Nutrition Month

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"KUMAIN NG WASTO AT MAGING AKTIBO.

PUSH NATIN TO"

Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan ng tao. Dito tayo kumukuha ng lakas para gumawa
ng mga bagay-bagay. Dito din tayo kumukuha ng sustansya at mga nutrisyon para maging malakas at
malusog. Ngunit hindi naman lahat ng pagkain ay masustansya at may dalang bitamina. May mga
pagkain na kapag napasobra tayo sa kain ay hindi maganda ang maidudulot sa atin.

"Kumain ng wasto at maging aktibo" ibig sabihin, upang maging malakas at malusog ang isang tao,
kinakailangan ng pagkain ng tama at wasto, at may dalang nutrisyon. Hinihikayat tayo na kumain ng tama
o piliin ang pagkain na masagana sa mineral at bitamina upang magkaroon ng aktibong pangangatawan.
Ang pagkain ng prutas at gulay ay isa sa mga dapat gawin ng lahat sapagkat ang mga ito ay nagbibigay ng
iba't ibang klase ng nutrisyon sa iba't ibang bahagi ng ating katawan.

Kaya kapag sinanay natin ang mga sarili natin na kumain ng mga masustansyang pagkain, ay tiyak na
magiging malusog tayo at hindi magkasakit. Samantala, kapag mga junk foods naman ang ating kinakain
ay maaari tayong magkasakit o maaaring magdulot ito ng masama sa ating kalusugan.

Ang kahalagahan ng pagkain ng wasto ay isa sa mga bagay na hindi natin pagsisisihan. Mahirap mang
gawin pero kailangan sikapin dahil dito nakataya ang kalusugan natin.

You might also like