Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MARC APELLADO

GOD IS THE MOUNTAIN MOVER | MINISTRYARK.COM

LESSON: 1) SMALL FAITH:


MOUNTAIN MOVING GOD

Sabihin: Nakakita na ba kayo ng buto ng mustasa? Alam nyo ba kung gaano kalaki
ang mga ito? Maliit sila! Hayaan nyong ipakita ko ito sainyo. (IPAGPASA PASA ANG
CELLPHONE) - Ang mga buto ng mustasa ay ilan sa mga pinakamaliit na buto.
Alam ni Jesus na ang mga buto ng mustasa ay maliit. Kaya bakit niya sinabi na
kailangan natin ng isang maliit na pananampalataya upang makagawa ng paglipat ng
bundok? Ang pananampalataya ay pagtitiwala natin na mangyayari at magagawa ito.
Ex: Katulad kila Shadrach, Meshach, and Abednego diba pinatapon sila sa mainit na
kugon pero nanampalataya sila na sila’y ililigtas ni Jesus. Katulad din kay Daniel na
pinatapon siya doon sa maraming lion, so ano nangyari skanya? Niligtas sya ni Jesus diba
bakit kaya? Bukod sa anak sya ng Diyos.(May pananampalataya) Halimbawa narin saating
buhay, minsan hindi tayo pinapayagan pumunta nang Shine ng ating mga magulang na kahit
gusto mong sumama pero wala kang magawa kasi hindi ka pinayagan so ano ang magandang
gagawin natin? Simple lang…. Magpray ka, manalangin ka kasi ito ay isa sa mga daan sa
pananampalataya o sa pagtitiwala kay Jesus kasi pag ginawa natin iyon pinapakita mo na
nagtitiwala ka skanya.
Alam nyo ba mga bata kahit maliit na pananampalataya natin, ang isang bundok ay
gagalaw dahil nagtitiwala tayo sa Diyos. Ang Diyos ay maaaring gumawa ng anumang nais
niya sa buhay natin. Pinipili niyang gawin ang tama at pinakamahusay na mga bagay sa
bawat oras saating lahat. Hindi lamang niya inilipat ang mga bundok ngunit nilikha niya ito!
Woooow Amazing… Kapag inilalagay natin ang ating pananalig sa Kanya at naniniwala tayo
at alam natin kung sino Siya at kung ano ang magagawa niya saating buhay makikita natin
nakakamangha ang mga bagay nangyayari sa ating buhay! Kaya tandaan, maaaring meron
tayong maliit na pananampalataya, ngunit mayroon tayong isang Malaking Diyos!(kayang
gawin lahat)

You might also like