Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rebyuwer sa AP 9

I. PANUTO: Bilugan ang titik ng angkop na sagot.


1. Ano ang tawag sa pag-aaral sa mga bagay na may buhay man o wala?
A. Sosyolohiya B. Heograpiya C. Matematika D. Biyolohiya
2. Kung ang rekomendasyon ay pagbibigay ng mga paraan upang maging mabisa ang paglutas ng suliraning
pinag-aaralan, ano naman ang haypothesis?
A. Ito ay pag-aaral sa katangiang pisikal ng isang lugar.
B. Ito ay pag-aaral uko sa tsart, graph at numero o datos.
C. Ito ang pansamantalang kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya.
D. Ito ay ang pag-aaral ng estruktura n gating lipunan.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakahulugan sa heograpiya?
A. Ito ay pag-aaral sa katangiang pisikal ng isang lugar.
B. Ito ay pag-aaral ukol sa tsart, graph at numero o datos.
C. Ito ang pansamantalang kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya.
D. Ito ay ang pag-aaral ng estruktura ng ating lipunan.
4. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng matematika maliban sa isa:
A. Madaling nauunawaan ang mga ekonomikong kaganapan sa pamamagitan nito.
B. Ito ay pag-aaral ukol sa tsart, graph at numero o datos.
C. Ito ang pansamantalang kasagutan o paliwanag sa natukoy na mga suliraning pang-ekonomiya.
D. Kasama rin dito ang estadistika na may kinalaman sa ekonomiya.
5. Kung ang economic choice ay may kinalaman sa desisyon, ano naman ang social choice?
A. May kinalaman ito sa pakinabang na natatamo mula sa ginawang pagpili.
B. Pagpili at pagpasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan.
C. Isinasakripisyong halaga ng isang bagay.
D. Pagpapasiyang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.
6. Ano ang tawag sa pagpili at pagpasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan?
A. Trade Off B. Individual Choice C. Social Choice D. Economic Choice
7. Sila ang nagpapasya kung saan gagamitin ang nalikom na buwis upang matugunan ang pangangailangan ng
mga mamamayan.
A. Pamahalaan B. Simbahan C. Komunidad D. Paaralan
8. Ito ay tumutukoy sa gawain ng tao at pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan.
A. Pagkain B. Pagpili C. Paghusga D. Pagboto
9. Ang mga sumusunod ay mga likas na yaman na biyaya ng kalikasan maliban sa isa:
A. Lupa B. Gubat C. Ilaw D. Enerhiya
10. Saan matatagpuan ang Maria Christina Falls?
A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. Batangas
11. Ito ay nagsisilbing bakod sa mababang bahagi ng katubigan.
A. Mangroves B. Dipterocarp Hardwood C. Bamboo D. Narra
12. Ang pag-init ng temperature ng daigdig ay nagbubunga ng ________. Ito ay dulot ng biglaang pagbabago ng
klima o panahon mula sa malamig na sitwasyon hanggang sa mainit sa loob ng matagal na panahon.
A. Global Warming B. Climate Change C. Deforestation D. Reorestation
13. Umiinit ang kapaligiran bunga ng pagtaas ng katamtamang temperature o average temperature ng daigdig.
Ano ang tawag sa sitwasyong ito?
A. Global Warming B. Climate Change C. Deforestation D. Reorestation
14. Ito ay tawag sa muling pagtatamim ng mga puno sa kagubatan.
A. Global Warming B. Climate Change C. Deforestation D. Reorestation
15. Lalawigan kung saan matatagpuan ang Coron Island.
A. Rizal B. Cavite C. Palawan D. Romblon
II. PANUTO: Alamin ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag.
__________16. Siya ang Ama ng Komunismo. Naniniwala siya sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng tao
sa lipunan.
__________17. Binibigyang-pasin niya ang pribadong pagmamay-ari.
__________18. Siya naman ang Ama ng Makabagong Ekonomiks na sumulat ng aklat na “An Inquiry into the
Nature and Causes of the Wealth of Nations.”
__________19. Ipinaliwanag niya ang isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na
nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga kumpara sa ibang bansa.
__________20. Siya ay may layunin sa kaisipan na tumugon ang pinuno sa mga pangangailangan ng
nasasakupan. Nagbibigay halaga rin siya sa mabubuting pamamahala at pamumuno.
__________21. Ito ay ang pangkat na nagbibigay-halaga sa kalikasan at wastong paggamit ng likas na yaman.
__________22. Ipinaliwanag niya ang Tableau Economique.
__________23. Siya ang nagsulat ng aklat na “The Republic.”
__________24. Binigyang-diin niya ang epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
__________25. Siya ang tinaguriang Father of Modern Theory of Employment.

III. PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Alamin ang tinutukoy ng bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon at isulat
sa patlang.

Republic Act 7160 Republic Act 3931 Presidential Decree 948 Executive Order 54
Solar Energy Wind Energy Fossil Fuels Geothermal Energy
Hydroelectric Energy Dendrothermal Energy

__________26. Batas na nagbibigay-daan sa pagtatatag ng Pollution Control Law na nag-uutos ng pagtitipon at


pangongolekta ng mga solidong bagay na itinatapon sa ilog at ibang anyong-tubig.
__________27. Enerhiya na ngamumula sa init ng araw.
__________28. Enerhiya na nagbubuhat sa singaw na likha ng mga nasusunog na kahoy.
__________29. Enerhiya na mula sa labi ng mga tuyong halaman at hayop.
__________30. Batas na nagpapatupad sa sanitasyon at kalinisan sa kapaligiran.
__________31. Batas na nagtatag ng Pasig River Rehabilitation Commission na ang pangunahing layunin ay
linisin, sagipin at buhayin muli ang ilog Pasig.
__________32. Batas na nagpaparusa at nagbabawal sa sinumang nagtatapon sa tubig na nagdudulot ng
polusyon sa likas na yaman.
__________33. Buhat ito sa yamang tubig tulad ng Maria Cristina Falls na nagsu-supply ng elektrisidad sa
Mindanao.
__________34. Enerhiya na galing sa windmill.
__________35. Enerhiya na nagmumula sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Albay, Laguna at Leyte.

IV. Panuto: Kuwentahin ang LFPR, employment rate, underemployment rate, at unemployment rate ng babae
at lalaking manggagawa sa taong 2018 upang mabuo ang talaan.

INDICATOR LALAKI BABAE


Household Population 15 Years Old and Over 32, 417 32, 519
Labor Force 25, 062 16, 280
Employed 23, 406 15, 335
Underemployed 4, 898 2, 283
Unemployed 1, 656 945
Labor Force Participation Rate (%)
Employment Rate (%)
Underemployment Rate (%)
Unemployment Rate (%)

You might also like