Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pamilya ay ang pangunahing bumubuo sa ating lipunan.

Dito unang nahuhubog ang


pagkatao ng isang indibidwal. Ito ang dahilan kung kaya’t ako at ang aking mga kasama ay
tahasang hindi sumasang ayon sa pagsasabatas ni diborsyo.

Ano ang diborsyo? Ito ay pagsasawalang bisa ng kasal sa simbahan at sa mga papeles

Bakit hindi maganda ang diborsyo? Ang diborsyo ang siyang sisira sa pamilya. Pamilya na kung
saan maaasahan sa lahat ng oras. At ito rin ay mayroong epekto sa mga kabataan.Maaaring sila
ay mapariwara dahil kulang sila sa gabay ng kanilang mga magulang. Magulang na maging
modelo para sa kanilang mga anak. Maaaring diborsyo rin ang maging sanhi ng kawalan ng
tiwala ng bata sa isang tao at maging sa kanyang mga magulang na rin dahil sa pagtatalo ng
mga magulang niya ay naapektuhan ang relasyon niya sa kanyang mga magulang dahil nakikita
niya na masama ang kanilang ginagawa.Kawalan ng tiwala sa iba na ang dulot nito ay walang
gustong makipag kaibigan sa kanya.

At ito ay maaaring maging sanhi ng depresyon, dahil sino ang kakausapin niya pag siya ay may
problema? At ito ay maaaring maging sanhi ng pagkitil niya ng sariling buhay. Dahil wala na
siyang nakikitang magandang dahilan upang siya ay mabuhay. Tungkol naman sa mga asawang
binubugbog ng kanilang mga mister ay maaari siyang mag-sampa ng kaso naandyan ang VAWC
at kung binubugbog ang inyong anak ay maaaring isampa ang R.A. 7610. Maaaring ang mga
bagong mag asawa o yung magaasawa pa lamang ay wala ng pananabik kung ano ang
mangyayari sa hinaharap dahil alam nila na kapag nag away sila ay maaari silang magsampa ng
divorce. Desisyon na hindi iniisip ang kapakanan ng bata, desisyon na makakapag bago sa ugali
ng bata, at desisyon na iniisip lamang ang kaligayahan ng dalawang mag asawa . Bago kayo
magpakasal isipin niyo muna ng maigi kung ano ang kahihinatnan nito at mag isip ng problema
at solusyunan ito ng hindi maaapektuhan ang kasal ninyo.

Kapag nakipagdiborsiyo ka, posibleng mabawasan ang kinikita mo. Baka kailangan mo ring
lumipat ng bahay. Kung sa iyo mapupunta ang mga bata, baka mahirapan kang suportahan ang
iyong sarili at ang mga bata. Maituturing ba itong benepisyo ito ? Benepisyo bang maituturing
para doon sa pagiiwanan ng bata ang pagsusumikap niyang alagaan mag isa ang kanyang mga
anak? Mahirap itaguyod ang pamilya ng mag isa.

Kung walang diborsyo, masisira ba ang pamilya? Mapapariwara ba ang buhay ng mga
kabataan? Maghihirap ka bang itaguyod ang mga anak mo ng mag isa? Paano kung mahal mo
pa ngunit kailangan maghiwalay? Sasakit at sasakit laman ang utak natin kakaisip ng diborsyo
na kung tutuusin ay mayroon itong masamang epekto sa pamilya. Mayroon namang ibang
paraan bukod sa diborsyo. Nariyan ang legal separation na kung saan hiwalay kayo sa papeles
ng iyong asawa ngunit sa mata ng simbahan ay kasal pa rin kayo, kaya hindi ka puwedeng mag
asawa ulit at mabibigyan mo pa ng atensiyon ang iyong anak kumpara sa Absolute divorce at
dissolution of marriage kayo ay hiwalay na talaga at tanging alimony na lang ang tulay ng mga
hiwalay na magulang sa kanilang anak at puwede silang ikasal muli at magkaroon ng sariling
pamilya at mahahati ang oras niya doon sa lehitimong anak at sa pangalawa niyang pamilya.

Gaya nga ng sinasabi ni Earl Nightingale “ Learn to enjoy every minute of your life. Be happy
now. Don't wait for something outside of yourself to make you happy in the future. Think how
really precious is the time you have to spend, whether it's at work or with your family. Every
minute should be enjoyed and savored”. Kung nanamnamin ang bawat minuto at segundo ng
buhay mo, mag aaway ba kayo? Kung marunong kayong tumanggap ng pag kakamali,
magkakasakitan ba kayo? At kung kayo ay marunong making, magtatalo ba kayo?

Kaya huwag ipasa ang diborsyo.

You might also like