Syete Palabras

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"AMA, SA IYONG MGA KAMAY, AKING INIHAHABILIN ANG AKING

KALULUWA." (Lukas 23:46)

Ang ika-7 wika ay hindi isang hiling. Ito'y isang pahayag na ang Diyos Anak ay
babalik sa Diyos Ama. Ang Banal na Santatlo ay mabubuo at magkakaisa muli.
Babalik ang isinugo sa nagsugo sa Kanya.

Nakakainterasado na ito'y isinambit nang si Hesus ay nasa bingit ng


kamatayan. Siya'y naghihingalo sa Krus. Ang wikang ito ay isinambit sa oras
ng pagdadalamhati. Ngunit mula sa pagiging oras ng pagdadalamhati, ito'y
naging isang oras ng luwalhati.

Ang okasyon ng pag-aanunsyo ni Kristo na babalik Siya sa Ama ay isang


dakilang pangyayari. Ito'y naging oras ng luwalhati. OO, dahil babalik na muli
ang Diyos Anak sa Diyos Ama. Kahit ito'y isang malungkot na pangyayari, ito'y
naging maluwalhati. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay namalas sa pamamagitan
ng wikang ito.

Isang aral ang makukuha natin sa wikang ito. Huwag mawalan ng pag-asa.
Huwag mangamba. Sapagkat ang Diyos ay palagi nating kasama hanggang sa
bingit ng kamatayan. Palaging maaasahan ang Diyos sa bawat oras.

Lahat tayo marahi, ay natatakot harapin ang pagkamatay. Ayaw nating


matapos ang ating buhay. Ito'y napakasakit para sa atin. Ngunit ang buhay
natin dito sa lupa ay pansamantala lamang. Lahat ay may hangganan. Kasama
na rin ang mga buhay natin sa mga bagay na may hangganan. Hindi lamang
mga pelikula o teleserye o palabas sa telebisyon ang may hangganan. Hindi
lamang mga pangyayari dito sa daigdig ang may hangganan. May hangganan
rin ang ating buhay.

Hindi po lingid sa karamihan ang aking pinagdaanan. I was diagnosed to have


an Atrial Septal Defect, isang sakit sa puso na kung saan may butas ang isang
parte ng puso ko. It would not have a problem kung hindi lumalaki ang butas
nya. At habanmg lumalaki iyo, doon nagkakaproblema. Halos monthly akong
madextrose dahil sa panghihina ko. I felt so weak everytime na nagchechest
pain ako at halos di na ako makahinga. There were already some instances
that I vomited blood. That was the time that I and my husband decided to have
the operation. When I was admitted at Philippine Heart Center, sobra akong
natatakot… kinakabahan. Hindi naman kasi lingid sa akin na maraming risks
ang pagdadaanan ko since major operation ang mangyayari. And the success
rate was not 100 percent. Paano kung hindi na ako magising after the
operation? What will happen to my Family? Lalo na sa anak kong maliit pa? Or
what if magigising nga ako pero lantang gulay naman? Dahil may mga nakita
kaming ganoon after ng kanilang operation. May namamatay while doing the
operation, may nakakaligtas ngunit nasa ICU pa lang namatay din kasi
nagkakumplikasyon. Mayroon din namang lalabas na nga lang, pero biglang
inubo na sanhi na ng kanyang kamatayan.

Pero nanaig ang aking pananalig sa Diyos. Ang pagmamahal ko sa pamilya.


Nang araw na dadalhin na ako sa operating room, I surrendered everything to
God. Alam ko na hindi nya ako pababayaan. Alam kong siya ang higit na
nakakaalam kung ano ang dapat mangyari. So I went to the operating room na
baon ang pagmamahal ng aking asawa at mga kapatid na nasa labas ng
operating room, at ng aking buong pamilya at mga kaibigan na nagdarasal sa
mga oras na iyon para sa tagumpay ng aking operasyon. Hindi ako
nakaramdan ni katiting na takot. Right there and then, alam kong bibigyan ako
ng Diyos ng pangalawang buhay. And here I am, alive and kicking, enjoying the
second life God has given me.

Sa mga pagkakataon tayo’y nahaharap sa mga pagsubok, halip na matakot,


dapat harapin natin ang ating buhayo maging ang ating kamatayan. Hindi ba,
sabi sa Salm 27:

Tanglaw ko'y ang Poon, aking kaligtasan,


kaya wala akong takot kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako'y walang kaagam-agam.

Ito ang sinasabi sa atin ng Panginoon. Huwag tayong mangamba o matakot.


Ang Diyos ay kasama natin oras-oras… bawat sandali. Kapag tayo ay
nangangamba, isipin natin ang Salm 27. Sa tuwing maiisip natin ito, harinawa,
mas lalo pang lumakas ang ating pananalig sa Diyos. Huwag tayong mawalan
ng pananampalataya. Ang Diyos ay patuloy na sumasabay at magtatanggol sa
ating lahat. At sa bawat unos na darating, ating sasambitin, “"AMA, SA IYONG
MGA KAMAY, AKING INIHAHABILIN ANG AKING KALULUWA”.

You might also like