Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MGA POSISYONG PAPEL NG IBA’T IBANG UNIBERSIDAD KAUGNAY NG

FILIPINO SA KOLEHIYO

1. Ang pahayag na ito ay bahagi ng pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La


Salle University-Manila sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto
2014.

_______________________________________________________

Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa


asignaturang Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, nagpasya ang Departamento ng
Filipino na gawing higit na katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong
ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga adbokasiyang pangwika. Magsasagawa
ang Departamento ng mga gawaing naglalayong imulat ang ating komunidad sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang


panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating
mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa
Pilipinas…

Malaki ang pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulong ng adbokasiyang pangwika


sapagkat mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang Departamento sa
administrasyon ng pamantasan upang hilingin na panatilihin sa kurikulum ng DLSU
ang asignaturang Filipino, ngunit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng lahat ng
ating pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo, hindi pa rin isinama ng Komite sa New Lasallian Core
Curriculum (NLCC) ang asignaturang Filipino. Gayunman, sinusuportahan ng Komite
sa NLCC ang opsyonal na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa
alinmang asignatura sa bagong kurikulum. Dapat bigyang-diin na hindi sapat na
maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam
naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas
dahil na rin sa ating pinagdaanang malalim at matagal na kolonisasyon ng mga
Amerikano. Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham,
Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa,
kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas
ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal na diskurso,
komunikasyon, at pananaliksik. Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino
na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.

…ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan


ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.

Sa ganitong diwa, hinihiling namin sa komunidad ng ating pamantasan na suportahan


ang adbokasiya ng Departamento na adbokasiya rin ng libo-libong mamamayan sa
buong bansa at maging sa ibayong-dagat.

Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-


aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat
ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na
ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga
ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle
na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon.
Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang
departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa
pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa
ating mga kababayan.

Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa


mga komunidad na ating pinaglilingkuran.
Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring
disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong
pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi
natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung
hindi kilala ang sarili?

Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa


Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang
bansa.

Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y
komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa
buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa
Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at


pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng
rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence
(COE), ang kaisa-isang Departamento ng Filipino sa buong bansa na may ganitong
karangalan. Mahalagang komponent ng pagiging COE ng Departamento ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may mataas na antas. Kaugnay nito, ang
Departamento rin ang nagpapatakbo sa operasyon ng Malay, isa sa iilang
multidisiplinaring journal sa Filipino na may rekognisyong internasyonal. Dagdag pa,
kinikilala sa larangan ng malikhaing pagsulat at pananaliksik ang Departamento, gaya
na rin ng pinatutunayan ng mga de-kalidad na publikasyong inilalathala ng mga guro
nito.

Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag ng


Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng
Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International
Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan,
kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at lumalahok sa mga ito.
Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa pinakamasigasig sa mga
grupong nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL
WIKA) na ngayo’y nangunguna sa pakikipaglaban para sa wikang Filipino sa antas
tersyarya sa buong bansa. Matatandaang sa inisyatiba ng Departamento at sa
pagsuporta ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ay isinagawa sa DLSU-Manila ang
asembliya ng pagtatatag ng TANGGOL WIKA noong ika-21 ng Hunyo. Mananatiling
matatag ang Departamento sa pag-aambag sa mga nabanggit na inisyatiba kung
magkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, na magtitiyak sa patuloy na pag-
iral at pag-unlad nito.

Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong


pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa mga
kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng
Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine
Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey
instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya,
Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik.

Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na


katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon
pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.

Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura


at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Sa kabutihang-palad,
tuloy ang pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyon ng iba’t
ibang grupo sa loob at labas ng bansa. Maging ang administrasyon ng ilang
unibersidad gaya ng University of the Philippines, University of Asia and the Pacific,
Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines, National
Teachers’ College, Assumption College, Mapua Institute of Technology, Pamantasan
ng Lungsod ng Marikina, Xavier University, De La Salle-College of St. Benilde, De
La Salle University-Dasmariñas, Technological University of the Philippines, at iba
pa, ay nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa
pamamagitan ng paglagda sa mga posisyong papel na inihanda ng kani-kanilang mga
Departamento ng Filipino, o kaya’y paglalahad ng komitment na magdaragdag ng
required na asignaturang Filipino.

Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga


guro ang adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa
kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng
diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang
edukasyon…

Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang


adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-
pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng ating
sama-samang pagkilos, ang makabayang adbokasiya sa wika at edukasyon ng ating
unibersidad na nagluwal na ng mga makabayang lingkod-bayan gaya ni Senador
Lorenzo M. Tañada at mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew Gonzalez,
FSC, ay patuloy na mananatiling buhay ngayon at magpakailanman. Hanggang sa
mangyari iyon ay ipagluluksa natin ang pagkamatay ng asignaturang Filipino sa ating
pamantasan. Ipagluluksa natin ang katotohanan na sa kasaysayan ng ating
pamantasan, sa ating henerasyon ay namatay ang ating wikang pambansa.

Sa ganitong diwa, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa mga


panawagan ng Departamento ng Filipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na
damit o itim na ribbon araw-araw ngayong buwan ng Agosto. Ang gawaing ito ay
simula pa lamang ng ating tuluy-tuloy na pakikibaka para sa kapakanan ng wikang
Filipino at nasyonalistang edukasyon.
Para sa regular na update hinggil sa pambansang pakikibaka para sa wikang Filipino
at makabayang edukasyon, hinihikayat din ang lahat na bisitahin
ang www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Isulong ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo!

Gamiting wikang panturo ang Filipino sa iba’t ibang asignatura!

Itaguyod ang makabayang edukasyon!

_______________________________________________

Tungkol sa isyu:

Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang
batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang
tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para
makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang
batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to
12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing ligal ang
patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon
ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-
12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at
pag-alam sa kalidad ng edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong
programang ito.

Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education


(CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang
General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo pagdating ng Akademikong Taon.
Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal
sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi
pagtatanggal din ng mga guro sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong
nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa
pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino, pagpapayabong ng sariling
kultura at pagmamahal sa bayan.

Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon.
Patuloy pa rin ang paglaban ng mga guro at pagkondena sa CHED Memo na
inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.
2. Teachers and students from various universities marched towards Chino Roces
bridge in Manila yesterday, August 25, to protest government education policies that
will hamper the advancement of the national language.

The protest action was led by Tanggol Wika, an alliance of academics and student
advocates, as an alternative event for the Buwan ng Wika.

De La Salle University Professor and Tanggol Wika spokesperson David Michael San
Juan assailed Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) 20,
series of 2013, and the K-12 program of the Aquino government.

“We call on the government to once again include teaching Filipino history in the high
school curriculum and Filipino Literature, Philippine Government and Constitution in
the college curriculum,” said Prof. San Juan.

CMO 20 drew flak from academic and progressive groups for eliminating Filipino
subjects in the tertiary General Education Curriculum. Philippine History was also not
included in the junior high school curriculum.

The Supreme Court issued a temporary restraining order (TRO) last April, suspending
the implementation of CMO 20, after a petition was filed by Tanggol Wika.
According to Prof. San Juan, a total of 7 petitions has been filed against CMO 20 and
the K-12 program. He added that there is no final decision as of yet with regards the
TRO.
MT-1-5

“Sinasabi ng ating pamahalaan na dapat maging globally competitive tayo. Hindi na


nating pag-aaralan ang sariling wika dahil hindi na ito kailangan kapag magtatrabaho
sa ibang bayan. Ang tingin nila ang wikang Ingles ang wika ng kaunlaran,” lamented
Andrea Yasoña, a 4th year Education student from Philippine Normal University.

“Ang gusto (ni Aquino) ay magtrabaho bilang call center agents ang mga Pilipino,”
said Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya (P1NAS) convenor Lisa Maza.

P1NAS is a broad citizen’s movement which aims to defend Philippine sovereignty.

Maza underscored the importance of the national language in ‘forging a national


identity and consciousness.’

Added Burden

University of the Philippines professor Lani Abad Flores lambasted President Aquino
for being the ‘number one violator of the Constitution.’
University of the Philippines professor Lani Abad Flores
“Nakasaad sa Artikulo XIII ng ating Konstitusyon na dapat pangalagaan ng
pamahalaan ang security of tenure ng mamamayan, subalit dahil sa K-12, tinatayang
85,000 na kawani ang mawawalan ng hanapbuhay ” Flores explained.

Professor Joy Castillo of the Polytechnic University of the Philippines assailed the
‘commercialization’ of education.

“Saan kukunin ng mga magulang ang pambayad sa high school?” she asked,
explaining that it would be an additional burden for parents.

Due to a shortage of public schools offering Senior High School (SHS), a voucher
system will be implemented by the Department of Education (DepEd). Supposedly, it
will enable Grade 10 completers to enroll in private institutions.

But according to DepEd’s website, students and parents are expected to cover the
expenses if the tuition fee exceeds the voucher subsidy.

Aquino’s Legacy

BAYAN-Metro Manila Chairperson Mong Palatino


“President Aquino is praised for delivering his State of the Nation Address in Filipino.
But these are mere token actions,” pointed out Bagong Alyansang Makabayan
chairman Mong Palatino.

“Because of him, future generations are in danger of losing their very own language.
That is his true legacy,” he said.
3. May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang
Patakarang Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na
pinanghahawakan namin upang isulong ang edukasyong multilingguwal,
multidisiplinaryo, at multikultural.

Sa konteksto ng mga pagbabago sa edukasyon na kinakaharap ng bayan ngayon,


naninindigan ang Kagawaran ng Filipino na dapat ipagpatuloy ang puspusang
pagpapayaman, pagpapayabong, paglinang, intelektuwalisasyon, at
propesyonalisasyon ng Filipino alinsunod sa ating Saligang Batas (Art. XIV, Sek. 6.).

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina.


Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa
pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin
sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal.
Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng Filipino na itinatakda “ang
propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa pangangailangan na iuwi at iugat sa
sariling kultura ang pamantasan at lahat ng pinaglilingkuran nito, hindi sa
pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa integrasyon nito sa
mga kaalamang sarili.”

Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong


pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng
pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at
kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung
pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.
Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong
ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili
at kanilang mga interes.

May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng akademikong


integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng edukasyon sa
malawakang pagtatanggal at sapilitang paglilipat ng mga guro at programa mula sa
kolehiyo patungong Senior High School. Kailangang panagutan ng mga institusyong
ito hindi lamang ang usaping pangkabuhayan ng mga guro kundi pati na rin ang
integridad ng kanilang mga disiplina at kurso na pinagkadalubhasaan. Hindi lamang
legal, kundi usaping moral at etikal ang pananagutang ito.

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura.


Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.
Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang
“pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang
kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang
malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” (Art. XIV, Sek. 14).

Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado


na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong
ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino…

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura.


Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.

Bilang mga propesyonal at dalubhasang tagapagtaguyod ng wika, panitikan, at


kultura, patuloy kaming naninindigan sa mga sagisag at adhikaing kinakatawan ng
pamamayani ng Filipino sa pamantasan.

Hunyo 21, 2014


Loyola Heights, Quezon City

_______________________________________________

Tungkol sa isyu:

Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang
batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang
tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para
makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang
batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to
12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing ligal ang
patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon
ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-
12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at
pag-alam sa kalidad ng edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong
programang ito.

Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education


(CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang
General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo pagdating ng Akademikong Taon.

Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal
sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi
pagtatanggal din ng mga guro sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong
nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa
pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino, pagpapayabong ng sariling
kultura at pagmamahal sa bayan.

Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon.
Patuloy pa rin ang paglaban ng mga guro at pagkondena sa CHED Memo na
inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.
4. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

CHED Sentro ng Kahusayan sa Panitikan

CHED Sentro ng Kahusayan sa Filipino

18 Hunyo 2014

Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay


matinding tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang Filipino
sa General Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED) sa
pamamagitan ng ipinalabas na CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.
Naniniwala kaming ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng
kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng
mga Filipino.

Ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013


ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at
diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng
mga naunang salinlahi ng mga Filipino.

Narito ang aming batayan.

Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa
kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o
Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit
ang wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga
unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t mag-aaral, gayundin sa iba pang
mga puwersa sa loob at labas ng akademya. Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong
GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon
sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang
inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran.”

Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro


kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa
dalawang wika.

Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang
ang Filipino, kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala
ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng
karunungan at isa ring paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon,
nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.

Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng


wikang pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang
bayan.

Ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa


kasaysayan ng wikang pambansa.

Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang


wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940,
hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal
noong dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at
pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—
maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at
transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya,
antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa mahahalagang trajektori ng
pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng
wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang
kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high
school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa
ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino
sa mga diskursong panlipunan sa iba’t ibang disiplina.

Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan


ang wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang


Filipino. Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at di-pisikal na
daigdig, hindi lamang usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng
pagkilala sa pagka- Filipino. Sasaklawin ng sabjek na Filipino ang iba’t ibang
kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino na magpapatibay sa pagkaugat ng
mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging matibay na pundasyon ng
mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng kaayusang
global ngayon.

Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap


ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya.

Ang Wikang Filipino ay Susi ng Kaalamang Bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng
kaalamang lokal—mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.
Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan
at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng
mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain ng
mga guro sa Filipino sa antas tersiyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin
ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa
pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-
aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.
Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino
upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.

Ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang


anyo ng karahasang pangkamalayan.

Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo


ng karahasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at
kabihasnang tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag. Ang pagsisikap ng
ating mga ninuno sa pagkilala sa galing at integridad ng lahing Filipino ay mapapalis
kung hindi ito maipakikilala sa wikang nakauunawa ng pasakit at pakikipagsapalarang
ibinuwis nila, makamit lamang ang kasarinlan.

Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa nating


pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang
matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang Filipino
ang karunungang makapagtutulos ng pagka-Filipino sa mabilis na nagbabagong
daigdig.

Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education
na pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan
at tungkulin bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing
kasangkapan para matamo ito—ang wikang Filipino—ay buburahin ng institusyon
na dapat sana’y nagtataguyod at pumapanday nito.

Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino,


kasama na kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang
nagmamahal sa wika at kaalamang Filipino ay naninindigang dapat ituro ang Filipino
bilang regular na kurso sa antas tersiyarya.

Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!


Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013!

_______________________________________________

Tungkol sa isyu:

Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang
batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang
tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para
makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang
batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to
12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing ligal ang
patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon
ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-
12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at
pag-alam sa kalidad ng edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong
programang ito.

Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education


(CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang
General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo pagdating ng Akademikong Taon.

Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal
sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi
pagtatanggal din ng mga guro sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong
nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa
pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino, pagpapayabong ng sariling
kultura at pagmamahal sa bayan.

Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon.
Patuloy pa rin ang paglaban ng mga guro at pagkondena sa CHED Memo na
inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.

You might also like