Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Defeat o Victory

Ang Mobile Legends : Bang Bang ay isang Multi player Online Battle Area ay isang laro na ginawa at nilimbag ng
Moonton.

Isa itong mobile games na kinaadikaan ng mga kabataan ngayon dahil na nga lang sa napakagandang visual effects nito
at pati na rin sa sound effects. Hindi nga mapagkaila na ang larang ito ay talagang nakakalibang.

Nakakaaliw , Nakakatawa at nakakamangha ngunit nakakaubos ng oras ng madla. Sa sobrang kaadikan ng iba tinuturan
nito na maging mapagtaas ang ilang manlalaro. Para sa ilan kung mataas ang rank mo ay malakas ka. Kaya kung mababa
ang ranggo mo pipilitin mong pataasin ito sa paraang lalaruin mo ito araw-araw. Sa usaping kalusugan naman ay malaki
rin ang epekto nito maraming kabataan ang nagpupuyat para lamang ditto, mas pinipili na panitiliing gising ang diwa
kahit na pagod nasa buong magdamag. Kung pati ang pag-aaral ay nadadamay, mas inuuna na pataasin ang rank kaysa
pataasin ang grado. Tinatamad magreview pero masipag sa kakaview sa cellphone para Makita kung ilan na ang kills mo.
Lumalaban para lamang mapanatiling ligtas ang tore pero sa pagbasak sa grade at walang pake.
Hindi masama ang maglaro pero kailangan alamin ang hangganan. Kung hanggang saan lalaban para sa ranggo at lalaban
para sa grado. Huwag lang tore ang ingatan , ingatan din ang exam na sasagutan Kung kaya mong pumili ng tamang hero
dapat pumili ka din ng tamang sagot sa pagsusulit niyo at huwag pabayaan ang kalusugan para sa larong walang
katotohanan-katuturan
Lahat ng bagay ay masama kung sosobra. Kaya alamin ang limitasyon hangga’t maaga pa, hindi yung magsisi ka kapag
alam nang matatalo kana.

You might also like