Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Berico, Nikki Andrea P.

Grade 12 - Polaris

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan XII

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay batay sa iyong mga nabasa, nakita, mga pinagdaanan, atbp.

Ang nobelang 'I love You Since 1892' ay isang istoryang gawa ni Mia Alfonso, o mas kilala pa bilang
binibining Mia. Ang kuwentong ito ay makikita sa isang site na tinatawag na Wattpad. Ang 'I love you
since 1892' ay isang kuwentong tungkol sa isang dalagang pilipina na nabubuhay sa makabagong
panahon na biglang napunta sa panahon ng Pilipinas noong 1891 na may dala-dalang misyon upang
siya'y makabalik sa kaniyang panahon. At sa isang binatang pilipino na nabubuhay sa panahong iyon. Sa
istoryang ito, magkasabay nilang hinarap ang mga napakahirap na hamon sa kanilang buhay na
naglilingkis hindi lamang sakanilang dalawa, kundi pati na rin sa kanilang kaniya-kaniyang mga pamilya at
mga kaibigan.

Kung ating babasahin ang nobelang ito, talaga nga namang makikita mo ang angking ganda ng bansang
Pilipinas sa panahon noon. Ngunit, makikita mo rin ang hindi pantay na pagtingin sa mga tao sa
panahong iyon. Kapag ika'y mayaman, napakataas ang tingin ng mga tao saiyo. Pero kapag ikaw ay isang
dukha lamang, mas mabaho pa sa malansang isda ang pagtingin ng mga tao saiyo at parang hindi na nila
alam ang salitang respeto. Sa kuwentong ito, napatunayan rin na napakakawawa ng mga mamamayang
Pilipino sa panahon ng mga Español noon sapagkat kahit wala kang kasalanan, pero kapag
napagbuntunan ka ng galit at dahas ng mga may posisyon sa gobyerno, kawawa ka. Ang mag kasintahan
sa istoryang ito ay pawang mga mayayaman ngunit isang araw noon ay napagbintangan ang pamilya ng
lalaki at sinusubukang tugisin ng gobyerno, kung kaya't napilatang sumama sa mga nagrerebelde ang
lalaki. Habang nangyayari ang lahat ng ito, hinay hinay ring nalalagas ang pamilya ng magkasintahan
hanggang dumating sila sa puntong, hindi na umaayon ang tadhana na sila'y maging magkasama. Sa huli,
ang babae ay nakabalik sa kaniyang mundo habang ang lalaki naman ay naiwan doon at mag isang
hinarap ang mga sakit at pighati sa buhay dulot ng pagkawala ng kaniyang mga mahal sa buhay, lalong
lalo na ang ang kaniyang kasintahan.

Sa pagtapos, ang buong istorya ay talaga nga namang naglahad ng mga bagay kung saan nagpapakita ng
mga hinagpis at pighati ng ating mga ninuno. Kung kaya't, kinakailangan nating mabuhay ng marangal at
mabuti para hindi masayang ang mga sakripisyo ng ating mga bayani noon na isinugal ang kanilang mga
buhay para lang sa kalayan ng buong bansa. Kaya tayo na mga kabataan, kailangam nating pahalagahan
ang ating buhay lalong lalo na ang ating inang bayan na walang sawang pinaglaban ng ating mga bayani,
dugo laban sa dugo.

You might also like