Tanaga at Haiku4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAILY Paaralan: Dr. Juan A.

Pastor Memorial Baitang: 8


LESSON National High School
LOG Guro: Jamaica Mae B. De Castro Asignatura: Filipino

Augosto 2,2018
Pang-araw-araw na Tala (HUWEBES)
Petsa/Oras: Markahan: Una
Sa Pagtuturo 1:30-230-Jupiter
4:45-5:45 - Meteor

IKASIYAM NA LINGGO – IKAAPAT NA ARAW

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
katutubo,Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Nagkakaroon ng kabatiran sa Panitikan sa Panahon
Isulat ang code ng bawat kasanayan ng Hapon.
2. Nasusuri ang pagkabuo ng istilo ng Tanaga at Haiku
batay sa mga element ng tula.
3. Naipaliliwanag ang mensahe ng Tanaga at Haiku.
4. Nakabubuo ng Tanaga at Haiku.

II. NILALAMAN PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON


KAGAMITANG PANTURO Pisara,yeso/visual aids,kopya ng akda
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Ano sanaysay ?
pagsisimula ng bagong aralin Ano ang mensahe ng sanaysay na sinulat ni Dr. Jose P.
Rizal?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa 1. Batay sa mga larawan saan kaya bansa matatagpuan
bagong aralin ang mga larawan.
2. Ang bansa kaya tinutukoy sa larawan ay may
malaking ambag sa ating pilipinas ?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagtalakay sa Panitikan sa Panahon ng hapon
paglalahad ng bagong kasanayan #1
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pagtalakay sa Tanaga at Haiku
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Alamin ang bilang ng taludtod, bilang ng sukat
,tugma,at mensahe.
Tula sa Panahon ng Hapon –Tanaga
Panaginip
Edgar Calabia Samar
Isang sipi magdamag:
Nginangatngat nitong ipis
Pitong pisi ng pangarap
Na nagsalabid sa isip.

Tula sa Panahon ng Hapon- Haiku


Anyaya
Gonzalo K. Flores
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog,
Halika,sinta

F. Paglinang sa Kabihasnan Panuto :Tukuyin kung ito ay tanaga o haiku.


(Tungo sa Formative Assessment) 1. Agahan
Rio Alma
Isang pinggan sinangag
Isang lantang tinapa;
Isang sarting salabat
Isang buntong hininga
2. Kalungkutan sa Tag-ani
Lamberto Antonio
Ang umaalong palay,
Kakulay na ng sinag;
Ang puso ko’y kakulay
Ng abuhing pinitak.
3. Tutubi
Hila mo’tabak..
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.
4. NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.
5. TAPAT DAPAT
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.
G. Paglalahat ng Aralin 1. Anong uri ng tula na umiral sa Panahon ng
Hapon?
2. Ano ang pagkakaiba ng tanaga at haiku ?
H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Bilang isang mag-aaral ,paano mo mapahahalagahan
na buhay ang tanaga at haiku?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto:Basahin at unawain mabuti ang bawat pahayag
. Isulat sa inyong sagutang papel ang T kung tama ang
isinasaad ng pangungusa at M naman kung mali.
1. Ang Haiku ay binubuo ng labinlimang taludtod.
2. Ang Haiku at Tanaga ay isang dula.
3. Ang Tanaga ay binubuo ng apat na taludtod.
4. Lumaganap ang Tanaga at Haiku noong
panahon ng Hapones.
5. Mahaba ang tanaga at haiku.
J. Karagdagang gawain para sa takdang- Gumawa ng sariling tanaga at haiku .
aralin at remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

JAMAICA MAE B. DE CASTRO


Gurong Nagsasanay

Binigyang-Pansin:

DEVIE MAY D. DATINGUINOO


Gurong Tagapagsanay

MARIA CECILIA H. MENDOZA


Ulong Guro I

You might also like