PAGULAT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Christian Santos Hulyo 26, 2019

Elisha Daliba Filipino 12


Ang Mapanuring Pagsulat sa Tekstong Akademiko

A. Ano ang ‘Mapanuring Pagsulat’?

- Ang mapanuring pagsulat ay kinakailangan ng isang mapanuring pag-iisip.


- Napapaloob dito ang pagiging analitikal at napaggugrupo ang mga ideya sa loob ng
tekstong binabasa, at pagiging kritikal sa pag-iisip, lalo na sa pag-ugnay ng mga
reyalidad sa labas ng teksto, at nagagawan ng pagsusuri ang mga relasyon sa
ginagawa.
- Pagbuo at pagtala ng orihinal na ideya at hypothesis

B. Mga Katangian ng Mapanuring Pagsulat

- Anim ang katangian ng isang mapanuri ng pagsulat, ayon sa disiplina o kurso na


kinabibilangan ng nais na isulat sa akademiya.
1. LAYUNIN
- Pagpapaunlad o paghamon sa mga konsepto o katuwiran.
2. TONO
- Impersonal; hindi parang nakikipag-usap o emosyonal.
3. BATAYAN NG DATOS
- pananaliksik at kaalamang masusing ksinuri upang patunayan ang batayan ng
katuwiran nito.
- Obhetibo ang posisyon (batay sa pananaliksik. Iniiwasan ang anumang
pagkiling. Nakikita ang pagka-obhetibo ayon sa paksa, organisasyon at
detalye.)
- Katotohanan (fact versus opinion. Ang pruweba o ebidensyang
mapagkakatiwalaan o talagang nangyari. Hindi haka-baka o gawa-gawa
lamang.)
- Opinyon (batay sa sariling damdamin, karanasan, paniniwala.)
4. BALANGKAS NG KAISIPAN
- piniling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat. Naiipokus ang
atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon/anggulo hanggang sa
umabot sa konklusyon.
Dito ginagamit ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.
5. PERSPEKTIBA
- Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.
6. TARGET NA MAMBABASA
- kritikal, mapanuri at may kaalaman sa paksa kaya akademiko o propesyunal
ang target nito. Tinatawag ding diskursong komunidad.

C. Proseso ng Paggawa ng Mapanuring Pagsulat


Mayroong tatlong pangunahing estruktura sa pagsulat: Introduksiyon, katawan at
konklusyon.

INTRODUKSIYON
- pinakatesis o polisiya ng pag-aaral o paksa.
- Napakakitid ang isang malawak na paksa
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
1. Fact o Opinyon
2. Sanhi at Bunga
3. Halaga
4. Solusyon at Patakaran
b. Paksang pangungusap
1. Mapalakas ang mga argumento at batayan o datos
2. Nilalahad ang suliranin, layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan ng datos
c. Atensiyon sa simula
1. Tanong
2. Impormasyon, Pigura
3. Depinisyon
4. Sipi

KATAWAN
a. Makikita dito ang tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung
saan:
b. Ang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata
c. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
d. Malinaw at lohikal natalata upang suportahan ang tesis
e. Kaayusan ng talata (maaaring kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya, hakbang-
hakbang o serye)
f. Pagpapaunlad ng talata (isinasaad ng talata ang ebidensya batay sa pananaliksik)
g. Pagbuo ng pangungusap
h. Paggamit ng angkop na salita

KONKLUSYON
- Ang huling bahagi ng teksto na kung saan makikita mo ang pagbuod, pagrebyu ng
tinalakay, paghahawig o paraphrase, paghamon, pagmungkahi, o pag resolusyon
- Kinakailangan din na magkaugnay ang ideya noong simula (introduksyon) hanggang sa
huli (konklusyon)

You might also like