Hiv Aids

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ano ang HIV/AIDS?

Ang Human immunodeficiency virus infection/ Acquired


immunodeficiency syndrome(HIV/AIDS) ay isang sakit ng sistemang
immuno ng tao na sanhi ng HIV.[1] Sa simulang impeksiyon, ang isang
taong nahawaan ay maaaring makaranas ng isang maikling yugto ng
tulad ng trangkaso (influenza) mga sakit. Ito ay karaniwang sinusundan
ng isang humabang panahong walang mga sintomas. Habang
nagpapatuloy ang sakit na ito, ito ay mas nanghihimasok sa sistemang
immuno ng indibidwal na gumagawa sa mga meron nito na mas
malamang na magkaroon ng mga impeksiyon kabilang ang
mga oportunistikong impeksyon ng mga tumor na karaniwang hindi
dumadapo sa mga taong may gumaganang sistemang immuno.

Ang HIV ay pangunahing naisisalin sa pamamagitan ng hindi ligtas na


pakikipagtalik, nahawaang dugo at mga karayom at sa ina tungo sa anak
sa pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso.[2]Ang ilang mga pluido sa
katawan gaya ng laway at luha ay hindi nagpapasa ng HIV.[3]Ang pag-
iwas sa impeksiyon ng HIV na pangunahin sa pamamagitan ng ligtas na
pakikipagtalik (paggamit ng kondom) at mga programang pagpapalit ng
karayom sa mga gumagamit ng droga ay isang mahalagang stratehiya
upang makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.
Sa kasalukuyan ay walang gamot (cure) o bakuna upang mapuksa ang
virus na HIV sa katawan ng mga taong nahawaan nito. Gayunpaman,
ang terapiyang antiretroviral ay maaaring magpabagal ng sakit at
maaaring tumungo sa isang malapit sa normal na pagtagal ng buhay sa
mga nahawaan nito. Bagaman ang paggamot antiretroviral ay
nagpapabawas ng panganib ng kamatayan at mga komplikasyon mula sa
sakit, ang mga gamot na ito ay mahal at maaaring maiugnay sa mga side
effect.
Ang pagsasaliksik henetiko ay nagpapakitang ang HIV ay nagmula sa
Kanlurang-sentral na Aprika noong simula nang ika-20 siglo.[4] Ang
AIDS ay unang nakilala ng Centers for Disease Control and
Prevention (CDC) ng Estados Unidos noong 1981 at ang sanhi
nitong HIV ay natukoy sa simulang bahagi nang dekada.[5]Simula
pagkakatuklas nito, ang AIDS ay nagsanhi ng halos 30 milyong mga
kamatayan (mula 2009).[6] Mula 2010, ang tinatayang mga 34 milyong
katao ang nahawaan ng HIV sa buong mundo.[7] Ang AIDS ay
itinuturing na isang pandemikongsakit na umiiral sa malaking sakop ng
mundo at aktibong kumakalat.[8] Ang HIV/AIDS ay may malaking
epekto sa lipunan bilang sakit at pinagmumulan ng diskriminasyon. Ang
sakit na ito ay mayroon ring malaking epekto sa ekonomiya.

PAANO MAKUKUHA AT MAIIWASAN ANG HIV AT AIDS?

Isa sa mga kinatatakutan ngayong sakit ay ang HIV at AIDS.

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang uri ng sakit na


sumisira sa immune system ng isang tao. Isa itong virus na mahirap
gamutin.
Kapag hindi nakainom ng tamang gamot ang may taglay nito o
napabayaan ng pasyente ang pagkontrol sa virus ay maaari itong
mauwi sa AIDS.

AIDS naman o Acquired Immune Deficiency Syndrome ang tawag


sa sakit na sanhi ng HIV. Ang taong may HIV ay hindi
nangangahulugang nagtataglay na rin ng AIDS. Bibilang muna nang
maraming taon bago maging AIDS ang HIV status ng tao.

Kapag kinapitan na ng AIDS ang isang pasyente at hindi nakakai-


nom ng gamot o hindi nakontrol ang virus ay maaari itong mauwi
sa kamatayan.
Sa ngayon ay wala pang nakukuhang mabisang panlunas sa HIV.
Kapag ang isang tao ay nagkaroon na nito, ito ay habambuhay na
sa iyong katawan. Ang magandang balita ay may mga nadiskubre
nang gamot na pangontrol o puwedeng makapigil sa pagdami ng
virus sa katawan para hindi mauwi sa AIDS.

Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng HIV ay ang mga


sumusunod:
Nakikipag-sex kung kani-kanino.

Pakikipagtalik nang walang proteksyon.


Paggamit ng hiringgilya (o injection) na nagamit na ng ibang tao.
Napapasa mula sa gatas ng ina.
Aksidenteng pagsalin ng dugo ng taong may HIV.
Para makaiwas:
Huwag magbenta o magkaroon ng iba-ibang sexual partner.
Gumamit ng condom tuwing makikipagniig.
Makipagtalik lang sa isang ka-partner na tapat.
Huwag gumamit ng droga o bawal na gamot na tinuturok.
Iwasang masalinan ng dugo kung ‘di rin lang emergency o
kinakailangan.
Huwag manghihiram o magpapahiram ng pang-ahit.
Iwasang mahawakan ang sugat o dugo ng ibang tao lalo na kung walang
proteksyon.
GRAPH
Number of age that have HIV/AIDs

Number of breed that had a sexual contact


Number of HIV related deaths

You might also like