Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ICT at ang Epekto nito sa mga Tao

Computers…Internet…Tablets…Cellphones…at marami pang ibang


modernong gamit. Yan ay ilan lamang sa mga gamit na nagagamit sa
pang-araw-araw na Gawain. Ano ang ICT? Ano nga ba ang epekto ng
ICT sa mga tao?
Masasabi natin na tayo ay nasa modernong yugto na nang mundo.
Itanong man kahit kanino kung ano ICT, ang sagot na agad pumapasok
sa kanilang mga isipan ay patungkol sa mga Computer, Internet o
kaya iba’t iba pang mga gadgets. Ang mga ito ay nakakakalap ng mga
impormasyon.
Ang ICT ay makakatulong sa ating pag-aaral. Kung dati ay mga
manila paper, chalk at mga cartolina lang ang kanilang mga
ginagamit, ngayon ay mga LCD Projectors, computers, cellphone,
tablet at ilan pang mga makabagong kagamitang makakatulong sa pag-
aaral.
Meron din solusyon ang ICT sa larangan ng komunikasyon.
Kung dati ay magpapadala ka nang sulat sa taong mahal mo sa buhay
at aabot ng dalawang buwan o isang taon bago matanggap, ngayon ay
meron nang mga cellphone na kung saan maaari ka nang makapag
“text”. Kung gusto mo namang makita at makausap ang taong nakawalay
sayo magagamit mo ang Skype, Yahoo at Facebook sa pamamagitan ng
pag ch-chat o video calls sa mga internet.
Hindi nating maiiwasan ang mga masasamang epekto ng ICT.
Tulad nalang ng pagkaluluong sa mga cellphone na nagiging sanhi ng
masamang kalusugan. Laganap di ang “cyberbullies” at humahantong
sa mga krimen.
Ang ICT ay nakakabuti para sa atin kung gagamitin ito ng
may pagpapahalaga at wastong pang-unawa. Palagi nating isipin na
ang mga makabagong gamit ngayon ay nilikha upang mapadali ang buhay
ng tao kaya dapat lang na maging responsible sa paggamit ng mga
ito.

You might also like