Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Laro ng Lahi:

 Sack Race

Kagamitan: Sako

Tuntunin:
1. Ang bawat koponan ay kinakailangan ng sampung (10) manlalaro na
maaring kapapalooban ng babae o lalaking miyembro mula sa pangkat.
2. Bibigyan lamang ang pangkat ng tig-iisang sako.
3. Unahan ang apat na pangkat sa pag-abot sa finish line sa pamamagitan ng
paglukso na ang kalahating katawan ay nasa loob ng sako.
4. Ang nasa unahan ang siyang unang lulukso at kapag siya’y nakaabot na sa
finish line, siya’y tatakbo pabalik sa kanyang kapangkat para ipasa ang sako
sa kasunod niya at ganoon na rin ang gagawin ng iba pang kalahok hanggang
sa matapos ang sampung kalahok.
5. Kapag tumakbo na ang isang manlalaro na hindi pa nakaabot sa finish line,
kinakailangan na naman niyang bumalik.
6. Kapag natapos na ang lahat ng miyembro, kailangan nilang isigaw ang
kanilang seksyon.

 Kadang-Kadang
Mga Kagamitan: Bao

Tuntunin:

1. Ang bawat koponan ay kinakailangan ng sampung manlalaro na maaring


kapapalooban ng babae o lalaking miyembro mula sa pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay kailangang maghanda ng 6-8 bao na gagamitin para
sa laro.
3. Unahan ang apat na pangkat sa pag-ikot sa lugar ng palaruan sa
pamamagitan ng paglakad gamit ang mga baong ibinigay.
4. Ang nasa unahan ang siyang unang lalakad at kapag siya’y tapos na, ipapasa
na naman niya ang baong ginamit.
5. Kapag nabiak ang baong ginamit, hihinto lamang ang manlalaro sa lugar
kung saan nabiak ito at bibigyan naman siya ng panibago mula sa kanyang
mga kapangkat.
6. Kapag nakitang hindi pa nakaabot ang manlalaro sa lugar at patakbo nalang
siyang tumungo sa pangkat, kailangan niyang bumalik sa simula.
7. Kapag natapos na ang lahat ng miyembro, kailangan nilang isigaw ang
kanilang seksyon.

 Hatakang Lubid
Kagamitan: Lubid

Tuntunin:
1. Ang bawat koponan ay kinakailangan ng sampung (10) babae at sampung
(10) lalaking mga manlalaro.
2. Ang unang maghatakang-lubid ay ang grupo ng mga kalalakihan. Sundan
naman ito ng kababaihan.
3. Ang unang dalawang pangkat ang unang maghahatakan at sunod naman ay
ang ikalawang dalawang pangkat. (isang representante ang bubunot sa
numero nila). Kung kaninong pangkat ang mananalo sa una at ikalawang
laro, sila ang maglalaban para sa unang pwesto.
4. Lalagyan ng marka/linya ang magkabilang pangkat na magsisilbing pantukoy
ng opisyal ng laro sa idedeklarang panalo.
5. Kapag narinig na ng mga manlalaro ang salitang “HANDA”mula sa opisyal ng
laro, ang mga manlalaro ay kinakailangang nakaposisyon na at nakahawak
na ang lahat sa lubid. At kapag narinig na nila ang salitang “HATAK”,
uumpishan na nila ang paghatak.
6. Maaaring gumamit ng gloves sa paghawak sa lubid.
7. Ang pangkat na unang lalampas sa marka, idedeklara silang talo.

 Si Maria’y Pumunta sa Nayon

Kagamitan: Basket, baro’t saya, panyo, walis

Tuntunin:

1. Ang bawat koponan ay kinakailangan ng sampung mga lalaking manlalaro.


2. Ang bawat koponan ay bibigyan lamang ng isang basket, baro’t saya, panyo,
at walis.
3. Unahan ang apat na pangkat sa pag-abot sa finish line sa pamamagitan ng
paglakad na pakending-kending na nakasuot ng baro’t saya, panyo sa ulo at
dala ang basket na may walis.
4. Ang nasa unahan ang siyang unang lalakad at kapag siya’y nakabalik na sa
grupo, ipapasa na naman niya ito sa kasunod niya at ganoon na rin ang
gagawin ng iba pang kalahok hanggang sa matapos ang sampu.
5. Kapag nakitang naglalakad na ang kalahok kahit hindi pa niya nasuot ang
lahat, kinakailangan na naman niyang bumalik.
6. Kapag natapos na ang lahat ng miyembro, kailangan nilang isigaw ang
pangkat.

 Palosebo

Kagamitan: kawayan, flaglets

Tuntunin:

1. Ang bawat koponan ay kinakailangan ng tatlong lalaking manlalaro.


2. Unahan ang walong pangkat sa paglagay ng flaglets sa dulo ng kawayan na
may nilagay na sebo.
3. Ang tatlo ay maaaring magtulungan sa pagpapaakyat hanggang sa malagay
ang flaglets.
4. Kapag nahulog, maari pa siyang bumalik hanggat wala pang nanalo.
5. Kung sinuman ang unang makalagay ng flaglets ay sila ang tatanghaling
panalo.

You might also like