Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

G7 BOSCH, Lourdes Rose Anne

G8 COLEGIO, Christa Alexa M.


G20 SANTOS, Elyssa Mae
B2 AMATA, Terrence Joshua
B20 TIZON, Robie Elliz
10-Mindfulness

Isang nangingibabaw na katangian ng mga diyos at diyosa sa griyegong mitolohiya ay


ang pagiging dominante sa mga taong nasa ilalim nila sa hindi makatarungang paraan. Halos
lahat ng mga kilalang kwento dito ay may mga pagkakatulad sa isa’t isa. Kapansin pansin na ang
mga kwentong ito ay madalas nagwawakas sa trahedya. Ito ay ang mga kwentong ito ay
nagtatapos sa hindi makatarungang pagpapahirap ng mga diyos o diyosa sa mga taong taliwas
sa kanilang gusto. Sari-sari man ang dahilan hindi parin maganda na pinaparusahan nang ganoon
ang mga tao. Gaya na lang ng mga kwento ni Arachne na walang awang pinarusahan ng diyosang
si Athena dahil nagsabi si Arachne ng hindi maganda tungkol sa kanya. Maihahalintulad natin ito
sa kultura natin dahil lumalaganap ang “oppression” o ang nakakakilabot na pang aabuso ng
kapangyarihan dito sa Pilipinas. Kahit ang mga Dyos at Dyosa ng mga Griyego at Romano ay
mayroon ding ganitong sistema. Ang Dyos na si Zeus o Jupiter ang namumuno sa lahat ng mga
Dyos at Dyosa. Ngunit ‘di katulad ng mitolohiya ng Griyego at Romano, ang Diyos o mga Diyos
natin ay “omnipotent” at “omniscient”. Ang ibig sabihin nito ay pinakamakapangyarihan at
pinakamatalino sa lahat.

Ang mitolohiya ng mga Griyego at Romano ay isa sa mga halimbawa na nagpapakita ng


sistema na tinatawag nating “Domination of Power”. Sa mga video na napanood namin, ang mga
Dyos at Dyosa ang may hawak ng kapangyarihan. Sila ang nagdidikta ng mga dapat at hindi
dapat gawin ng mga tao o mortal. Sila din ang pumipigil sa mga mortal na umunlad at maging
kasing lebel nila. Natatakot silang kapag umunlad ang estado ng mga mortal ay magkaroon sila
ng lakas ng loob upang mag-aklas at tanggalin sila sa kanilang mga trono at mawala ang kontrol
nila sa mga ito. Katulad na lamang ng ginawa ng mga Dyos sa kwento nila Icarus at Daedalus.
Si Daedalus ay ang “pinakamagaling” na imbentor na nabubuhay noong panahon na iyon.Nang
mabilanggo sa isang tore, naisip ni Daedalus na tumakas. Nagawa nyang lampasan ang
“limitasyon” ng isang mortal. Sa kalaunan, hinarap niya ang mga kinahihinatnan ng paglabag sa
batas ng mga mortal at nalunod. Dahil dito, nagalit ang mga Dyos at Dyosa at gumawa sila ng
paraan upang mawala sa landas nila si Daedalus. Katulad lamang ito ng pamahalaan ng mga
Filipino. Kinalulungkot naming na nililimitahan ng mga nakatataas o ng mga may kapangyarihan,
na tumaas ang estado ng mga mahihirap. Bakit? Dahil kapag tumaas ang estado ng mahihirap,
mawawalan sila ng kapangyarihan, kung hindi man, hihina ito. Mawawalan sila ng kontrol sakanila
at may tsansa na mag-aklas ang mga mahihirap at tanggalin1 sila sa kanilang mga trono.

Batay sa aming diskusyon, lahat kami ay sumasang ayon na may pagkakaiba at


pagkakapareho ang mitolohiyang aming napanood o nabasa. Ang aming katayuan o opinyon dito
ay pare-pareho sapagkat batay sa aming nalalaman at nabasa, mayroong pagkakaiba at
pagkakapareho ang mga mitolohiya. Dahil lahat ng mga ito ay ginawa o nabuo sa isipan ng tao
sa halos magkaparehas na panahon, mga panahon na hinahanapan ng mga tao ang mga
pinagmulan. Ang pagkapare-pareho ng mga mitolohiyang ito ay base din sa bansa o lugar na
kanilang pinagmulan, dahil saisang rhiyon o bansa na may magkakaparehas na tradisyon at
kultura na nagging mitsa ng pagkakapareho ng kanilang ideyolohiya ukol sa kaisipang ito.

Youtube, https://www.youtube.com/watch?v=3s2QPQnuaGk&t=34s
Youtube, https://www.youtube.com/watch?v=nIIjhAuC76g
Youtube, https://www.youtube.com/watch?v=U_u91SjrEOE

You might also like