Semi Detailed Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8 (PANITIKAN)

I. Mga kasanayan
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na ang mga mag-
aaral ay:
A. Nakapagbibigay kahulugan sa mga salita na may kauganayan sa paksang
tatalakayin.
B. Nakapagbabahagi ng mga karanasan patungkol sa mga nangyayari sa lipunan sa
pamamagitan ng pagbabahaginan.
C. Nakasusulat ng isang pahayag tungkol sa kasalukuyang estado o Sistema ng ating
pamahalaan.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Florante at Laura – “Gubat na Mapanglaw”.
Sanggunian: Magbalete, Corazon 1998. Florante at Laura. Mega Jesta Prints, Inc.
(Pahina 12-13)
Mga kagamitan: Bluetooth speaker, Palabunutan, Larawan, Kartolina.

III. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kapaligiran
4. Pagtatala ng liban
B. Panimulang Gawain
1. Pagganyak. (Pangkatang Gawain)
Engkantada ang magsisilbing konteksto ng guro. Ang guro ang magsisilbing
sanggre at ang mga mag-aaral ang mga nasasakupang engkantado at engkatada.
Ipapangkat ang mga engkantado/da sa dalawa. Mula rito ay pipili lamang ng tatlong
kinatawan bawat pangkat. Mula sa dalawang pangkat, magpapaunahang buohin ang
mabubuong larawan sa pisara. Ito ay tatagal lamang ng tatlong minuto.

2. Paghahawan ng Sagabal (Indibidwal na Gawain)


Magpapaikot ng kahon ang sanggre na naglalaman ng mga papel na may
malalalim na salitang nakapaloob at may kaugnayan sa tekstong tatalakayin. Ang bawat
salita ay ididikit sa nabuong larawan na nasa pisara. Panghuli, ay ibibigay ang
kahulugan at bubuo ng pangungusap gamit ang salitang nabunot sa kahon.

C. Paglalahad ng Aralin
Papipikitin ng sanggre ang ang mga engkantado/da. Habang nakapikit ay
patutugtogin ng sanggre ang instrumental song ng ENGKANTADIA. Iikot ito sa mga
engkantado/da. Habang umiikot ang Sanggre ay maglalagay sya ng mga dahong papel
sa ibabaw ng mesa ng mga Engkantado/da. Magpapatayo isa-isa ang Sanggre upang
basahin ang isa pang papel na naglalaman ng saknong ng teksto. Babasahin nila ito
nang may damdamin.

D. Pagtatalakay ng Aralin
Magsasagawa ng pagpupulong ang Sanggre. Bago magpalitan ng tanong ay
ibibigay muna ng Sanggre ang maikling background ng sumulat ng “Florante at Laura
“Gubat na mapanglaw.”
GABAY NA TANONG:
 Bakit kaya “Gubat na mapanglaw” ang pamagat ng napakinggang teksto?
 Ano ang ipinahihiwatig sa una at pangalawang saknong na binasa?
 Ano naman ang ipinahihiwatig ng pangatlo at pang-apat na saknong?
 Ano naman ang ipinahihiwatig ng pang-lima at pang-anim na saknong?
 Ano naman ang ipinihihiwatig ng pang-pito at pang-walong saknong?
 Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga huling saknong?

E. Pagpapalalim
Upang mas mapalalim ang mga hakbangin na gagawin ng mga engkantado/da.
Ang Sanggre ay magbibigay ng hudyat o palatandaan kung ano at paano ang kanilang
gagawin kapag sila ay makikidigma na.
GABAY NA TANONG:
1. Ano sa iyong palagay ang maituturing na Gubat na Mapanglaw sa ating
kasalukuyang panahon?
2. Ano-ano ang mga naganap sa teksto na maaaring maiugnay sa ating bansa noong
unang panahon?
3. Ano ang sinisimbolo ng pangyayari habang si Florante ay nakagapos sa isang
madilim at mapanglaw na gubat?
4. Ano ang aral na namumutawi sa inyo sa mga pangyayari sa teksto?

F. EBALWASYON
Magbibigay ng pagsasanay ang Sanggre. Mula sa ibinigay na dahong papel ng
Sanggre doon isusulat ang tugon ng mga Engkantado/da. Pagkatapos ay ididikot ito sa
larawang nasa pisara.
GABAY NA TANONG:
 Ano ang hinaing ni Florante tungkol sa mga matapat na tulad niya at sa mga
nakaluklok sa pwesto sa kasalukuyan? Patunayan.
 Ano ang nais mong mabago sa ating pamahalaan ngayon?

III. Takdang Aralin


Basahin at unawain ang “Bayang Nagdurusa” na matatagpuan sa aklat ng
Florante at Laura na isinulat ni: Magbalete, Corazon 1998 (Pahina 15-16)

Inihanda ni:
Mariell A. Antal

You might also like