Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sayo nakasalalay ang aking bukas

Sa iyo nanggagaling ang aking lakas

Dahilan kaya pangarap ko ay mataas

Inspirasyon sa loob man o sa labas

Ina , ikaw ay aking iniidolo

Dahil susubok ka kahit magkagulo

Makuha lang ang bagay na hiniling ko

Kahit palagi akong sakit ng ulo

Ina , ikaw ay aking hinahangaan

Dahil gagawa ka ng pamamaraan

Upang di mo'ko makitang nasasaktan

Sa mga bagay na aking inaayawan

Ina , alam kong di mo ako iiwan

Kaya pangako lagi akong nandiyan

Handa at buong puso kang dadamayan

Kapag ikaw naman ang nangangailangan

You might also like