging makasining ng mga Manobo ay makikita sa kanilang


pang-araw-araw na kasuotan. ang kanilang tradisyunal na kasuotan
ay magarang binurdahan at halos lahat ay gawa sa abaka. Ito ay
kinukalayan gamit ang mga pangkulay mula sa kalikasan. Kumukuha
sila sa iba't-ibang halaman para sa iba't-ibang kulay. Kadalasan ito
ay hinahabi na may nga disenyo ng mga bulaklak at mga bagay sa
kalikasan. Subalit, ang mga kasuotang ito ay nakilala lamang raw ng
mga Manobo ng maaga lang ngayong siglo sapagkat, ang mga
Manobo ay hindi marunong maghabi.

Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga


buhok nila ay kadalasang nasa estilong "buns" at "bangs". Ang
buhok ng mga babae ay nilalagyan ng kawayang suklay at mga
dekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na iba't-ibang
hugis. Ang sa mga lalaki naman ay ang tinatawag na tengkulu, isang
piraso ng tela na kanilang binubuklod palibot sa kanilang ulo.

Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay.


Ang ilan pa nga rito ay pinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason
at sumpa. Ang mga babae ay may mga hikaw na kahoy na halos
tatlong sentimetro ang lapad. Ito ay nababalutan ng ginto,pilak o di
kaya'y tanso. Mga kuwintas na kung tawagin ay balungkag na
hinuhubog nila sa iba't-ibang disenyo gamit ang mga kabibe, maliliit
na beads, ngipin ng buwaya o di kaya'y mga kristal na may iba't-
ibang kulay. Meron ding tinatawag na sinakit, isang kuwintas na
sinukat sa laki at lapad ng leeg. Ang para sa mga lalaki ay isang
sinakit na hinugis na tila likod ng isang sawa.

Marami pa silang mga dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo,


panggilid sa ngipin at pulseras ng iba't-ibang uri at laki.

Gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay na magagamit nila sa pang-


araw-araw na buhay. May mga sombrero na gawa sa kawayan at
erik-ik o anahaw. Marami silang basket para sa iba't-ibang gamit.
May basket para sa isda, bigas at mga pang-imbak.

Ang mga Manobo ay mayaman rin pagdating sa kanilang


pagsulat.Mayroong atukon, bugtong, salawikain, panonggelengan,
katutubong kuwento, pabula, epiko at nakakatuwang kuwento.

Ang Manobo ng Modernong Panahon

Kung tatanungin man ninyo kung mayroon pa bang mga Manobo sa


panahon ngayon, sigurado ang aming grupo sa aming isasagot, OO,
nananatiling buhay ang grupong ito at patuloy na hinaharap ang
magandang kinabukasan na para sa kanila'y lubos na
pinapahalagahan. Sa isang maliit na bayan ng Tacloban City, Leyte,
hindi namin inakalang magkakaroon kami ng pagkakataong
makakita at di lamang makakita kundi makisalamuha kahit lamang
sa maikling panahon. Ang kanina pang binabanggit sa blog na ito na
aming nakunan ng personal na mga sagot sa aming mga
katanungan, na ang ngalan ay Divina, ba-i kung tawagin ang isang
pinunong babae na Manobo. Ayon sa kanyang pahayag, mayroon din
silang katutubong pangalan na hindi maaaring maibahagi sa amin
sapagkat ito'y parang kanilang "password" na tanging silang mga
katutubong Manobo lamang ang may karapatang sumambit sa mga
sitwasyong alanganin.

Si Bai,habang tumatanggap ng isang parangal...

Ngayon po ay tunghayan natin ang ilan sa mga katibayang nagpapatunay na buhay


pa rin ang kulturang Manobo magpasahanggang ngayon...

You might also like