Professional Documents
Culture Documents
DAILY LESSON LOG-mpnag
DAILY LESSON LOG-mpnag
DAILY LESSON LOG-mpnag
UNANG ARAW
(TUKLASIN)
Tunguhin:
1. Nasusuri ang nilalaman ng Tanka at Haiku na binasa.
2. Naitatala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Tanka at Haiku gamit ang graphic organizer.
3. Naipamamalas ang kasanayang pagbasa at pagsasalita.
Paksang Aralin:
Paksa: Tanka at Haiku ng Japan
Kagamitan: Visual Aids, Tsalk, Speaker.
Sanggunian: Panitikang Asyano pahina 90-92
Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pang araw-araw na Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban
d. Pagpuna ng silid-aralan.
Pagganyak:
Pipili ang guro ng tig-apat na kinatawan mula sa apat na pangkat upang magpaunahang buohin ang
mga gupit-gupit na larawan sa pisara.
C. Pagtatalakay:
Tulang Tanka at Haiku- Pagsusuri ng pagkakaiba ng tanka at Haiku. Babasahin muna ng guro nang
may maayos na pagbigkas matapos ay ipababasa naman ng malakas sa mga mag-aaral, ang Tanka
ay mula sa mga kalalakihan at ang Haiku naman ay sa mga kababaihan.
Tanka Haiku
Katapusan ng aking paglalakbay Tutubi
Ni: Oshikochi Mitsune Ni: Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni: M.O Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
Ni Prinsesa Nukada Ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O Jackson
Ulilang damo
Naghihintay ako, oo Sa tahimik na Ilog
Nananabik ako sa’yo. Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
D. Pangkatang Gawain
Mula sa binasang tula na Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais ipabatid
nito. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tanka at Haiku.
UNANG PANGKAT:
I. II.
IKALAWANG PANGKAT:
I. II.
Katapusan ng aking
paglalakbay Tanka Haiku
Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
Paksa Mensahe
IKATLONG PANGKAT
I. II.
Tutubi
Tanka Haiku
Paksa Mensahe Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
IKA-APAT NA PANGKAT
I. II.
Tanka Haiku
Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
Anyaya
Paksa Mensahe
Nilalaman 30%
Kaayusan ng 20%
Presentasyon
Kaayusan at 30%
kagandahan ng
pagpapaliwanag
Kaisahan ng mga 20%
miyembro sa
pangkat
Kabuuan 100%
F. Sintesis
Magpapakinig ng isang audio/recording clip ng bumibigkas ng Tanka at Haiku.
Gabay na tanong:
1. Ano ang sa tingin nyo ay paksa ng Tanka at Haiku na narinig?
2. Ano naman ang mensahe ng Tanka at Haiku na narinig?
Kasunduan:
1. Basahin ang pahina 93 hanggang 94.
2. Magsaliksik patungkol sa Tanka at Haiku. (Isulat ito sa iyong kwaderno).