Buwan NG Wika 2019 New

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Sangay ng Bulacan
DISTRITO NG BALAGTAS
Wawa, Balagtas, Bulacan

Hulyo 29 , 2019

MEMORANDUM PAMPUROK
Blg. 17, s. 2019

PAMPUROK NA PAGDIRIWANG NG 2019 BUWAN NG WIKA

Sa mga: Puno ng mga Paaralang Elementarya


Mga Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino
Mga Gurong Tagapagsanay
Sa iba pang Kinauukulan

1. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa


Memorandum Pansangay Blg. 143, s. 2019, ang bawat Paaralan ng Elementarya
ay inaasahang magdaraos ng Tagisan ng Talento sa Pagbigkas at Pagsulat. Ang
tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Filipino”.

2. Ang layunin ng tagisan ay ganap na maisakatuparan ang Pampanguluhang


Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, mahikayat ang iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan na makiisa sa mga programang pang-wika at mahikayat ang mga
mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang katutubo sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

3. Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga


sumusunod:

a. Ako at Katutubong Wika Ko


b. Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng Katutubong Panitikan at Kaalamang
bayan
c. Sarikultura: Multilinguwalismo at Pag uugnayan para sa Isang Bansang
Pilipino
d. Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino

4. Talaan ng mga kategorya sa Tagisan ng Talento:


 Sulat Bigkas ng Tula (1) – Baitang 6
 Balagtasan (3) – Baitang 6

5. Sa isasagawang paligsahan partikular sa Sulat Bigkas ng Tula, ang piyesang at


temang gagamitin ay ihahanda ng Gurong Tagapayo. Nakahanda na ang
gagamiting piyesa para sa Balagtasan.
6. Ang nasabing paligsahan ay gaganapin sa ika- 16 ng Agosto, 2019, alas 7 ng
umaga sa San Juan Elementary School.

7. Ang tatanghaling unang puwesto sa bawat kategorya ng Tagisan ng Talento ang


magiging representate sa EDDIS level. At ang mga tatanghaling una hanggang
ikatlong puwesto sa bawat kategorya ng bawat EDDIS ang magiging
representante sa Pansangay na Tagisan ng Talento na gaganapin sa ika-29 ng
Agosto, 2019 sa Sta. Maria ES, Sta. Maria, Bulacan.

8. Sa Pansangay na Tagisan, ang una hanggang ika-limang puwesto ay magkakamit


ng Sertipiko ng Pagkilala ngunit ang tanging magkakamit ng unang puwesto
lamang ang magiging representante sa Pang-Rehiyong Tagisan ng Talento,
maliban sa Balagtasan ng Baitang 6 na hanggang Pansangay lamang.

9. Nakalakip sa Memorandum na ito ang piyesang gagamitin sa Balagtasan.

10. Ang mga kalahok ay walang babayaran sa paligsahan. Ang butaw na halagang
Php420.00 ay manggagaling sa pondong lokal ng bawat paaralan na ilalaan para
sa mga gastusin sa nasabing patimpalak.

11. Ang talahanayan ng mga gawain, pamantayan sa tagisan, tagapanayam, mga


komite at daloy ng palatuntunan ay nasa Inklosyur Blg. 1 at 2 ng Memorandum na
ito.

12. Inaasahan ang malawakang pagpapalaganap at pakikiisa ng mga kinauukulan sa


Memorandum na ito.

RENE L. CRUZ
Tagamasid Pampurok
Inkloysur Blg. 1 sa Memorandum Pampurok Blg. 17 s. 2019

PAMPUROK NA PAGDIRIWANG NG 2019 BUWAN NG WIKA

TALAAN NG MGA GAWAIN

Oras Paksa/Gawain

7:00 – 8:00 Pagpapatala

8:01 – 8:30 Maikling Programa

8:31 – 10:00 Tagisan ng Talento

10:01 – 12:00 Pagpapakilala sa mga nagwagi at Paggagawad


ng Sertipiko/ Medalya

12:00 HOME SWEET HOME

MGA KOMITE SA GAWAIN

Pangkalahatang Pangulo : Gng. Melania C. Capistrano

Pangulo: Gng. Kathleen D. Jacinto

KOMITE

Tagapag-ugnay Kathleen D. Jacinto- SJES


Akomodasyon at Dekorasyon Marivic R. Esguerra – SAN JUAN ES
Pagpapatala Rowela M. Apura – SULOK ES
Jenniebeth L. Galvez – BOROL I ES
Imbitasyon at Programa Rhea U. Kabuhat – BCS
Laiza Marie DS. Ramos – FBMS
Mga Medalya Wilfe I. Leonardo – DALIG ES
Lea S. Tanate – NORTHVILLE VI ES
Mga Sertipiko Lady Dianne A. Bagay – BOROL II ES
Maria Riza DC. Magalona – BHES
Pamatid Uhaw Ernesto R. Salvador – MCR ES
Dokyumentasyon Karen M. Marcelino – SANTOL ES
Perla V. Arguilla – LONGOS ES
Inkloysur Blg. 2 sa Memorandum Pampurok Blg. 17 s. 2019

PAMPUROK NA PAGDIRIWANG NG 2019 BUWAN NG WIKA

PALATUNTUNAN

I. Pambansang Awit………….……........................... Wilfe I. Leonardo


Guro I – Dalig ES

II. Doksolohiya……………………………….……….. Ernesto R. Salvador


Guro I – MCR ES

III. Pambungad na Pananalita………….……………… Rene L. Cruz


Tagamasid Pampurok

IV. Paglalahad ng Pamantayan sa Paghatol ……….…. Gng. Kathleen D. Jacinto


Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino

V. Pagpapakilala sa Lupon ng Inampalan ….…….…. Gng. Melania C. Capistrano


Pandistritong Tagapayo sa Filipino

VI. Tagisan ng dunong at kaalaman ………………..... Mga Kalahok

VII. Pagpapahayag sa mga Nagsipagwagi ..……………Mga Kalahok, Hurado at Mga


Tagapangasiwa

Lea S. Tanate
Tagapagdaloy
MEKANIKS SA BALAGTASAN

1. Angkop na kasuotan ang isusuot ng mga kalahok.

2. Masining ang gagawing pagtatalong patula.

3. Iisang piyesa lamang ang gagamitin ng mga kalahok.

KRAYTERYA SA BALAGTASAN

Pagbigkas

Lakas -------------------------------------------------- 15 %

Tono --------------------------------------------------- 20 %

Paggalaw

Kumpas ng Kamay ---------------------------------- 20 %

Ekspresyon ng Mukha ------------------------------ 15 %

Kasuotan -------------------------------------------------------- 15 %

Dating sa Madla ------------------------------------------------ 15 %

KABUUAN: 100 %

You might also like