Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SOGIE equality bill, suportado ni Sen.

Go
106SHARES00
(Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am
MANILA, Philippines — Suportado ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go
ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality
Bill na inihain sa Senado.

Ayon kay Sen. Go, bago pa man umapela si Sen. Hontiveros sa kanyang mga
kapwa senador na tulungan siyang maipasa ang SOGIE Equality Bill ay
matagal na niyang suportado ang LGBT community.

Sinabi ni Go, lahat tayo ay pantay-pantay ano man ang kasarian, kaya hindi
nito nagustuhan ang naging asal ng isang janitress ng isang mall sa Quezon
City, kung saan ay hindi pinayagang gumamit ng pambabaeng comfort room
ang trans woman na si Gretchen Diez.

Sa ginawang manifestation of support ni Go, sinabi niya na nilapitan siya ng


senadora at ni Rep. Geraldine Roman at hiniling ang kanyang tulong para
maipasa ang naturang panukala.

Tiniyak naman ni Go, na susuporta siya sa panukalang batas, at sinabing sa


kanilang lugar sa Davao ay matagal nang umiiral ang ordinansang nagbibigay
at nagbabantay ng pantay na karapatan sa LGBT community.

Aniya, sa ilalim ng ating Konstitusyon, anumang edad, kasarian, relihiyon,


tinubuan o oriyentasyon ay kinakailangang irespeto at itrato nang parehas.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2019/08/16/1943730/sogie-equality-bill-suportado-ni-sen-
go#E2gEZKxvO4VjQ2iF.99
5 Chinese warships pumasok sa teritoryo ng
Pinas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinulgar ni AFP Western Mindanao Command


(Westmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na limang warship ng China ang
namonitor ng militar na pumasok ng walang paalam sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Sobejana, dalawa sa mga warships ay naispatan sa Sibutu Strait noong
Hulyo at tatlo pa nitong Agosto.

Hindi ginamit ng mga ito ang Automatic Identification System (IDS) na siyang tutukoy sa
mga banyagang barko na nagdaraan sa 200 nautical miles ng Exclusive Economic
Zone (EEZ) ng bansa.

Ang Sibutu Strait ay kinikilala bilang pandaigdigang sea lane ng mga dayuhang barko
na may karapatan sa ‘innocent passage’ pero iginiit ng opisyal na ang pagpasok ng
China sa teritoryo ng Pilipinas ay tila isang pananadya.

“Hindi naman sila hostile but it was not a innoncent passage kasi ang innocent passage
straight line lang yun, pagka medyo nagkurba that is no longer considered as innocent
passage,” pahayag ni Sobejana.

Nabatid sa opisyal na naispatan ng coastal at aircraft patrol ng Philippine Navy


at aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpasok ng walang paalam ng mga
Chinese vessels kung saan dali-dali ang mga itong umalis nang maramdaman na may
nagmomonitor sa kanila.

Inihayag ni Sobejana na ipinabatid na niya sa higher headquarters ang insidente dahil


mandato nila na ipaalam sa nakatataas sa gobyerno kung may mamonitor na mga
dayuhang barko na pumapasok ng walang paalam sa katubigan sa teritoryong
nasasaklaw ng bansa.

“Parang kanila na yung Sibutu at Balabac Straits, all other warships we are informed of
their passing. Only the Chinese refuse to conform to internationally accepted norms by
ignoring them,” pag-alma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na
sinabing nabalewala ang pangako ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na ipapaalam
sa pamahalaan ang pagpasok at pagdaan ng mga naglalayag na barko ng Chinese
Navy sa teritoryo ng bansa.
Ebidensiya sa PCSO corruption, hawak na ng PACC
90SHARES00
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hawak ni Presidential Anti-Crime and Corruption


(PACC) Commissioner Greco Belgica ang lahat ng mga ebidensiya na
nagpapatunay na mayroong korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes
Office (PCSO).

Sinabi ni PCSO Director Sandra Cam, Mayo 2019 pa nang mapasakamay


ang mga ito ni Belgica, na siyang namumuno sa task force na inatasan ni
Pangulong Duterte upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu.

Ani Cam, ito rin ang mga dokumento na hiningi ng Pangulo nang magkita sila
sa Tokyo, Japan noong Mayo sa isang official visit nito.

“President Duterte and I met in Tokyo. He asked me for proof. I then gave him
the documents that proved that there is corruption in PCSO. He then asked
me to hand over these documents to Sen. Bong Go and the latter gave these
documents to Commissioner Belgica who is in charge in the investigation,” ani
Cam.

Inamin naman ni Cam na bukod sa mga naturang dokumento, mayroon pa


siyang impormasyon hinggil sa korapsiyon sa PCSO na handa aniya niyang
ibunyag sa sandaling ipatawag siya sa imbestigasyong isasagawa ng Senado
at Kongreso.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2019/08/16/1943732/ebidensiya-sa-pcso-corruption-hawak-na-ng-
pacc#UTLgMzYv0F4OEscG.99
Villar at Bato nag-alala sa mga magpapanggap na trans woman
61SHARES10
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag nang pag-aalala sina Senators Cynthia


Villar at Ronald dela Rosa na samantalahin ng ilang magpapanggap lamang
na trans woman ang paggamit ng CR na inilaan para sa mga kababaihan.

Ayon kay Villar, okay lamang gumamit ng toilets ng mga babae ang mga
totoong miyembro ng LGBT pero delikado kung hindi naman sila totoong trans
woman.

Ayon naman kay dela Rosa, maaaring maabuso at magamit ng mga “manyak”
na lalaki ang paggamit ng mga CR na inilaan para sa mga babae.

“Pagpasok niya sa CR magbabakla-bakla siya. Magsusuot siya ng babae,


ayon bakla. Papasok doon sa loob ng CR ng babae tapos gagawa ng
kalokohan,” sabi ni dela Rosa.

Idinagdag ni Villar na dapat ay gumawa na lamang ng karagdagang toilet para


sa mga LGBT o kaya ay ipagamit muna ang nakalaan para sa mga persons
with disabilities (PWD).

Anya, may mga pagkakataon na may kuwestiyon pa rin kung totoong babae
ang gustong gumamit ng CR ng mga babae.

Hangga’t wala pa aniyang “gender-sensitive” CR ay ipagamit na muna ang


CR ng mga PWDs.
CYNTHIA VILLARRONALD DELA ROSA

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2019/08/16/1943728/villar-bato-nag-alala-sa-mga-magpapanggap-
na-trans-woman#AEGAsoypuCI7ctpv.99

You might also like