Greece

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GRESYA, TAMA BANG KALIMUTAN KA?

Ang bansang Gresya o mas kilala bilang Greece ay matatagpuan sa pagitan ng Europa,
Asya, at Aprika. Ito ay nagkaroon ng mga ambag sa ating daigdig na hanggang ngayon ay
nagagamit pa. Ang mga halimbawa sa kanila ay ang pagpipinta, arkitektura, at pati narin ang
paglililok. Isang uri ng kanilang pagpipinta ay ang Fresco na ipinipinta sa basing semento ang
larawan gamit ang watercolor. Ang isa sa mga maipagmamalaking arkitektura ng Greece ay ang
Parthenon na para sa isang Greek goddess na si Athena. Ang tanyag na estatwa ni Athena sa
Parthenon ay ginawa ni Phidias na may taas na 39 feet at may suot na ginintuang baluti sa ulo na
yari sa ivory at ginto.
Ang pagpipinta ay ating nagagamit sa kasalukuyang panahon hindi lamang para
maipakita ang talent kung hindi na rin makapagbigay ng inspirasyon sa iba. Ang arkitektura ay
naktutulong sa atin upang makapagtayo ng ating mga bahay at silid-aralan. Ang paglililok ay
nagagamit upang maipakita ang mga mukha ng ating mga bayani o kaya ay ang mga mukha ng
mga historical na tao sa ating bansa. Hindi lamang ang mganai mungkahi ko ang mga naging
ambag ng Greece sa ating daigdig na nagagamit natin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat
marami pa ang maaari nating matuklasan sa pagpapatuloy ng mga talakayan.
Ang suhestiyon ko lamang ay magkaroon ng isang TV Show kung saan ipinapakita rito
ang mga kultura at ambag ng iba pang mga bansa. Sa paraang ito mapapanatili ang pagkabuhay
ng mga kasaysayan ng ating mundo. Mapapalawak din nito ang kaalaman ng mga mag-aaral
sapagkat konektado ang mga ito sa ibang asignaturang kanilang pinag-aaralan.
Bilang isang mag-aaral, mapapayabong ko ang kultura na klasikal ng Greece sa paraang
pagpapahalga rito. Hindi lahat ng mga kultura at sining ng mga bansa ay napapahalagahan kaya
ito ay napapabayaan. Sa pagpapahalaga dito, maari itong manatiling buhay sa kaisipan hindi
lamang ng mga mag-aaral kung hindi na rin ang mga tao sa ating bansa.

FRESCO PARTHENON ATHENA

You might also like