Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Rachel A.

Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan


Business Management 1-2

Kasaysayan: Kahulugan at Kahalagahan


Lahat ng bagay sa ating daigdig ay may pinagmulan. Simula sa kalawakan, sa sistemang solar, sa
ating daigdig na ginagalawan, sa mga kontinente, sa ating bayang sinilangan, sa ating kinalalagyan,
sa ating mga nakikita sa paligid hanggang sa ating mga sarili. Tulad ng isang puno, na nagsisimula
bilang isang binhi, na kapag itinanim sa lupa, inalagaan at inaruga ay magiging isang halaman.
Hanggang sa ito ay maging isang puno na magbibigay ng ating mga pangangailangan. Tulad rin
ito ng kasaysayan, may pinagmulan, pamamaraan, at batayan.

Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na history.Ang


salitang history naman ay nagmula sa salitang Griyego na "historia" na nangangahulugang pag-
uusisa at pagsisiyasat.

Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralan ang mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tao,mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon.

Mayroong kasabihan na "Past is past" kung kaya't ang mga bagay na nakalipas na ay dapat huwag
nang balikan pa. Walang nakaraan ang hindi nagbibigay ng aral sa ating buhay at sa buhay ng iba.
Lahat ng mga nakalipas na pangyayari ay kadalasang ayaw balikan at nais kalimutan dahil sa sakit
na idinulot nito sa atin. Ngunit ano ba ang maganda sa pagsariwa natin sa nakalipas? Sa bahagi ng
kasaysayan ng ating buhay?

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang pag-aaral sa mga nakaraan, kundi sa kung paano
nito naapektuhan, naaapektuhan at maaapektuhan ang ating kasalukuyan at kung paano natin
maiiwasan ang mga di kanais-nais na kaganapan sa hinaharap. Gayundin ang ating mga personal
na kasaysayan, may nakalaang mga pamamaraan upang ating maiwasan, may mga aral na hatid na
magsisilbing gabay sa ating pamumuhay katulad na lamang na kung tayo ay madapa ay tiyak na
hindi na natin nanaisin pang madapa at magkasugat.

Hindi naman puro masalimuot ang bahagi ng kasaysayan kung kaya't pinag-aaralan din nito ang
pagpapanatili ng mga bagay na may kinalaman sa mga magagandang pangyayari noon. Pinag-
aaralan din nito kung paano mananatiling buhay sa isipan ng mga tao ang mga masasayang bahagi
ng kasaysayan upang kanila namang maipagmalaki, maipagbunyi, at magsilbing inspirasyon.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Bukod sa mga nakalipas na pangyayari, ang kasaysayan ay tinatalakay rin ang pinagmulan ng
istruktura ng lipunan, pamahalaan at pag-usbong ng kultura.

Sa pag-aaral ng mga tao ng kasaysayan, mapupuna natin ang mga pagbabago na humubog at
umukit sa katauhan at kalagayan ng mga tao at ng mga bayang kanilang kinalalagyan. Nagsimula
sa wala, hanggang sa umusbong, pinaunlad, muling nasira, bumangon at muling umunlad. Lahat
ito ay bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan.

PRIMARYA AT SEKUNDARYANG BATIS


Ang primaryang batis ay isang sanggunian sa pag aaral ng kasaysayan kung saan ang mga ito ay
naglalaman ng mga impormasyon na galling mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan sa
kasaysayan. Ang mga primaryang batis ay maaring di-nakasulat. Ang mga nakasulat na
primaryang batis ay mga dokumento na naglalaman ng mga kaganapan, ulat, opinion, pananaw at
damdamin ng may akda. Samantala, sa kabilang banda ang Sekondaryang batis naman ay mga
lathalain na nakaangkla sa mga tala at impormasyon halaw sa primaryang batis. Binibigyang diin
dito ang pagsangguni ng mga sekundaryang batis sa mga primaryang batis bilang pinagmulan ng
mga aklat, brochure, magazine at iba pa dagdag pa rito ay mga artikulo sa internet.Nakakatulong
din ang sekonaryang batis upang makilala ang mga mananaliksik sa primaryang batis.
Nakakaambag sa paunang kaalaman ng mga mananaliksik ang pagkilala nila sa mga sekondaryang
batis upang mas maunawaan ang nilalaman konteksto at naratibo ng mga primaryang batis.

PANLOOB AT PANLABAS NA KRITISISMO


Ang panloob na kritisismo ay pagsusuri ng ebidensya base sa kahulugan at pagiging tunay ng
mga datos ng dokumento

Ang panlabas na kritisismo ay isang uri ng historikal na pananaliksik na pinalolooban ng


pagsusuri ng mga pinanggalingan ng dokumento
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

REPOSITORYO NG PRIMARYANG BATIS

IBAT IBANG URI PRIMARYANG BATIS

Mga Talaarawan o Diary/Journal

Ang talaarawan o diary/journal ay halimbawa ng primaryang batis ng kasaysayan. Ito ay tala ng


mga karanasan ng isang tao sa pang-araw-araw niyang buhay. Kung ang taong ito ay siya mismong
paksa o bahagi ng pinag-aaralang kasaysayan, ang kaniyang talaarawan ay nagiging tuwirang
patunay ng isang pangyayari Halimbawa nito ay ang talaarawan ni Jose Rizal noong siya ay
nakatira sa Europe na maaaring pangunahing batis sa pag-aaral ng kaniyang talambuhay. Mayroon
ding diary si Hen. Gregoric del Pilar na nagtapos sa bisperas ng labanan sa Pasong Tirad noong
ika-2 ng Disyembre 1899.

Mga Awtobiograpiya

Ang mga awtobiyograpiya o talambuhay na isinulat mismo ng isang tao tungkol sa sarili ay isa
ring uri ng pangunahing batis. Nakasulat dito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng may
akda. Si Jose Rizal ay nagtipon ng isang awtobiograpiya noong siya ay labimpitong taong gulang
na pinamagatan niyang Memorias de un Estudiante de Manila. Nilalaman nito ang mga pangyayari
mula sa kaniyang kapanganakan hanggang sa panahon na naging estudyante siya sa Pamantasan
ng Santo Tomas. Ang iba pang halimbawa ng awtobiograpiya ay ang The Good Fight ni Pangulong
Manuel L. Quezon na naglalaman ng kaniyang buhay at ang kaniyang pakikibaka sa politika. Ang
The Good Fight ay inilimbag bilang aklat noong 1946.

Mga Memoir

Ang memoir ay isa ring uri ng pangunahing batis. Nakapaloob dito ang damdamin at opinyon ng
sumulat tungkol sa isang bagay o pangyayari. Lalabas na isang kuwentista o story teller ang may-
akda at ipinapaliwanag niya ang mga pangyayari ayon sa kaniyang paniniwala at perspektibo.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Isang halimbawa ng memoir ay ang Three Years of Enemy Occupation na isinulat ni Claro M.
Recto habang siya ay nakakulong sa Iwahig sa Palawan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Inakusahan sa salang pagtatraydor si Recto ng pamahalaan bunga ng kaniyang
paglingkod sa pamahalaan sa ilalim ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Mula sa kaniyang sulat ay mababasa ang pait na kaniyang naramdaman laban sa tumawag sa
kaniya bilang puppet o tau-tauhan ng mga Hapones. Ayon sa kaniya, hindi siya maaaring tawaging
tau-tauhan ng mga Hapones at traydor sa bansa dahil walang kapangyarihan ang America upang
pangalagaan ang sambayanang Pilipino sa panahong iyon.

Mga Liham

Ang liham ay isang mahalagang pangunahing batis dahil mismong ang taong bahagi ng
kasaysayang pinag-aaralan ang sumulat nito. Sa pamamagitan ng mga liham ay malalaman ang
kaniyang mga balak at pananaw sa kaniyang sariling salita. Ang halimbawa ng mga liham ay ang
mga sulat ng mga bayani tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Apolinario Mabini.

Mga Talumpati

Ang talumpati ay mga pagbigkas sa publiko na ginawa ng mga opisyal at mga taong mahalaga sa
kasaysayan. Makikita natin sa talumpati ang kanilang mga adhikain at pananaw na kanilang
ipinakakalat sa pamamagitan ng pampublikong forum. Ilan sa mahahalagang talumpati ay ang
panimulang talumpati o inaugural address at State of the Nation Address ng mga pangulo. Maaari
ring isama rito ang mga tinalumpati ng mga mambabatas sa isang debate sa Kongreso. Ang mga
opisyal na talumpati ay nasasama sa Official Gazette, ang opisyal na publikasyon ng pamahalaan.
Ang mga debate sa Kongreso naman ay naisusulat sa Congressional Record.

Mga Ulat

Isa ring uri ng pangunahing batis ang mga ulat. Karaniwang ito ay mga opisyal na dokumento na
isinulat ng mga taong nasa isang pook sa haba ng isang panahon. Kasama rito ang mga isinulat ng
mga opisyal ng pamahalaan at simbahan na ipinaaabot sa kanilang mga pinuno.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Ang mga halimbawa ng mga ulat ay ang Philippine Commission Reports na iniulat ng Philippine
Commission, ang nagsilbing pinuno ng pamahalaan ng Pilipinas noong 1899 hanggang 1901, ang
kalagayan ng Pilipinas nang mapasakamay ng mga Amerikano ang bansa. Mayroon ding mga ulat
ang mga gobernador- heneral ng Spain at America. Ang tawag sa ulat ng gobernador-heneral
noong panahon ng mga Espanyol ay mga memorias.

Mayroon ding mga ulat ang ibang opisyal tulad ng mga ipinadadala ng pamahalaan sa fact-finding
missions. Kasama rito ang mga ulat ni Sinibaldo de Mas na nagbigay ng larawan ng Pilipinas
noong ika-19 na siglo at sinabi niya na kailangan ng mga reporma ng bansa. Isa pa ring halimbawa
ng ulat ay ang Wood-Forbes Report (nina William Cameron Forbes at Hen. Leonard Wood) noong
dekada 1920 na nagsabing hindi pa handang magsarili ang Pilipinas.

Nakapaloob sa mga ulat ng mga gobernador-heneral at ng pamahalaan noon ang mahahalagang


pangyayari sa bansa, ang estado ng mga lokal na pamahalaan, kalagayan ng mga mamamayan, at
mga suliranin na hinaharap ng bansa.

Mayroon ding mga ulat ang mga relihiyoso sa Pilipinas tulad ng mga misyonero (mga Heswita,
Dominikano, Augustino, Recoleto, at Franciscano) na pumunta sa Pilipinas noong panahon ng
mga Espanyol. Ang mga superior o pinion ng mga relihiyosong orden na ito ay nagpadala ng mga
memoria sa kanilang pinuno sa Rome at sa Spain. Nilalaman ng mga memoria nila ang
pagsasalaysay sa kondisyon ng bansa, ang mga ugali at kultura ng mga katutubo, ang kanilang
mga gawain tulad ng pagpapalaganap ng relihiyon, at ang mga suliranin na kanilang kinaharap.
Kabilang din sa mga memoria ang mga estadistika tungkol sa dami ng mga katutubo sa pook na
kanilang tinitirahan. Mahalaga ang mga ulat ng mga misyonero lalo na kung ito ay isinulat noong
simula ng kolonisasyon ng Spain dahil inilarawan nito ang kondisyon ng Pilipinas sa panahong
iyon. Sa tulong rin nito, makikita natin ang larawan ng mga katutubo ng kapuluan sa simula ng
pagsakop ng Spain sa Pilipinas.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Mga Opisyal na Dokumento

Ang mga pamahalaan at institusyon ay nagpapalabas ng mga dokumento na may mahahalagang


impormasyon tungkol sa isang pook o bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ay proklamasyon ng
kalayaan na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista at inihayag sa Kawit noong 1898; ang
Proklamasyon bilang 1081 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagsailalim ng bansa sa batas
militar noong ikas-23 ng Setyembre 1972; at ang Proklamasyon bilang 1973 ni Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na nagpahayag ng batas militar sa Mindanao noong 2009.

Mayroon ding mga utos galing sa sangay ehekutibo tulad ng mga Letters of Instruction. Isa ring
mahalagang dokumento mula sa pamahalaan ay ang SONA.

Ang mga batas ay isa ring uri ng opisyal na dokumento. Noong panahon ng mga Espanyol, may
mga batas na ipinasa ng Consejo de Indias at ng Cortes (parlyamento ng Spain). Opisyal ding
dokumento ang mga Saligang Batas ng Pilipinas at mga batas na ipinasa ng lehislatura sa iba’t
ibang panahon sa bansa tulad ng Philippine Commission at Philippine Assembly noong panahon
ng mga Amerikano, ang Philippine Congress, at ang Batasang Pambansa.

Tulad ng iba pang opisyal na dokumento, makikita rin ang mga batas, utos, at mga proklamasyon
ng pamahalaan sa Official Gazette ng pamahalaan. Kabilang din dito ang mga resumen o bood ng
mga kaso kasama na ang mga nailatag sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.

Isa ring opisyal na dokumentong pampubliko ay ang senso na naglalaman ng mga estadistika
tungkol sa taong-bayan. Kasama rito ang dami ng mga taong nakatira sa isang lokal, mga
ipinanganak, mga nag-aaral, mga nagtatrabaho, mga nagkasakit, at mga namatay.

Mayroon ding mga dokumento tungkol sa pagbuo ng mga bayan at probinsiya. Sa mga pook na
nabuo noong panahon ng mga Espanyol, mayroong pangkat ng dokumento na tinawag na Ereccion
de los Pueblos. Ang mga dokumentong ito ay matatagpuan sa Pambansang Sinupan ng Pilipinas.

Ilan pa rin sa nakalagak sa Pambansang Sinupan ang mga dokumento na may kinalaman sa
panahon ng mga Espanyol tulad ng mga cedula o mga utos ng hari ng Spain; ang Sediciones y
Rebelliones para sa nagsasaliksik tungkol sa mga naganap na paghihimagsik sa Pilipinas; Guia de
Forasteros na tungkol sa mga dayuhan sa Pilipinas; Monopolyo ng Tabako para sa mga
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

nagsasaliksik tungkol sa pagtanim ng tabako; at ang Varias Provincias para sa nagsasaliksik sa


mga lalawigan ng bansa.

IIan pa rin sa mga opisyal na dokumento ay ang mga pantaunang ulat o annual report. Mayroon
ding mga memorandum at circular na ipinalalabas ng mga opisina ng pamahalaan. Mahalagang
dokumento rin ang mga opisyal na resibo at mga receiving copy ng mga dokumento.

Maaari ring ituring na pangunahing dokumento ang mga ulat medikal (medical reports), post
mortem autopsy o resulta ng pagsusuri sa isang yumao, at mga mga transcript of record sa paaralan.
Ang kategorya na ito ay kasama naman sa pribadong dokumento. Ang paggamit nito ay maaaring
makuha sa permiso ng may-ari.

Mga Aklat na Isinulat ng mga Awtoridad

Mayroong mga aklat na maaaring ituring na pangunahing batis kung ito ay isinulat ng mga tao na
mismong naging saksi sa mga pangyayari. Ilan dito ay ang mga aklat na isinulat ng mga misyonero
at mga opisyal ng pamahalaan. Ang mga halimbawa nito ay ang Conquistas de las Islas Filipinas
ni Padre Gaspar de Medina, isang paring Augustino noong ika-18 siglo, at ang Historia de Filipinas
ni Padre Ignacio Alcina, isang paring Heswita. Isa ring mahalagang aklat ang Sucesos de las Islas
Filipinas ni Antonio de Morga na inilimbag noong 1609. Ang aklat ni Morga ay pinili ni Jose Rizal
upang ilimbag muli at dagdagan ng mga anotasyon upang itama ang maling pananaw ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

Mga Isinulat ng mga Saksi

Isa ring uring pangunahing batis ang mga isinulat ng mga saksi sa mga pangyayari sa kasaysayan.
Ang tawag sa kanilang mga gawa ay eyewitness account. Ang saksi ay tao o mga taong nakakita
mismo ng pangyayari at kadalasang kasama o kalahok sa pangyayari. Maaaring tingnan ang mga
pangyayari sa perspektibo ng mga lider o mga tagasunod. Sa pamagitan ng eyewitness account,
malalaman ng mga mananaliksik ang mga pangyayari mula mismo sa mga gumanap. Ang
eyewitness account ay maaaring maisama sa awtobiograpiya at sa memoirs.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Ang ilang halimbawa ng eyewitness account ay ang salaysay ni Koronel Lazaro Makapagal
tungkol sa pagbitay sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio noong 1897; ang salaysay sa
pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan noong 1897 ni Hilarion Martinez, isang miyembro ng
banda sa Luneta nang barilin ang bayani; at ang salaysay ni Dr. Igmedio Cruz (doktor ni Pangulong
Quezon) tungkol sa pagkamatay ng pangulo sa Lake Saranac noong ika-1 ng Agosto 1944. Ang
mga eyewitness account ay nailathala sa mga pahayagan tulad ng Philippine Free Press at Sunday
Manila Times.

Mga Artikulo sa mga Pahayagan

Maaari ring ituring na pangunahing batis ang mga pahayagan kung ito ay mayroong tuwirang turan
(direct quotation) o halaw mismo sa pinanggalingan ng impormasyon. Dapat ay eksakto ang sinabi
ng batis at ito ay tungkol sa isang bagay na ang batis ay may awtoridad tungkol sa pangyayari.
Kabilang dito ang mga salaysay o pronouncement.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KASAYSAYAN


NG PILIPINAS

Digmaang Pilipino-Amerikano

Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano


ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang
gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000
sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban
sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga
labanang gerilya. Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga
Amerikano ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa
San Isidro, Nueva Ecija.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama
na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang
Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa
mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng
Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas bilang
ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.

Ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng
Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover. Kahit ang batas na ito
ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si
Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base
militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino
sa malayang pamamahala. Itinatag ang pamahalaang sibil, na pinamahalaan ni William Howard
Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur
MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang
kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong
kapangyarihang tagapamahala.

Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang
transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at
magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay
responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng
Estados Unidos.

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar. Ngunit, dumistansiya
ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino.
Rachel A. Alicbusan Mga Babasahin Hingil sa Kasaysayan
Business Management 1-2

You might also like