Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Modyul #3 Teksto

ANG PAGPAPAYABONG AT INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO:


MULA SA PANINGING TEORETIKAL, HISTORIKAL AT SOSYOLOHIKAL
Andrew B. Gonzalez

1. PANINGING TEORETIKAL: Modelo ng Paglinang ng Wika Ayon kina


Haugen at Ferguson.

Sisimulan ko ang aking talakay sa paglinang ng isang wika sa


pamamagitan ng pagbanggit sa apat na x “facets” o paraan na ipinaliwanag ni
Einar Haugen (1972) mahigit nang dalawampung taon ang nakakaraan.
Ipinagpatuloy at higit na nagawang popular ni Charles Ferguson (1971) sa
kanyang mga sinulat ang nasabing mga paraan.

Ayon sa kanila, ang paglinang ng isang wika ay binubuo ng (1)


kodipikasyon o ng pagpili ng wika at sistema ng pagsulat na gagamitin, (2)
istandardisasyon, (3) diseminasyon o pagpapalaganap, at (4) elaborasyon o
pagpapayabong nito.

Ang isang bahagi ng pagpapayabong ay tinawag na


“intellectualization” nina Paul Garvin (isang kilalang linggwist ng Prague
School) at Madeleine Mathiot (isang anthropologist).

Mababanggit na dito sa Pilipinas, ang katawagang intelektwalisasyon


ay nagiging paksa ng walang kawawaang pagtatalu-talo. Ayaw itong
tanggapin ng ibang iskolar ng wika. Naghahatid daw ito ng di magandang
konotasyon. Kaya’t marahil ay kailangan ang isang paglilinaw tungkol dito.

1.1 Ilang Paraan ng Intelektwalisasyon

Isinasaad sa kasaysayan ng paglinang ng isang wika na ito ay


nagsisimulang gamitin sa panitikan, lalo na sa larangan ng malikhaing
panitikan, halimbawa ay sa mga tulang liriko, sa prosa, tulad ng kwento at
sanaysay. Sa kasaysayan ng maraming lipunan, mapapansin din natin na
halos magkaagap ang dula at tulang liriko. Makikita ang iba’t ibang anyo
ng dula sa larangan ng pananampalataya. Sa simula ay sa paraang may
sukat at tugma at pagkatapos, makaraan ang ilang panahon, ay susundan
o mahahaluan na ng malayang tugma (blank verse).

Sa patuloy na paggamit sa isang wika bilang kasangkapan ng


kultura, nagiging higit na malawak ang gamit nito kapag ito’y ginamit na rin
sa pagpapahayag ng mga pagbabago o pag-unlad ng kabihasnan,
partikular sa mga paksang may kinalaman sa agham at teknolohya, sa

1
mga makabagong pangangailangan at gawain sa pagsulong ng isang
bansa tungo sa industriyalisasyon nito.

Sa larangan naman ng pagsusuri ng diskurso o “discourse


analysis” bilang bahagi ng linggwistika ay binigyan tayo ni M.A.K. Halliday
(1975) ng mas malalim na pananaw tungkol sa tinatawag niyang “textual
function”, gayundin sa “ideational function” ng wika. Ang dalawang
gampaning ito ng wika ay inuri niya sa “interactional function” ng wika.

Mababanggit na sa loob ng nakaraang dalawampung taon ay


masasabing nangunguna ang mga British linguist sa paglalarawan ng
mga uri ng diskursong ideational (o referential). Ngunit ang
pinakamahalagang kontribusyon ng linggwistang British, sa palagay ko, ay
ang kanilang patuloy na pagpupunyaging makalampas sa paimbabaw na
anyo ng wika (surface forms). Sa ibang salita, hindi sila tumitigil sa antas
ng salita at mga balangkas o estruktura, tulad ng naging kahinaan ng mga
linggwista nang mga dakong una. Lumalampas sila dito at pinagtuunan
ang mga “semantic patterns at the macro-level,” na binuo ng mga padron
ng diskurso (depinisyon, paliwanag, deskripsyon, argumentasyon, atb.).
Sa mga semantic patterns na ito ay makapipili, ayon kay Joseph Grimesx
(1975) isang Amerikanong linggwista, ng pamamaraang matatawag na
“thread of discourse”.

Tinalakay naman ni Robert Longacre (1968) ang tungkol sa


balangkas ng kung saan ang mahahalagang sangkap ay paglalarawan,
sangkap ng definisyon para sa mga paksa. Ang nilalayon ng ibang
discourse grammarians ay makabuo ng grammar of discourse na may
mga alituntuning tulad na “quasi-phrase-structure rules” ni Chomsky.

May isa pang development sa pagsusuri ng diskurso na


masasabing nagmula rin sa mga British linguist ay ang tinatawag na
“English for Academic Purposes” o “English for Specific Purposes,”
depende sa kung anong uri ng Ingles ang gagamitin (Millington 1984).
Kaya nga’t may ginagamit na uri ng wikang Ingles para sa Agham at
Teknolohya at higit na partikular sa medisina, sa inhinyera, at sa business
o pangangalakal. Ang mga akademikong disiplinang ito ay tinatawag na
registers. Inaasahan na mauunawaan nang husto ng mga mag-aaral sa
unibersidad ang tiyak na register na kailangan niya sa kanya mga
gawaing akademiko o propesyonal.

Ngayon ay dumako naman tayo sa larangan ng sikolohiya at sa


larangan ng pagbasa sa edukasyon. Sa pagkakataong ito’y bumaling
naman tayo sa mga iskolar na Amerikano, partikular kay Richard Tucker
ng Center for Applied Linguistics. Pag-usapan natin ang tinatawag na
“decontextualized” na gamit ng wika na ang ibig sabihin ay gamit ng wika
sa mga pagkakataong ang konteksto ay hindi ibinibigay (e.g., sa isang

2
aklat na kaiba kung ginagamit ang wika sa isang aktwal na sitwasyon sa
lipunan na kung saan maraming salik na kontekstwal na nakatutulong sa
pag-unawa sa sinasalita o binabasang wika).

Mababanggit na ang isa sa mga kailangang kasanayan ng mga


mag-aaral sa antas na tersyarya, lalo na kung pangalawang wika ang
ginagamit, ay ang pag-unawa nang husto sa mga binabasang wala sa
konteksto. Sa ganitong pagkakataon, ang binabasang aklat ay hindi
nagbibigay ng anumang pahiwatig o tulong upang ito’y madaling
maunawaan ng mag-aaral. Kung minsan, natutulungan ng mga
ilustrasyon, dayagram, mapa, atb. ang mag-aaral upang maunawaan niya
ang kanyang binabasa.

1.2 Ang Proseso ng Intelektwalisasyon

Tinangka sa nakaraang seksyon na talakayin nang pabuod ang


mga sangkap ng diskursong intelektwalisado sa Ingles na dapat
matutuhan o maangkin ng isang mag-aaral na Pilipino sa kolehiyo,
maging siya ay nasa loob ng bansa, upang magamit niya ang Ingles
bilang midyum sa pakikipagtalastasan na kinasasangkutan ng pakikinig at
pagsasalita nang maayos o sa matalinong paraan. Nagagawa na nating
makipagtalastasan ngayon sa wikang Ingles sa matalinong paraan
sapagkat mayroon nang tradisyon sa paggamit ng wikang Ingles sa
ganitong paraan na nagsimula pa kay Francis Bacon noong panahon ng
Reynang Elizabeth I. Noon sinimulang gamitin ang wikang Ingles sa
agham, noong ika-16 na siglo. Ang ibang wikang Europeo ay huli na nang
magsimula. Ang ibang wika (tulad ng Japanese) ay nagsimula lamang
nitong mga huling bahagi ng ika-19 na siglo: ang Russian ay nito lamang
mga unang bahagi ng ika-20 siglo.

Ang proseso ng intelektwalisasyon, sa kabuuan, ay ang pagbuo ng


intelektwalisado at makaagham o syentipikong mga teksto (na may iba’t
ibang antas ng abstraksyon) at pagkatapos ay pagpapalaganap o
diseminasyon at pagpapagamit ng mga ito. Una sa lahat, ang prosesong
ito ay nangangailangan ng mga taong susulat ng mga teksto; ikalawa ay
mga taong tatanggap ng mga teksto at gagamit ng mga ito sa
pakikipagtalakayan sa mga paksang intelektwalisado o sa mataas na
antas ng karunungan. At ang mga tekstong nabanggit ay dapat ingatan at
palaganapin. Mabuti na lamang at naimbento ang printing press noong
ika-15 siglo, ang xerox machine noong ika-20 siglo, at kailan lamang, ang
micro computer upang maging madali ang proseso ng produksyon at
reproduksyon. Sa gayon, magiging madali na ang pagbuo ng corpus ng
makaagham at teknolohiyang literatura; sa ibang salita, ng mga rekord o
tala ng mga diskursong intelektwal sa pamamagitan ng tinatawag nating
library o aklatan. Kung ang prosesong ito ng intelektwalisasyon ay
naisagawa na at nakaabot na sa antas na maaari na tayong makakuha ng

3
kaalaman tungkol sa ating makabagong daigdig sa pamamagitan ng ating
sariling wika (nang hindi na kailangang mag-aral pa ng pangalawang
wika), masasabi nating ang ating wikang Filipino ay intelektwalisado na.
Anupa’t ang intelektwalisasyon ay resulta ng mahabang proseso na ang
isang facet o paraan ay pagbuo ng mga teksto na ang ibig sabihin ay
nasusulat na antas ng karunungan at pagkatapos ay ang pagpaparami o
reproduksyon at pagpapalaganap ng mga ito.

Ang karanasan ng ibang mga bansa na gumagamit ng kanilang


sariling wika para sa ganitong layunin ay nagpapatunay na ang proseso
ng intelektwalisasyon ay nangangailangan ng mahabang panahon
sapagkat hindi madaling bumuo ng isang tradisyon. Bukod dito, kailangan
din sa prosesong ito ang mga malikhaing tagapagtaguyod ng wika na
siyang magsisimula at magpapatuloy na gagamit ng wika para sa kanilang
mga “scholarly discourse,” sa tangkilik ng iba pang grupong tinatawag na
“significant others” ng sociologist na si Talcott Parsons. Ang huling
grupong ito ang siyang tatanggap ng sinulat ng mga intelektwalisadong
teksto, magkakasundong gamitin ang mga ito sa kanilang pagtatalastasan
at pagkatapos ay gagamitin naman sa pag-aaral ng susunod na mga
henerasyon ng mga mag-aaral. At upang masuportahan ang ganitong
napakalaki at napakahirap na gawain ay nangangailangan ng hindi biru-
birong halaga para sa publikasyon at desiminasyon.

2. PANINGING HISTORIKAL: Ang Intelektwalisasyon ng Filipino.


Nais ko namang gamitin ngayon ang mga konsepto at prinsipyong
tinalakay ko sa dakong una, at tingnan ang kaangkupan ng mga ito sa
paglilinang ng ating sariling wika sa ngayon at sa hinaharap.

Nang dumating ang mga Kastila noong 1565 upang totohanang


sakupin ang ating mga pulo, sa ulat ni Chirino at kanyang mga kasama, ang
lahat diumano ng mga tribo ay may ginagamit nang sariling uri ng pagsulat
(Francisco 1973). Nakilala natin iyon sa tawag na Alibata (sa English ay
syllabary). Walang patunay o ebidensya, kung sabagay, na ito’y ginamit nang
malawakan. Karamihan sa iilan-ilang mga tala na ginamitan ng Alibata ay
nakaukit, gaya ng nakasulat sa nahukay sa Calatagan, Batangas na malaking
banga o tapayang ginamit na sisidlan o kabaong ng inilibing na patay.
Hanggang ngayon, ang nasabing inskripsyon ay hindi pa nawawatasan o
nababasa. Ang isang natitirang nakaukit na kasulatan ay yaong mga ginawa
ng mga Hanunuo at mga tribong Mangyan sa Mindoro. Iniukit ang mga iyon
sa mga biyas ng kawayan upang itala sa kanilang ambahan o mga titik ng
pag-ibig.

Di mapasusubalian, kung sabagay, na kahit halos wala tayong


mabakas na tradisyon sa wika dahil sa halos lubusang pagkakawaksi ng
pasalitang panitikang Tagalog nang tayo’y masakop ng mga Kastila sapagkat
ang Alibata ay sapilitang pinapalitan ng mga titik-Romano bilang

4
kasangkapan o midyum sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, tiyak na
mayroon din tayong mahahabang salaysay, tulad ng mga epiko, gayundin ng
mga kundimang inaawit ng mga tribo na naninirahan sa kapatagan. Hindi
lamang naalagaan at naitago ang mga ito. Ang mga halimbawa naman ng
mga kasulatang di pasalaysay o ang tinatawag na ideational o referential na
gampanin ng wika ay ang mga buhay pa hanggang ngayon na kasabihan
(aphorism), gayundin ang mga bugtong (riddles) na bahagi ng pasalitang
panitikan noon ngunit ngayon ay nakasulat na.

Sa kasalukuyang kahulugan nito, ang intelektwalisasyon ng Tagalog ay


nagsimula sa larangan ng teolohya sa tradisyon ng Katoliko Romano. Isinalin
sa wikang Tagalog ng mga Kastilang prayle ang kanilang Eskolastikang
Teolohya mula sa Latin o Kastila (Gonzales 1985). Nang magkaroon ng
imprenta, ang mga ito ay nalimbag sa Doctrina Christiana noong 1593 at sa
mga sumunod novenario at devocionario, gayundin sa mga pinalawak na
bersyon ng Doctrina at sa mga Artes at Vocabularios na sinisimulan noong
panahon ni Francisco Blancas de San Jose at ng mga di kilalang Dominikano
na nauna sa kanya.

Kahit may itinatag nang mga paaralang sekundarya noong ika-17


siglo, may mga katibayang nagsasaad na sa mga colegio at seminario,
universidad, beaterio, na nang dakong huli’y sinundan ng kolehyo para sa
mga babae, ang ginamit na wikang panturo ay ang Kastila, at hindi ang
wikang lokal sapagkat ang mga unang paaralang ito ay para sa mga anak ng
mga Kastilang insulares (para sa mga kabataang Kastila na ipinanganak dito
sa Pilipinas). Noon lamang mga huling taon ng ika-19 na siglo binuksan sa
mga mestizo at mga indio ang mga paaralang ito. Magkagayumpaman, hindi
pa rin nangyari ang intelektwalisasyon ng Tagalog sa mga colegio, beaterio,
at universidad na ito.

Masasabing nagsimula ang intelektwalisasyon ng Tagalog noong ika-


19 na siglo sa larangan ng panitikan na nababanaag sa nobelang sulatan
nina Urbana at Felisa na sinundan ng maraming maikling kwento. Nagpatuloy
ang ganito nang walang patlang hanggang umabot sa kasukdulan sa
pamamagitan ng walang kamatayang pasalaysay na tulang sinulat ni
Francisco Balagtas, ang Florante at Laura (Medina 1974). Sa pamamagitan
ng masinop na paggamit ng mga tayutay, ng metapora at alegorya, gayundin
ng mararangal at matatayog na kaisipang sinambit ng mga tauhan, ang
tulang pasalaysay ni Balagtas ay tunay na katangi-tangi hindi lamang sa
panitikan kundi gayundin sa tinatawag na ‘didactic ideational” na gamit ng
wikang Tagalog na higit sa patulang gamit nito sa panahong yaon.

Ang sumunod sa larangang maituturing na napasok ng


intelektwalisasyon ng Tagalog ay ang larangan ng “political writing” o mga
kasulatang politikal, gaya ng mga sinulat nina Andres Bonifacio at Emilio
Jacinto na sa kasamaang-palad ay hindi pa lubusang napag-aralan upang

5
maunawaan ang panahong yaon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang tradisyong
ito ay naipagpatuloy sa pamamagitan ng paminsan-minsang paggamit ng
Tagalog sa mga pahayagan na kailan man ay hindi naging regular kundi
bagkus laging nagsisimula hanggang sa matapos ang “Malolos Period”
(Gonzels 1980, Kab. 1).

Gaya ng mismong buhay ni Rizal, ang kanyang mga pagsisikap sa


intelektwalisasyon ng Tagalog ay nananatiling pangako o balak lamang at di
nagkaroon ng katuparan. Pansinin ang kanyang balak na isalin sa Tagalog
ang mga dakilang kasulatang klasiko ng Europa na inumpisahan niya sa
Wilhelm Tell na sinulat ni Schiller (Guerrero 1979); sa kanyang
pagtatangkang sumulat ng balarilang Tagalog noong siya’y muling ipatapon
sa Hong Kong (Lopez 1962); at sa kanyang pagtatangkang sumulat ng
nobelang Tagalog noong siya’y ipatapon naman sa Dapitan. Sa larangan ng
kaisipang pampolitika, si Rizal at ang mga kasama niyang ilustrado ay
nakapag-ambag ng isang sanaysay na satiriko laban sa mga frailes at mga
guardia civil sa wikang Tagalog.

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nakita sa Pilipinas ang malawakang


paghahangad ng mga Pilipino na matuto ng wikang Ingles dahil sa
katotohanang sa pamamagitan lamang ng pangalawang wika sila
nakakakuha ng edukasyon. Maliban sa patulang tradisyon ng Tagalog, tulad
ng balagtasan na maituturing na unang anyo ng intelektwalisasyon na
naglulundo sa mga paksang may kinalaman sa pag-ibig at digmaan,
katandaan at kabataan, pagmamahal sa lupang tinubuan, gayundin ng mga
sarswela (na hindi lamang pumapaksa sa iba’t ibang anyo ng pag-ibig kundi
nagamit ding midyum para sa kilusang politikal tungo sa paglaya ng bayan),
sa kabuuan ay masasabing hindi yumabong ang malikhaing pagsusulat sa
Tagalog. Sa katotohanan ang lumutang noon ay ang pagtatalo ng dalawang
magkasalungat na panig nina Abadilla at Huseng Sisiw (Jose Corazon de
Jesus) tungkol sa kagamitan ng tula. Para sa layuning makabuluhan o para
sa sining lamang ang pagsulat ng tula (Almario 1984).

Masasabi natin nang buong katapatan, samakatwid, na ang


intelektwalisasyon ng Pilipino ay talagang nagsimula lamang noong 1937
nang simulan ang pagpili sa wikang pambansa at maipalimbag ang unang
balarila sa Tagalog. Ang tinutukoy ko ay ang balarilang sinulat ni Lope K.
Santos na nakapadron sa Latin at sa Kastila. Sa taon ding iyon nalathala ang
Tagalog Wordlist ng Surian. Sa unang mga panahon ng Surian, dahil sa
pangunguna nina Cecilio Lopez at Cirio Panganiban, ay naging masigla ang
seryosong pagsusulat tungkol sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Makikita
ito sa unang monograp sa Tagalog ng panahong iyon.

Anupa’t kung ang pagsulat ng diksyunaryo ay nakatutulong sa


istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wika, masasabi nating ang patuloy
na pagsisikap ng Linangan ng Wikang Pambansa na lumikha ng mga

6
diksyunaryo sa wikang Pilipino, tulad ng kalilimbag pa lamang ng
monolinggwal ng Diksyunaryo ng Wikang Filipino, ay malaki ang nagawa
tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

Masasabi natin, kung sabagay, na hanggang sa panahon ng aktibismo


ng mga estudyante na nasasakop ng mga taong 1969 hanggang 1972,
karamihan ng mga pagpupunyagi ng Linangan ng Wikang Pambansa sa
larangan ng intelektwalisasyon ay naganap lamang sa larangan ng panitikan
(literary field), sa larangan ng kasaysayan ng panitikan (literary history) at
talambuhay (biography). Mababanggit din ang patuloy na pagtatangkang
makabuo ng tinatawag na “canon of literature” sa Tagalog na pinatutunayan
ng mga nalimbag na antolohiya ng mga piling katha.

Masasabing nagkaroon ng seryoso sa loob ng mga taong


nababanggit, bagama’t hindi puspusang pagsisikap sa intelektwalisasyon ng
Filipino (nagsimulang gamitin ang “intelektwalisasyon” noon taong 1959) sa
pangunguna ng Pamantasan ng Pilipinas, Ateneo de Manila at ng
Pamantasan ng Politekniko ng Pilipinas sa ngalan ng nasyonalismo na
naglalayong mabigyang-lunas ang “hindi tamang edukasyon ng mga Filipino”
(miseducation of the Filipinos) sa wikang Ingles.

Subalit gaya ng alam natin, higit pa sa pagtitipon ng mga salita o


katawagan ang kailangan sa intelektwalisasyon ng isang wika. Ang mas
mahalaga ay ang paggamit ng mga terminolohyang ito sa aktwal na
sitwasyon, maging sa salin o orihinal na mga teksto at pagkatapos ay
pagtanggap at paggamit ng mga ito sa pagtatalastasan ng tinawag natin sa
unang “significant other” ay mahalaga. Ang pangkat na ito ang
magpapasimula ng tradisyon. Ang isang pinakamatagumpay na halimbawa
nito ay ang Departamento ng Sikolohya ng Unibersidad ng Pilipinas sa
pangunguna ni Virgilio Enriquez at ng kanyang batambatang mga sikolohista
na nagsisulat ng mga orihinal na artikulong maituturing na iskolarli at ulat sa
isinasagawang mga riserts. Sinulat ang nasabing artikulo sa wikang Filipino
at inilimbag sa isang serye ng mga monograp at antolohiya. Isinalaysay nina
Enriquez at Marcelino (1984) ang kanilang mga karanasan sa pamamagitan
ng isang publikasyon na pinamagatan nilang Neo-Colonial Politics and
Language Struggle in the Philippines: National Consciousness and Language
in Philippine Psychology (1971-1983). Ngunit ang pagsisikap na ito ay natigil
nang magretiro si Enriquez sa departamento.

Ang sunod na malaking pagsulong tungo sa intelektwalisasyon ng


ating wika ay naganap nang ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon noong
1974 ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na nagtatakda sa paggamit
ng Pilipino bilang wika ng pagtuturo mula sa Unang Baitang ng mababang
paaralan hanggang sa kolehiyo para sa mga araling panlipunan at agham
panlipunan. Ipinagamit ding wikang panturo ang Pilipino sa mga piling

7
kursong tulad ng Rizal, Pagbubuwis at Reporma sa Lupa, Kasaysayan at
Pamahalaan ng Pilipinas.

Dahil sa patakarang ito, nagkaroon ng pangangailangan sa mga aklat


na nasusulat sa Pilipino sa mga araling panlipunan at sa mga agham
panlipunan (Kasaysayan ng Pilipinas, Pamayanan ng Pilipinas, Pamahalaan
ng Pilipinas, at Ekonomya at Kasaysayn ng Daigdig sa antas sekundarya).
Gayumpaman, limitado ang naipalimbag na mga aklat sa antas sekundarya
dahil sa medyo nahirapan ang mga guro at manunulat na simulang gamitin
ang Pilipino sa nasabing antas. Sa mga kolehiyo at unibersidad ay gayundin
ang lumabas sa sarbey na isinagawa nina Gonzalez at Sibayan (1979). Ang
pagsulat ng mga aklat ay madalang at pasulpot-sulpot lamang dahil nga sa
ang mga awtor na nahirati o nasanay sa Ingles ay nahirapan sa paggamit ng
Pilipino sa antas na ito.

Kamakailan ay may ipinalimbag na ensayklopedya ang dating Surian


ng Wikang Pambansa at Instructional Materials Center. Ang Department of
Science and Technology ay nakabuo na ng isang junior encyclopedia subalit
hindi pa naipalilimbag kahit ang lenggwaheng ginamit dito ay napagtibay na
ng Surian.

Matapos marebisa ang patakaran sa edukasyong bilinggwal (DECS


Memo Blg. 52, s. 1987), inaasahan na magkakaroon ng panibagong sigla sa
intelektwalisasyon ng Filipino. Lalo’t iisipin na nasasaad sa binagong
patakaran na higit na mabisang maisasakatuparan ang proseso ng
intelektwalisasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga insentibo at
gantimpala sa gamit ng wika sa antas tersyarya.

3. MGA INSIGHT NA HANGO SA MGA KARANASANG PANGWIKA

May ilang insight o kaalamang mahahango mula sa karanasan natin


sa intelektwalisasyon ng Filipinong batay sa Tagalog.

Halimbawa, walang wikang maiintelektwalisa ng mga gumagamit nito


kung walang angkop na sitwasyon na makagaganyak upang ito’y kanilang
intelektwalisahin.

Ang isang wika ay maaaring manatiling gamit na wika sa aktwal na


lugar ng pagtatalastasan ng isang pangkat, halimbawa ay sa tahanan at sa
pamayanan o kahit sa buong bansa nang hindi kinakailangang maging
intelektwalisado. Ang intelektwalisasyon ay nagaganap lamang kung may
angkop na istimulus, at sa kasong ito, isang istimulus ng batay sa
pangangailangan. Nag-iiba-iba ang pangangailangan ayon sa sitwasyon at
maaaring maging tiyak sa ilang gamit ng wika o lawak ng karunungan.

8
Marahil ang pinakamahalaga at nag-iisang sangkap na maaaring
nakapagpapabilis o nakapagpapabagal sa paglinang ng isang wika bilang
wika ng tinatawag na “scholarly discourse” ay ang pagkakaroon sa lipunan ng
isang dominante at intelektwalisao nang wika. Ang wikang ito ay maaaring
makasagabal sa malayang pag-unlad ng isang katutubong wika sapagkat ang
wikang ito (na maaaring pangalawa o dayuhan na tulad ng Ingles) ay
ginagamit na ng bayan.

Habang ang pangalawa at dominanteng wikang ito ay ginagamit ng


bayan at habang nagdudulot ito ng sapat na motibasyon (lalo na sa
pamumuhay) upang tangkilikin o maging intelektwalisao ay limitadong-
limitado. Ang tanging motibasyon na makakatulong upang malinang ang
katutubong wikang ito ay ang malakas na alon ng nasyonalismo.

Ang pangalawa marahil sa pinakamalakas na insentibo o salik na


nakatutulong sa intelektwalisasyon ng wika ay ang paglulunggati ng bayan
mismo na lumikha ng pagbabago. Karaniwan, ito’y dahil sa nasyonalismo. At
kung minsan naman, ito’y nangyayari kung nadarama ng lipunan na ang
pangalawang dominanteng wika ay hindi na mabisang kasangkapan para sa
pagtatamo ng edukasyon ng higit na nakararaming mamamayan.

Ang nabanggit na “paradigm” ay nangyari at nangyayari sa Pilipinas.


Ipinakikita nito kung bakit ang Tagalog ay ngayon lamang naiintelektwalisa sa
dahilang ang tamang oras para rito o ang tinatawag na kairos ay dumating sa
Pilipinas kamakailan lamang. Sa ngayon, ang Ingles ay nananatiling
pangunahing wika ng bansa bilang kasangkapan ng mga Pilipino sa kanilang
adhikaing pansosyal at pangkabuhayan. Ngunit sa katagalan, malamang na
siyang maging dahilan sa pagpapanatili rito ng Ingles ay ang patuloy na
pangangailangan natin sa wikang ito bilang wikang pang-internasyonal at
bilang wika ng agham at teknolohya o bilang wika ng modernisasyon.

Gayumpaman, sa ngayon ay lalong nagiging malinaw sa atin na ang


Ingles ay hindi maaaring maging wika ng masang Pilipino kailan man, lalo na
kung isasaalang-alang natin ang waring hindi na mababagong kalakaran sa
ating sistema ng edukasyon.

Samakatwid, kung sadyang dapat na maging matagumpay ang


edukasyon para sa masa, at kung dapat mabawasan ang pag-aaksaya ng
panahon at salapi, gayundin ang dami ng “drop-outs” o ng mga tumitigil sa
pag-aaral, at kung dapat na mabigyan ang mga “out-of-school” na kabataan
ng mga kasanayang magagamit nila sa kanilang pamumuhay, ang paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo ay nararapat lamang o dapat na maging
sapilitan. Mas maaga ay mas mabuti na maunawaan ito ng mga edukador ng
ating bansa. Mas maaga ay mas mabuti kung magsasagawa sila ng hakbang
tungo sa pagsasakatuparan o implementasyon ng isang pangmasang
sistema ng edukasyon. Pangmasa sapagkat Filipino ang wikang ginagamit ng

9
wikang panturo. Habang nagtatagal, makikita nating ito ay higit na
makabubuti sa pagpapaunlad ng masang Pilipino at mangyari pa’y ng
bansang Pilipinas.

Hindi mapasubalian na ang modelo o kaisipang ito’y makapagdudulot


ng kinakailangang motibasyon o insentibo upang simulan ang isang
sistematiko at puspusang pagsisikap na gamitin ang Filipino bilang wikang
panturo na maaaring sa dakong huli ay panturo na rin sa mga domain o
larangang tulad ng agham at teknolohya.

At sa pagsisikap na ito, kinakailangang lumampas tayo sa basta


paglikha ng mga terminolohya o katawagan. Ang higit na mahalaga ay ang
pagpapagamit ng mga hiniram o nilikhang mga salita. At ang tanging paraan
upang ito;y maisakatuparan ay ang pagkakaroon ng malaking grupo ng mga
akademisyan na siyang magsisimulang gumamit ng Filipino hindi lamang
bilang wikang panturo kundi gayundin sa pagsusulat ng mga aklat
sanggunian. Maaaring sa simula ay isagawa ang pagsulat ng mga aklat sa
tulong ng pagsasalin.

Ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika sa


intelektwalisasyon ng alin mang wika ay dapat maunawaan ng mga
kasangkot sa pagsisikap na ito. Kaya nga’t, marahil, ang susunod na lawak
ng riserts o pananaliksik kung paglilinang sa Filipino ang pag-uusapan, ay
ang pagbibigay-diin sa proseso ng pagsasaling-wika bilang tulong o giya sa
intelektwalisasyon ng isang wika. Mababanggit na nagampanan ng Arabic
ang ganitong papel para sa wikang Griyego noong mga unang bahagi ng
Middle Ages, ng Griyego para sa Latin noong mga huling dako, at ng Latin
para sa mga modernong wika sa Europa, kasama na ang Ingles, sa sumunod
na mga dantaon. Sa kaso naman ng Ingles, nakatutulong sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng panghihiram ng
mga salita at sa paggamit ng mga sangguniang mapaghahanguan ng mga
intelektwalisadong paksa.

Sa wakas, at ito’y hindi na marahil dapat bigyan ng maraming


paliwanag, ang intelektwalisasyon ng isang wika ay siyang dapat bigyang-
tuon ng mga akademisyan pagkatapos nilang magdaan sa daigdig ng
panulaan at iba pang malikhaing aspekto ng wika. At sa kaso ng Pilipinas na
mayroon nang maayos na sistema ng edukasyon, ang nabanggit na mga
akademisyan ay matatagpuan sa ubod ng akademya o sa mga kolehiyo at
unibersidad. Kaya nga’t ang mga akademisyang ito ay dapat lamang bigyan
ng karampatang tangkilik at sapat na pondong kailangan nila upang
makapagsagawa ng mga risert na kailangan. Karamihan ng ating mga
proyektong pangwika ay hindi naipagpapatuloy dahil sa kakulangan ng
pondo.

10
Sa simula, ang nasyonalismo at ang reaksyon laban sa patuloy na
paninikil ng dayuhang dominanteng wika ay maaaring maging insentibo sa
intelektwalisasyon ng isang katutubong wika. Ang kampanya ay maaaring
ilunsad sa ngalan ng pagpapalaya sa mga mamamayan sa linggwistika at
mangyari pa’y sa kultural na imperyalismo ng nakalipas na panahon.
Gayumpaman, naging karanasan ng maraming bansa na ang negatibong
kampanya upang kamuhian ang isang dayuhang wika ay hindi napananatili o
nasusustine nang mahabang panahon. At ito’y karanasan ng Pilipinas. Kaya
nga’t dapat na tayong humanap ng iba pang motibasyon na may kaugnayan
marahil sa ekonomya. Para sa Pilipinas, tinatangkilik natin ang Filipino
sapagkat napapatunayan natin sa mga pag-aaral na ang wikang Ingles ay
hindi tugmang wika sa intelektwalisasyon ng nakararaming mga Pilipino.
Paulit-ulit nang napatunayan sa mga pag-aaral na mas mataas ang
natatamong karunungan ng mag-aaral na ginagamitan ng Filipino bilang
wikang panturo. Dapat tayong humanap ng alternatibong solusyon para sa
ikabubuti ng masa.

4. KONGKLUSYON: Adyenda sa Saliksik

May dokumento o rekord ang proseso ng intelektwalisasyon ng mga


prinsipal na wika ng daigdig na ginagamit ngayong mga wika ng tinatawag
nating “scholarly discourse,” lalo na sa agham at teknolohya.

Subalit karamihan sa mga talang ito ay produkto lamang ng mga


hinuha o “hindsight”, batay sa isinagawang pagsusuri sa mga dokumento ng
nakaraang panahon. Samakatwid ay nanghawakan lamang ang mga
mananaliksik sa mga pamaraang sinusunod sa “historical research.”

Samantala, sa kaso ng ating wika ay masasabing maaari nating


maitala ang nagaganap na proseso; sa ibang salita, ang dokumentasyon ay
maaaring maisagawa in fieri o kaalinsabay ng mga pangyayari. Hindi na
kailangang hintayin pa ang katapusan ng proseso. Sa ganitong paraan,
kakaunti lamang ang mawawalang mga detalye ng proseso.

Anupa’t hindi lamang ang produkto kundi na ang proseso ang


magiging dokumentasyon. Ito’y isang napakahalagang oportunidad sa
pagsisiyasat.

Maidaragdag pa na bagama’t masasabing may kasapatan ang


paglalarawan ng proseso ng intelektwalisasyon sa ibang bansa, ang
daynamiks ng prosesong ito sa kanyang dimensyong sikolohikal at
sosyolohikal gayundin ang motibasyong panlipunan (kapwa politkal at
ekonomikal at pati na kultural) ay masasabing sahol pa rin sapagkat hindi
lubos na nakaabot sa antas ng pagbibigay-kahulugan sa mga pangyayari. Sa
katotohanan ay ito ang maituturing na terra incognita para sa isang sangay
nga paglinang at pagpaplanong pangwika. Para sa isang iskolar na Pilipino

11
na pinag-aaralan ang pag-unlad ng Filipino sa panahong ito ay maaaring sa
mga unang taon ng susunod na siglo, narito ang pagkakataon upang
makapag-ambag siya ng napakahalagang bagay sa daigdig ng riserts sa
pagpaplanong pangwika.

Anupa’t ang maaaring maging bunga ng pagsisikap na ito ay isang


dinamikong modelo para sa paglinang ng wika, partikular sa
intelektwalisasyon nito. At sa paglinang ng modelong ito, dapat tingnang
mabuti ng isang maingat na mananaliksik ang personal na katangian ng
tinatawag na “creative minority” na siyang mangunguna sa proseso ng
intelektwalisasyon. Dapat din niyang tingnan ang dimensyong sikolohikal ng
gawaing ito sapagkat malamang na makakuha dito (e.g., sa mga rekord ng
obserbasyon, at iba pa) ng mahahalagang insights tungkol sa
intelektwalisasyon, lalo na sa pamamagitan ng pagsasaling-wika.

Sa simula, para sa karamihan ng mga nasanay sa pangalawang wika


na tulad ng Ingles at ngayon ay nakikisangkot sa intelektwalisasyon ng ibang
wika, ang pagsasaling-wika ay magsisilbing tulay para sa kanila bilang mga
bilinggwal at upang masubok na rin ang kanilang kakayahan bilang mga
bilinggwal. Samakatwid ay kinakailangang bumuo ng isang modelo o mga
modelo para sa “bilingual competency” na isinasagamit ang potensyal ng
dalawang wika upang matamo ang panlahat na layunin ng komunikasyon.
Ang nasabing mga modelo ng kakayahang pangwika ay kailangang
lumampas sa kakayahang leksikal o maging sa kakayahang sintaktik. Dapat
umabot ang mga ito sa tinatawag na “competence in discourse” at “text
creation.” Sa ibang salita, kailangang maabot ng mag-aaral ang sapat na
kakayahan sa paggamit ng wika mismo sa iba’t ibang pagkakataon,
sitwasyon, at pangangailangan. Ipinalalagay na ito’y tutukoy sa mga level o
antas ng balarila (“deep and surface”) sa dalawang wika na dapat na
isaalang-alang bilang mga elemento o sangkap sa pagbuo ng isang maunlad
na “bilingual model.”

Sa wakas, ang “social dynamics” o aspektong panlipunan ng


intelektwalisasyon ay kailangan maingat na pag-aralan upang humanap ng
mga posibleng hakbang tungo sa pagpapabilis ng prosesong ito. Kailangang
tingnan natin ang iba’t ibang dimensyon ng lidersyip (e.g., charisma), ang
pagbuo ng isang pangkat ng “significant others” sa pangunguna ng isang lider
na intelektwal. Ang nasabing lider ay maaari ring maging pioneer o
tagapaghawan ng landas sa isang bagong disiplina. Maaari pa rin na
manguna siya sa pagsisilang ng isang “school of thought” na binubuo ng mga
may talinong tagapagtaguyod, ng mga guru, ng mga tinatawag na detailleurs,
gayundin ng “Gotterdammerung of its father-figures” habang sila’y unti-unting
napapalitan ng bagong henerasyon ng mga lider na intelektwal. At sa
paglakad ng panahon, inaasahang ang school of thought ay magsasanga-
sanga sa iba’t ibang “school” o kaisipan. At habang nagaganap ito,
masusulat, malilimbag ang mga aklat o teksto, mga diskurso o sanaysay,

12
mga diksyunaryo ng iba’t ibang katawagan hanggang sa mabuo ang iba’t
ibang register sa iba’t ibang tiyak na disiplina sa Filipino.

At higit sa lahat, kinakailangan para sa maayos na pagtatala ng


prosesong ito ang interes at kasanayan ng mga “social psychologist” at ng
“social historian”, gayundin ng mga “philosopher/historian of thought”, kung
sadyang ibig nating maging matagumpay ang mga bagong historian”,
gayundin ng mga “philospher/historian of thought”, kung sadyang ibig nating
maging matagumpay ang mga pagbabagong ito tungo sa intelektwalisasyon
ng wikang Filipino.##

13

You might also like