Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 17

TORE NI BABEL CONTINUATION

LEGEND :

| | | ▶️ - Actions

⬜ - Dialogue

⚪️ - Tagapagsalaysay

[ ] - Music or Action

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

| | | ▶️Ang eksenang ito ay naka-freeze lahat ng karakter.

⚪️ Natatandaan niyo pa ba ang aming presentasyon noong nakaraang Buwan ng


Wika?Ang pinagmulan ng iba't ibang lengguwahe sa iba't ibang bahagi ng mundo?
Ang nakaraang presentasyon ay batay sa alamat na 'The Theory of Dialect' na
inilathala ng mga propesyonal na mga Dalubwika.

⚪️ At para sa araw na ito,inihahandog namin sainyo ang pagpapatuloy ng nasimulan


naming kwento.

[SOUND : MAGICAL ]

⚪️ Ang nakaraan sa tore ni Babel . . .

[ TIME WRAPPED ]

| | | ▶️ sinasadula pa rin nila ang nakaraang presentasyon bilang buod ng kwento.


⚪️ Dahil sa natural na kay Datu Babel ang pagiging mapagmataas,naka-isip siya ng
ideyang magpapabagsak sa pamumuno ng Diyos.Inutos niya sa lahat ng tao sa
Mesopotamia na magsagawa ng laksang beses na ritwal bilang pagpupugay sa
natatangi niyang kadakilaan.Nagpagawa siya ng pagkataas-taas na Tore upang
ipamukha sa Panginoon na mas makapangyarihan siya kaysa dito.Ang tore ay
sinunod sa kanyang pangalan,dahil sa pagkasiphayo at galit ng Diyos ay
pinarusahan ang lahat ng tao at nabuo ang iba't ibang lengguwahe sa iba't ibang
bahagi ng daigdig.

[ CHANGE SCENE ]

| | | ▶️ Naglalakbay si Datu Babel at ang kaniyang alipin.

⬜ WENIE - PagoOod na pagoOd na pagoOod na ako mahal na datu!Kanina pa tayo


naglalakbay sa napaka-ruming lugar na to!Sayang lamang ang mga pampaganda at
langis na ipinapahid ko sa mala-porselana kong katawan.Ikaw ba, mahal na datu
hindi ka ba napapagod?

...

⬜ WENIE - Datu Babel?!Datu Babel?! Hoy! Datu Babel! Nakikinig ka ba ha? Kanina
pa ako nagsasalita dito tapos tulala ka lang jan.Kung sabagay, kahit naman na
anong gawin ko balewala pa rin ako sayo.

[SONG : DI NA NGA ]

⬜ WENIE - narinig mo ba yung mga sinabi ko kanina?Galaw-galaw naman jan


Datu.Hoy!
| | | ▶️ titingin si Datu Babel ng masama.

⬜ WENIE - wow may Camel! Tingnan niyo po oh! Hehe. [ PEACE SIGN ]

| | | ▶️maglalakad si Datu Babel papuntang unahan, titingin sa kaliwa at kanan sa


likod at harap pati na rin sa kili-kili kung may putok.

⬜ RAMON - Plip plip plip...Plip plip plip plip?Plip?Plip plip!Plip Plip plip pliiiipppp!!!

⬜ WENIE -Huh?!Interpreter interpreter . . .

| | | ▶️ papasok ang Interpreter sa eksena.

⬜ WENIE - ano daw sabi niya?!

⬜ RAMON - plip, plip plip plip plip. Plippppp!Plip. Plip plip plip? Plip plip plip. Plip.
Pliiiipppp!!!

⬜ EMMANUEL - di ko din maintindihan.

⬜ WENIE - lumayas ka sa harapan ko, baka isampal ko to sayo!Layas!

Naiintindihan na kita Datu Babel gusto mong bumuo nang panibagong


pamumunuan mo upang makaganti sa Diyos?

⬜ RAMON - plip plip!


⬜ WENIE - Kung gayun tayo ay maghahanap ng lugar kung saan itatayo ang bago
mong kaharian.Napakagandang ideya para sa isang bobong pamumuno, Mahal na
Datu Babel.

| | | ▶️ titingin ulit ng masama.

⬜ ROSEMARIE - Ang sinasabi lang naman namin ay pano kung muling magpakita
ang Diyos at parusahan ulit tayo? Baka nakalimutan mo nang napaka-
makapangyarihan ng Diyos para ibahin ang ating pananalita.

⬜ RAMON - plip, plip plipppp...

⬜ WENIE - Kung iyan ang iyong pasya.Pagsasama-samahin natin ang lahat ng mga
tao at tatayo tayo ng panibagong kaharian.Buawahahahaha!!!

⬜ EMMANUEL - yan ang sabi ng alipin!

| | | ▶️ tatawa ang lahat at sabay-sabay na mabubulunan.

[ TIME WRAPPED ]

| | | ▶️ muli silang maglalakbay.Bababa sa entablado at maglalakad paikot.

[ CHANGE SCENE ]

⚪️ At muli silang naglakbay upang maghanap ng panibagong kahariang kikilalanin


ng lahat.Sa kanilang paglalakbay natagpuan nila ang isang pulo at nabighani sa
kakaibang ganda nito.Dahil sa kahanga-hangang tanawing makikita sa pulo ay
napagdesisyunan ni Datu Babel na doon mismo itatag ang kanyang kaharian.
⬜ KENNETH - mas mabuti pa Mahal na Datu ay dito na lang nating itatag ang
inyong kaharian.Napaka-ganda ng lupaing ito at mayaman din sa mga mineral.

⬜ JIMBOY - tama siya mahal na Datu.Mas mabuti nang dito natin itatag ng bagong
kaharian upang maging ang lupain na ito ay isusunod sa pangalan niyo.Diba
Binibining Pina?

⬜ WENIE - ginagamit niyo din pala ang inyong mga utak? Akala ko'y puro amoy ng
kalawang lang ang alam niyo?!

⬜ JIMBOY - kahit papano'y may kaalaman din kami, hindi gaya ng iba jan na kahit
ilang parinig pa ang isampal,wala pa ring ideya kung gaano ko siya kamahal.

[ SONG : PAKISABI NA LANG ]

| | | ▶️ biglang darating ang mga katutubo galing sa iba't ibang tribo at ibibihag sina
Datu Babel.

TRIBO MULA VISAYAS

⬜ BABY JEAN - Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?!

⬜ VICENTE - Mga kalaban natin siguro ito mula sa ibang tribo at naririto upang
sumalakay.

⬜ KENNETH - naiintindihan mo ba ang sinasabi nila?


⬜ ROSEMARIE - hindi nga eh,magkakaiba ang ating lengguwahe paano tayo
magkakaunawaan?Kung hindi sana tayo naging sakim sa kapangya . . .

⬜ WENIE - alam ko na kung ano ang gagawin sandali lang . . . Uoh uoh ahh ahh!
Pica!Pica!Twit twit twit twit! krooo krooOoo . . .

⬜ SHIRYN - Anong ginagawa mo? Sumama na lang kayo samin.

⬜ KEN - Dalhin sa tribo ang mga yan!

⬜ LAHAT - Ahu! Ahu!

| | | ▶️ Maglalakad ang lahat papunta sa kanilang tribo.

⚪️ 5 days later. . .

⬜ CARL - Pinuno! Kami po ay may ibabalita saiyo!

⬜ AXEL - Ano yun?!

⬜ KEN - May banyaga pong nakapasok sa ating lupain! At hindi po namin sila
maintindihan.

⬜ AXEL - Papasukin ang ating mga bisita!

⬜ WENIE - Ano ba?! Bitawan mo sabi ako eh!Pwede bang huwag mo akong
kaladkarin?!
⬜ AXEL - Saan kayo nanggaling kaibigan? Ano ang inyong sadya dito sa aming
lupain?

⬜ RAMON - Plip! Plippppp plip plip. . .

⬜ WENIE - Diba hindi niyo naiintindihan?!Diba hindi mo maintindihan?! Sinabi ko na


kasing bitawan mo na ako, nakakasakal na! Nakakasakit na! Hindi ko na kaya! Hindi
ko na alam ang gagawin ko.Ang gusto ko lang naman ay mahanap muna ang sarili
ko! Alam mo ikaw,talaga bang hindi mo pa din nauunawaan ang lahat?! Masakit na!
Masyado na akong nabibigatan, kaya pwede ba?Palayain mo na ako!Para makausad
ka at makapagpatuloy sa paglalakbay kailangang bitawan lahat ng mga
nagpapabigat.Kaya pakiusap matuto kang bumitaw kung nasasaktan ka na, hindi
yung tipong hindi mo na nga kaya pinagpipilitan mo pa!

[ SONG : DI NA NGA ]

⬜ VICENTE - Okay!

⬜ LAHAT - woOow!

⬜ KEN - Parang pamilyar sila Pinuno . . . Yang isang yan.Kahawig niya ang
mapagmataas na Datu Babel at yan naman kamukha niya ang alipin ng hambog na
Datung iyon!

⬜ SHAI - Oo nga pinuno! Sila nga! Sila nga yun! Kailangan nating patayin ang mga
banyagang yan bago pa maulit ang mga nangyari noon !

⬜ RAMON - Plip! Plip! Pliiiipppp.

⬜ WENIE - Ako ay si . . . PINA! At ito ang aming Datu si Datu Ba . . . Plip! Oo tama
siya si Datu Plip at hindi namin alam ang sinasabi niyo,kami ay nagmula pa sa
Mesopotamia,pagkatapos mangyari ng trahedya ay nagpalipat-lipat na kami ng
lugar at nakarating sa Bansang Espanya pagkatapos kami ay naghanap ng lupain
kung saan namin isasakatuparan ang aming pamumuno.

⬜ EMMANUEL - yan ang sabi ng alipin!

⬜ KENNETH - Kaya kung inyong mamarapatin ang masaganang lupain na ito'y nais
naming paunlarin.

⬜ AXEL - kung gayun kaibigan,kailangang ipatawag ang lahat ng iba't ibang tribo
para sa pagpupulong.Magbigay ng imbitasyon sa lahat ng tribo at sabihin ninyo ang
ninanais ng banyagang ito.

⬜ BABY JEAN - PicaAa picaAa ! ! !

⬜ SHAI - at kailan ka pa naging ibon?!

| | | ▶️ Ang imbitasyon ay nakarating sa lahat ng mga tribo.Naghanda ang lahat para


sa isang magarbong pagpupulong.Ang lahat ng mga pinuno ng iba't ibang tribo ay
pumunta para sa pagpupulong.

[ CHANGE SCENE ]

⚪️ 7 days later . . .

[ SOUND : ROYAL ENTRANCE ]

⬜ AXEL (visayas) - batid niyo na siguro ang ninanais ng banyagang datu na ito?
Nasabi niya sa akin ang mga plano niya para sa pagpapaunlad ng bayang ito.
⬜ EMMAN (mindanao) - ngunit hindi sila natin kilala?Nararapat bang pagkatiwalaan
natin ang taong ngayon lang natin nakilala?

⬜ NOELYN (luzon) - Oo naman! Siya nga pinagkatiwalaan mo kahit . . . kahit ilang


beses ka nang niloko.

[ SONG : SANA ]

⬜ ANGEL (luzon) - papayag lamang kami sainyong nais na pagbubuklod-buklod sa


lahat ng tribo kung mapag-aaralan ng dayuhang mamumuno ang ating
lengguwahe.Sapagkat batid naman nating dumatal ang Datung iyan sa lupaing ito
na isang salita lamang ang nasasambit.

| | | ▶️ Crowd's agreed.Magsisitangu-an ang mga tao at magbubulungan.

[ Ibabagsak ang mga libro]

⬜ RAMON - tapos ko nang basahin ang kasaysayan ng lahat ng tribo at nalaman ko


na rin ang inyong mga dialekto.

⬜ MARISS (mindanao) - Ang galing napag-aralan niya agad.

⬜ RAMON - Ngayon tatanungin ko kayong lahat na naririto, payag ba kayong ako


ang mamuno ng lupaing inalaagan ninyo?!

| | | ▶️ pupunta sa unahan at tatanungin ang mga manonood.


⬜ RAMON - Kayong lahat?! Pumapayag ba kayong ako ang maging pinuno ng lahat
ng tribong naririto?Dahil sa pamumuno ko,makasisigurado kayong gamot ay laging
bago.

⬜ EMMANUEL - UNILAB YAN!

⬜ JUSHUA - Itigil ang KASAL! Walang kasiyahang magaganap.Hind pwedeng ako


lang ang miserable habang kayong lahat ay nagsasaya.Ikaw!Hindi mo ba ako
nakikila?Kayo hindi niyo ba talaga ako kilala?!You do note me Cassie is da liar is
mah peyk. Hindi ka mukhang dragon.

[KADENANG GINTO THEME SONG]

| | | ▶️ Matitigilan ang lahat at titingin kay Daniela sa mga manonood tapos kay
Daniela ulit tapos sa manonood ulit tapos kay Daniela.

[SONG : DOWNY]

⬜ LAHAT - hindi to kasal, pagpupulong to tanga!

[SONG : PAASA T. A. N. G. A]

⬜ JUSHUA - ay hindi ba yun dito?Ah hindi niyo naman sinabi agad mali yung
napuntahan ko!Sige exit na ako.Hmp!Halika ka na Bonita!

⬜ RAMON - ituloy na natin ang naudlot na usapan.Gaya nga ng sinabi ko kanina


hayaan niyo akong pamunuan ang Perlas ng Sinilangan na inyong
kinamulatan.Gagawin kong isang Mapayapa.Masagana.at Masaya ang lupaing ito. At
dahil nga ako ang kauna-unahang banyagang namuno sa lupaing ito, ang bayang
ito ay tatawaging PLIIIIPPPP!
⬜ WENIE - Grabe ka naman mahal na Datu wala ba ang aking pangalan diyan?Sa
natatandaan ko'y isa ako sa tumulong sayo umpisa pa lamang.Sama mo naman ang
pangalan ko! Geh na!

⬜ RAMON - Ah sige sige. Ulit.Ang bayang ito ay tatawaging PLIPPPPPINAAA!!!

| | | ▶ Crowd's cheering and applauding . . .

⬜ LAHAT - Simulan na ang kasiyahan!

[ SONG : PAPAYA ]

⚪️ Sa wakas ay natupad na ang plano ni Datu Babel na pamunuan ang masaganang


lupain na tinawag nilang Plippina.Samantala,habang ang lahat ay nagsasaya linggid
sakanilang kaalaman na ang kinikilala nilang pinunong tinatawag nilang Datu Plip at
asawa nitong si Pina ay sila Datu Babel at ang kanyang alipin pala.

⬜ RAMON - BUAWAHAHAHAHA ! ! !TAGUMPAY NA NAMAN ANG AKING PLANO!Ang


bawat tribong naririto ay akin nang nagpagbuklod-buklod.Pagkakaisa!Pagsasama!Sa
iisang bansang aking pinag-isa!Ngayong wala nang hadlang sa aking plano, maaari
ko nang makontrol ang lahat ng taong naririto! At sisimulan ko iyon sa isang
nakakapanindig balahibo na plano. Mwehehehehe ! ! !

| | | ▶️ Mapuputol ang kasiyahan nang sumulpot si Datu Babel at ang kaniyang mga
alagad.

⬜ SHIRYN (visayas)- maraming-maraming salamat po Datu Plip at Binibining Pina


dahil sainyo'y nagkaisa ang lahat ng tribo.Pagmasdan niyo sila,magkakaiba man
ang kanilang kulturang kinamulatan, magkakaiba man ang kanilang tradisyong
pinaniniwalaan at magkakaiba man ang dialektong kanilang hinirang nagkakaisa
naman sila at nagkakaintindihan.
⬜ RAMON - Ang aking unang plano para sa bayang ito ay hindi ko na patatagalin
pa.Sasabihin ko na sainyo ang aking pasya.

⬜ ANGEL (luzon) - ano ang inyong sinasabi Datu Plip? O sabihin na nating
Kamahalan sapagkat isa ka nang ganap na Maharlika.

⬜ RAMON - nais ko sanang sabihin sainyong lahat na ako,Ang inyong Kamahalan


pinuno ng tatlong pulo sa bansang ito ay nakahanap na ng bagong . . .

⬜ ROSE - Sinasabi ko na nga ba!Dito lang pala kita makikita.Nakahanap ka na ng


bago?Ha!Magtataka pa ba ako?Alam ko namang sa umpisa pa lang opsyon mulang
ako at ni minsan hindi ako ang babaeng pipiliin mo . . .

[SONG : MAHAL KO O MAHAL AKO ]

| | | ▶️ Malilito ang lahat titingin kay Pina at sa babae tapos kay Pina ulit tapos sa
babae tapos kay Pina tapos doon sa babae.

⬜ WENIE - Sino ka ha?Sino?Sino ka? . . .

⬜ ROSE - Mukha ba akong sinuka?Jenny kamahalan ang aking pangalan. . .

⬜ WENIE - May pa Jenny Jenny ka pa jan! Bakit mo naman ako niloko?Alam mo


namang mahal kita diba? Sana pala yung mga pinangloload ko sayo pinangbili ko na
lang ng pagkain.Nabusog pa sana ako.

[ AALIS SI ROSE ]

⬜ RAMON - Ang mga babae tunay ngang sila ay pambihira.Tsk!Tsk!Gaya nga ng


sinabi ko kanina nais ko sanang bumuo ng isang bagong pamumuno.
| | | ▶️ Magsisimulang magbulung-bulungan ang mga tao.

⬜ RAMON - Ang lahat ng mga kultura, tradisyon at paniniwalang inyong


kinamulatan ay nais ko sanang baguhin!Pati na rin ang mga dialekto ay pinaplano
kong mabura at palitan ng isang lengguwahe lamang.Wikang Tagalog! Sapagkat
lahat tayo ay marunong magsalita at umintindi ng wikang ito!

⬜ SAARA(mindanao) - ngunit hindi maaaring mangyari ang iyong nais mahal na


pinuno. Napaka-imposible naman yata ng bagay na iyon?

⬜ JANNELLE (luzon) - anong kahibangan ito Datu Plip?Pumayag kaming pamunuan


mo ang lahat ng tribo sapagkat nangako kang pauunlarin at pagbubukludin mo ang
bansang aming kinamulatan.Ngunit hindi naman yata kami napagsabihan na nais
mong alisin ang aming kinagisnan.

⬜ RAMON - at bakit hindi? Ako na ang inyong bagong pinuno.Ako ang magpapasya
ng lahat.Ako ang masusunod sa lahat.

⬜ BABY JEAN (visayas) - paumanhin Datu ngunit hindi kami makakapapayag. Ibang
usapan na ang pagtanggal sa amin ng pagkakakilanlan. Marahil pinamumunuan
niyo kami ngunit hindi ibig sabihin nun ay mawawala na ang pinaghirapan ng aming
mga ninuno.

⬜ RAMON - ako ang pinuno! Ako ang magpapasya!ako ang dapat niyong
sinasamba!Ako ang susundin niyo! Ako lang at wala ng iba . . .

⬜ PANGINOON - Babel, Babel, Babel ilang beses na ba kitang papaalalahanan ng


iyong maling ginagawa?

⬜ DATU BABEL - Panginoon???


| | | ▶️ Magugulat ang lahat at mapapaatras ng tatlong beses.

⬜ LAHAT - PANGINOON?BABEL? DATU BABEL?SINASABI KO NA NGA BA EH!

⬜ PANGINOON - Isa na namang pagkakamali ang iyong ginawa Babel.Ilang beses ko


ba dapat ipaalala sayo na kahit kailan hindi mo mapapamunuan ang mga tao sa
maling pamamaraan? Binalaan na kita ngunit iyong pinag-sawalang
bahala.Pagmasdan mo ang tao lahat sila ay may kinagisnang kultura at
paniniwala.Pagmasdan mo ang mga tribong itong nagsama-sama para sa iyong
pangakong maunlad na bansa.

⬜ RAMON - anong ibig mong sabihin Panginoon?Hindi mo na ako magagawang


lokohin ngayon.Pinuno na ako ng malaking bansang ito! Mas makapangyarihan na
ako kesa sayo.

⬜ PANGINOON - Nagkakamali ka sa iyong iniisip Babel kung mas makapangyarihan


ka bakit tinatawag mo pa rin akong iyong Panginoon?Silang lahat hangad lang nila
ang kapayapaan.Nandito sila para magsama-sama bagamat magkakaiba ang
kanilang pananalita.Hindi man sila nagkakaintindihan dahil sa kanilang
magkakaibang wika, nagkakaintindihan naman sila dahil sa pare-pareho nilang
hangarin.Pagkakabuklod ng magkakaibang tradisyon.Kaya Babel mag-isip ka. . .
Nawa'y maintindihan mo na ang nais ipahiwatig nitong mga salita.Ipinapakilala ko
nga pala sayo Babel ang Diwata ng Wika.

[ Papasok sa eksena ang Diwata ]

⬜ VICENTE - Oh ba't parang natahimik na kayo?

⬜ LAHAT - may dumaang Anghel.

⬜ EMMANUEL - ANG SARAP NG FEELING KOOOOOOOO!!!


[ biglang may sisigaw kaya matatauhan ang lahat ]

⬜ LAHAT - Oh buti na lang binigay ka nang langit! Kumpleto na basta't ika'y kapiling
ko. Rebisco! Ang sarap ng feeling kooOoo!

[ BABALIK SA DATING PWESTO ]

⬜ CYRIL - Tama ang Diyos Babel,tama ang Diyos.Ang pananalita,ang wika ay ang
simbolo ng pagiging sino ng isang tao.Ang wika ay isang misteryo. Na sa likod ng
paggamit mo nito may mga lihim na nakakubli dito.

⬜ WENIE - at sino ka naman?Isa ka rin ba sa mga babaeng nabihag niya?

⬜ CYRIL - ako si Maria.Mariang Makiling ang tawag ng mga taga ____ sakin. Mariang
Sinukuan naman ng mga Kapampangan.Ako ang Maria Clara ng mga
tagalog.Lumapit kayo rito, halika kayo lumapit kayo sa akin.

| | | ▶️ Isa isa silang lalapit sa Diwata ng may nagtatakang mukha.

⬜ CYRIL - ano ang inyong nakikita?

⬜ ROSEMARIE - iba't ibang klase ng bato Maria.

⬜ KENNETH - iba't ibang klase ng bato na nakalagay sa magarang lalagyan.

⬜ CYRIL - tama kayo, ngayon suriin ninyong mabuti.Pagmasdan ang bawat kinang
ng mga bato kung paano sila naiiba sa ibang bato.
| | | ▶️ Ang lahat ay natahimik.

⬜ CYRIL - parang kayo.Parang kayo ang mga batong iyan.Kayo bilang tribo. Kayo
bilang indibidwal. Kayo bilang may sariling wika.Ang magarang lalagyan na ito ay
sinisimbolo ang ating bansa.Ang bansang Plippina.At kayo ang mga bating ito.Kahit
na pagsama-samahin ay hindi pa rin matatakpan ng ibang klase ng bato sapagkat
may sarili rin kayong pagkinang.Pagbubuklod.Pagsasama-
sama.Pagkakaiba.Pagkakaisa.Kahit saan o ano mang klase ng bato ang ihalo sainyo
naroon pa rin ang wikang nagpapakinang sa bawat isang tribo. At kailanman ang
kinang na ito ay hindi mawawala at patuloy pa ring kikinang hanggang sa susunod
pang panahon.

⬜ WENIE - ngayon naiintindihan ko na ang mensahe ng boladas na ito.Na kahit ilan


pang banyaga ang sumakop sa bansang ito,hindi pa rin matitinag ang lahat ng tribo
sapagkat dahil sa kanilang pagkakaiba kaya sila nagkakaisa.

⬜ RAMON - at mas mabuti nang maging mahirap na alipin sa dukhang


Panginoon.Na kahit saan ka man maparoon kung masama ang iyong intensyon hindi
ka pa rin magtatagumpay.

⬜ CYRIL - Ganiyan nga Babel, ganiyan nga. Natutuwa ako at ang Diyos na natuto ka
na sa iyong leksyon.Ako'y aalis na sapagkat kailangang ko pang turuan ang mga tao
sa kasalukuyang panahon kung paano magpahalaga sa wikang kanilang
kinagisnan.Hanggang sa muli mga Ginoo at Binibini. Hanggang sa muli.

⬜ LAHAT - paalam sainyo!Nawa'y nakuha niyo ang punto ng presentasyong


ito.Hanggang sa muli Pilipinas! Mabuhay ang wikang Filipino!Mabuhay lahat ng
Dialekto! Mabuhay! Ahu! Ahu!

⬜ EMMANUEL - Yan ang sabi ng mga tao!

[ MAGSASARA NA ANG KURTINA ]


⚪️ At dahil sa nangyari natutunan nila kung paano pangalagaan ang sarili nilang
dialekto. Lahat ng tribo ay nagkaisa para mapanatili ang kanilang kultura.Ang
pamumuno ni Datu Babel ay nagtagal hanggang sa lagutan siya ng hininga dahil sa
katandaan.Mula noon wala nang naglakas-loob na magkontrol sa mga tao ng
Plippina.Maraming bansa ang sumakop dito ngunit ang ating sariling wika ay
patuloy pa ring kinikilala. At hindi naglaon ang pangalang Plippina na hango sa
pangalang Datu Plip at Pina ay napalitan at nabago dahil sa pasalin-salin ng
panahon.At ang bansang Plippina ay kilala ngayon sa tawag na Pilipinas.

You might also like