Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOL DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6
S.Y. 2019-2020

Basahin at Piliin ang Titik ng Tamang sagot. Isulat sa Sagutang Papel.


1. Alin ang katotohanan tungkol sa Globo?
A. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng klima at panahon sa isang lugar.
B. Ito ay isang kagamitan na ginagamit sa pagtukoy ng direksyon ng isang lugar.
C. Ito ay patag na larawan na naglalahad ng mga impormasyon sa lokasyon ng bansa.
D. Ito ay isang modelo ng mundo na naglalahad ng mga impormasyon sa lokasyon ng mga bansa
sa mundo.
2. Ano ang ginagamit sa pagtukoy ng absolute location ng isang bansa?
A. Ang sukat mula sa Timog at Hilagang Polo.
B. Ang layo ng isang bansa sa Prime Meridian.
C. Ang mga lokasyon ng mga bansa at katubigan sa paligid nito.
D. Ang grid na nagpapakita ng mga sukat mula sa Ekwador at Prime Meridian.
3. Ano ang eksakto o tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa globo at mapa?
A. Malapit sa Guam, Micronisia, Saipon at West Philippine Sea.
B. Sa pagitan ng 40 – 210 ng 1160 Hilagang Latitud at 1270 Silangang Longtitud
C. Malapit sa Vietnam, Micronisia, Taiwan at Karagatang Pasipiko.
D. Sa pagitan ng 50 – 250 Hilagang Latitud 1200 at 1470 Silangang Longtitud
4. Alin sa mga sumusunod na mga pulo ang nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas dahil sa nabuong
kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya noong Enero 2, 1930?
A. Isla ng Sabah
B. Spratly Islands
C. Mangsee at Turtle Islands
D. Batanes Group of Islands
5. Aling kasunduan ang nagsasaad na ipagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang pamamahala sa
Pilipinas sa halagang dalawang milyong dolyar?
A. Kasunduan sa Paris
B. Atas ng Pangulo Blg. 1596
C. Kasunuduan ng Estados Unidos at Espanya.
D. Kasunduan ng Estados Unidos at Gram Britanya.
6. Bahagi ng Doktrinang Pangkapuluan ang _________.
A. Mga karagatang nakapaligid sa Pilipinas.
B. Mga kapuluan sa labas ng batayang guhit.
C. Lahat ng bahagi ng tubig sa labas ng batayang guhit.
D. Lahat ng bahagi ng tubig sa loob ng batayang guhit.
7. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas maliban sa isa, Alin ito?
A. Ito ay nagsisilbing rutang pangkalakalan.
B. Ito ay nagsisilbing kanlungan ng mga taga-ibang bansa.
C. Ito ay mainam na lugar na pagtayuan ng mga kampong panghimpapawid at pandagat.
D. Ito ay nagsisilbing daungan ng mga bansang nakikipag kalakalan na ang ruta ay dumaraan sa
Karagatang Pasipiko.
8. Ang mga sumusunod ay mga bansang nasa Kanluran ng Pilipinas. Maliban sa isa, Alin ito?
A. Cambodia
B. Laos
C. Taiwan
D. Thailand
9. Bakit kailangang matiyak ang lokasyon at sukat ng bawat bansa?
A. Para matiyak ang teritoryo ng bawat isa.
B. Para mapangalagaan ang likas na yaman nito.
C. Para maipatupad ang Doktrinang Pang-arkipelago.
D. Para magkasundo ang mga kasapi ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa.
10. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan sa mga Pilipino?
A. Lumago ang Negosyo.
B. Lumawak ang kanilang kaisipan.
C. Naging mahigpit ang mga espanyol.
D. Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.
11. Saan namulat ang mga Pilipino matapos maisabuhay ang pagkakaroon ng Liberal na Ideya?
A. Na maaaring yumaman ang mga Pilipino.
B. Na maaaring maging malaya ang mga Pilipino.
C. Na maaaring maging Ilustrado ang mga Pilipino.
D. Na maaaring makapaglakbay at makapag-aral ang mga Pilipino.
12. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari na nakatulong upang magising ang diwang makabayan o
nasyonalismo ng mga Pilipino; Maliban sa isa.
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Paninirahan ng mga Pilipino sa lungsod.
C. Pag-aaral ng mga Pilipino na naging Ilustrado.
D. Pag pasok ng mga liberal na ideya mula sa ibang bansa.
13. Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng ma
Pilipino?
A. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal ng bansa.
B. Naging sunud-sunuran ang mga Pilipino sa kagustuhan ng mga dayuhang mananakop.
C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang mga
Espanyol.
D. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas upang matulungang mapalayo ang mga
mananakop sa bansa.
14. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan sa mga Pilipino.
A. Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa.
B. Pumasok sa Pilipinas ang iba’t-ibang paniniwala at liberal na ideya mula sa Europa.
C. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa kalakalan.
D. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano upang kalabanin ang mga
Espanyol.
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang na kautusan sa ilalim ng Dekretong Edukasyon ng 1863?
A. Pagbubukas ng paaralang normal.
B. Pagbubukas ng paaralang pang primarya.
C. Pag-aaral ng mga babae sa unibersidad.
D. Pag-sasanay sa mga lalaki na maging alagad ng Diyos.
16. Alin sa mga ito ang HINDI bunga o epekto ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga Pilipino sa tulong ng
Dekretong Edukasyon ng 1863.
A. Naging sunod-sunuran ang mga Pilipinong nakapag-aral sa mga Espanyol.
B. Nagising ang damdaming makabayn o nasyonalismo.
C. Nagkaroon ng liberal na kamalayan na ipagtanggol ang kalayaan.
D. Higit na tumaas ang antas ng pagbasa, pagbilang at pagsulat ng mga Pilipino.
17. Sino sa mga sumusunod ang namuno at tumayong lider ng Kilusang Sekularisasyon.
A. Padre Jose Burgos
B. Padre Mariano Gomez
C. Padre Pedro Pelaez
D. Padre Jacinto Zamora
18. Ano ang layunin o pinaglalaban ng Kilusang Sekularisasyon?
A. Pamumunuan ng mga paring regular ng mga parokya.
B. Maging kanang kamay ng mga paring regular ang mga paring Sekular.
C. Di maging sunod-sunuran ang mga paring sekular sa mga paring regular.
D. Magkaroon ng pantay na karapatan ang mga paring sekular at mga paring regular.
19. Bakit binitay sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.
A. Napagbintangan sila na pinamunuan ang pag-aalsa sa Cavite.
B. Hinikayat nila ang mga paring Sekular na mag-alsa laban sa pamahalaan.
C. Nahuli silang nagpupulong at nagpaplano pabagsakin ang pamahalaan.
D. Napagbintangan silang nakipagsabwatan upang lusubin ang imbakan ng armas at pagkain ng
mga Espanyol sa Cavite.
20. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang higit na nagpasidhi sa damdaming nasyonalismo ng mga
Pilipino.
A. Ang pagbubukas ng Suez Canal.
B. Ang pagbitay o paggarote sa mga GOMBURZA.
C. Ang pagkatatag ng Kilusang Sekularisasyon.
D. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan.
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng Kilusang Propaganda?
A. Ipalaganap ang Kristiyanismo sa buong Pilipinas
B. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
C. Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya.
D. Maging patas ang mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas.
22. Sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar at iba pang nagtatag sa “Kilusang
Propaganda” ay nakapag-aral at nabibilang sa mga __________.
A. Katipunero
B. Illustrado
C. Prayle
D. Sekular
23. Alin ang HINDI layunin ng samahang La Liga Filipina.
A. Sekularisasyon ng mga Parokya.
B. Magsagawa ng reporma sa bansa.
C. Pagpapasulong ng edukasyon, agrikultura at kalakalan.
D. Kaligtasan mula sa karahasan at kawalan ng katarungan.
24. Anong kilusang itinatag ni Jose Rizal na naglayong magpatupad ng mga reporma?
A. Katipunan
B. Propaganda
C. La Liga Filipina
D. Wala sa mga nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan?
A. Sumapi ang mga nakapag-aral na Pilipino sa Kilusang Propaganda.
B. Sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso ng mga Espanyol.
C. Nanatiling maalab ang pagnanasa ng mga repormista na makamit ang hinahangad na
pagbabago.
D. Nanahimik ang mga Pilipinong nasa Espanya upang hindi sila madamay sa paniniil ng
pamahalaang Espanyol.
26. Ano ang nagbunsod sa KATIPUNAN upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik sa mga Espanyol.
A. Sapagkat may sapat na kakayahan at armas na ang mga Pilipino noon.
B. Sapagkat likas na magaling sa pakikipaglaban ang mga pinunong nagtatag nito.
C. Sapagkat handa na silang makipagsabayan sa mga Espanyol ng mga pinunong nagtatag nito.
D. Sapagkat hindi naging matagumpay ang Kilusang Propaganda at La Liga Filipina na gumamit
ng mapayapang paraan.
27. Ano ang inilatag na pangunahing layunin ng Katipunan?
A. Pagtatakwil sa bulag na paniniwala.
B. Makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
C. Pagtanggol sa mga mahihina at maralita.
D. Pagtuturo ng kagandahang-asal at kalinisan ng pag-iisip at paggawa.
28. Ang ___________ ay lihim na samahang naghangad ng kalayaan sa pamamagitan ng isang
rebolusyon o paghihimagsik.
A. La Liga Filipina
B. Kilusang Propaganda
C. Asociacion Hispano Filipino
D. Kataas-taasan, kagalang-galangan Katipunan ng mga anak ng Bayan o KKK.
29. Anong pangyayari sa kasaysayan ang “pagpunit ng sedula at pagsigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas ” ng
mga katipunero?
A. Sigaw sa Pugadlawin
B. Kasunduan sa Biak-na Bato
C. Kumbensyon sa Tejeros
D. Kilusang Katipunero
30. Paano nabunyag ang KKK o lihim na samahang na maging sanhi ng napaagang himagsikan.
A. Sinabi na Apolinario de la Cruz sa Prayle
B. Sa pangungumpisal na Teodero Patiño kay Padre Mariano Gil.
C. Dahil sa hindi pagkakaunawan ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
D. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga ibang myembro ng katipunan.
31. Anong katangian ang ipinakita ni Teodeoro Pateño nang ibunyag niya ang lihim ng katipunan sa isang
pari?
A. Mabuting kasamahan
B. Mapagkumbaba at malawak ang pag-iisip.
C. Matapat at masunuring kasapi ng samahan.
D. Mapaghiganti at hindi marunong magtago ng lihim.
32. Bakit tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Andres Bonifacio bilang kalihim ng Interyor?
A. Dahil siya ay pinuno ng katipunan.
B. Dahil siya ay walang sapat na kasanayan.
C. Dahil siya ang may mataas na pinag-aralan.
D. Dahil siya ay kulang sa pinag-aralan at hindi nkapagtapos.
33. Anong katangian ang ipinakita ni Daniel Tirona nang kanyang tutulan ang pagkapanalo ni Adres
Bonifacio bilang Direkto ng Interyor?
A. Nais niyang maproteksiyunan ang mga miyembro ng samahan.
B. Hindi siya marunong gumalang sa napagkasunduan ng samahan.
C. Mas pinairal niya ang kanyang isip kaysa sa kanyang damdamin.
D. Hindi marunong kumikilala at rumespeto sa katayuan ng ibang tao.
34. Ang mga sumusunod ay mga malungkot na pangyayari sa Buhay ni Andres Bonifacio, MALIBAN sa isa
alin ito?
A. Naging supremo ng KATIPUNAN.
B. Inakusahan ng salang rebelyon.
C. Hinatulang nagkasala ng sedisyon o pagtataksil sa bayan.
D. Binaril siya at ang kapatid nito sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite.
35. Ano ang naging bunga ng pagpatay kay Andres Bonifacio?
A. Nagwakas ang Kilusang Katipunan.
B. Higit nagkaisa ang mga rebolusyonaryo.
C. Nagalit ang maraming rebolusyonaryo kay Aguinaldo.
D. Humina ang kilusan at nagwatak-watak ang mga miyembro nito.
36. Bakit hindi nagtagumpay ang kaunduan sa Biak-na-Bato.
A. Dahil hindi nasunod ng dalawang panig ang mga probisyon dito.
B. Dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa’t isa.
C. Sapagkat una palang ay tutol na ang mga Espanyol sa hinihingi ng mga Pilipino.
D. Dahil hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang mga probisyon ng kasunduan.
37. Ano ang nagsisilbing gabay sa aral ng KKK na isinulat ni Bonifacio.
A. Dekalogo ng Katipunan
B. Diaryong Tagalog
C. La Solidaridad
D. Kartilya ng Katipunan
38. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ni Gregoria de Jesus para sa Katipunan.
A. Siya ang nagtatago at taga pag-iingat ng mga papeles o dokumento ng Katipunan.
B. Siya ay tumutulong sa pag-aaruga sa mga sugatang Katipunero.
C. Kinupkop at pinakain ang maraming katipunero sa kanilang tahanan.
D. Siya ang nagtatanging babaeng lumaban sa himagsikan.
39. Bakit ipinatapon ng mga Espanyol sa Marianas Islands si Melchora Aquino.
A. Dahil naging isa siyang mamamahayag ng samahan.
B. Dahil iningatan niya ang mga papeles ng Katipunan.
C. Dahil isa siya sa mga tagatahi ng bandila ng himagsikan.
D. Dahil kinupkop at pinakain niya ang maraming katipunero sa kanilang tahanan.
40. Kailan pinasinayan ang pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa
Malolos, Bulacan?
A. Enero 23, 1899
B. Marrso 23, 1901
C. Mayo 19, 1898
D. Hulyo 23, 1899
41. Anong makasaysayang pangyayari ang naganap sa Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit,
Cavite?
A. Ang Pagtatatag ng Republika ng Pilipinas.
B. Ang pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas.
C. Ang pagtatapos ng Pamahalaang Diktatoryal.
D. Ang pagsisimula ng Pamahalaang Rebolusyonaryo
42. Ano ang naging hudyat ng Digmaang Espanyol – Amerikano?
A. Ang paglubog ng barkong Maine ng mga Amerikano sa Cuba.
B. Noong barilin ng sundalong Amerikano ang mga sundalong Pilipino.
C. Ang paglusob ni Aguinaldo sa Kampo ng Espanyol sa Intramuros.
D. Nang salakayin ni Komador Dewey plota ng mga Espanyol na pinamunuan ni Almirante
Montejo.
43. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsiklab ng digmaang Pilipino at
Amerikano.
A. Nang barilin si William Walter Grayson.
B. Nang hindi sumang-ayon ang mga Pilipino sa mga Amerikano.
C. Nang paputukan ng Amerikanong sundalo ang dalawang sundalong Pilipino.
D. Nang hindi magkasundo sina Aguinaldo at Komoder George Dewey.
44. Paano nakilala ang kabayanihan, katapangan at pagiging matapat ni Gregoria del Pilar.
A. Dahil sa Mock Battle of Manila.
B. Dahil sa labanan sa Balngiga.
C. Dahil sa labanan sa Pasong Tirad.
D. Dahil sa labanan sa Look ng Maynila
45. Alin sa mga sumusunod ang labanang pinangunahan ni Heneral Vicente Lukban na nakilala bilang isa
sa pinaka matagumpay na labanan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano?
A. Mock Battle of Manila
B. Labanan sa Balangiga
C. Labanan sa Pasong Tirad
D. Labanan sa Look ng Maynila
46. Ang mga sumusunod ay nakatakda sa Kasunduang Bates maliban sa isa.
A. Pakikialaman ng Amerikano ang relihiyon ng mga Muslim.
B. Hindi makikialam ang mga Amerikano sa relihiyon ng mga Muslim.
C. Igagalang ng mga Amerikano ang pangongolekta ng buwis ng sultan ng Joelo.
D. Kikilanin ng Sultan ang kapangyarihan ng mga Amerikano sa buong kapuluan.
47. Anong patakaran ang ginamit ng mga Amerikano upang pangatwiran ang pagpapalawak ng kanilang
kapangyarihan?
A. Urbanization
B. Kolonisasyon
C. Pilipinisasyon
D. Benevolent Assimilation o Makataong Assimilasyon.
48. Kilala bilang utak ng Himagsikan at “Dakilang Lumpo” na ipinatapon sa Guam dahil ayaw manumpa at
kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano.
A. Artemis Ricarte
B. Apolinario Mabini
C. Emilio Jacinto
D. Macario Sakay
49. Siya ang “Utak ng Katipunan” na nagsilbing tagapayo ng samahan. Siya rin ang sumulat ng “Kartilya ng
Katipunan” Sino siya?
A. Andres Bonifacio
B. Emilio Aguinaldo
C. Emilio Jacinto
D. Daniel Terona
50. Sino ang huling Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano? Siya ang nagpatuloy ng laban sa
mga Amerikano sa Batangas.
A. Hen. Antonio Luna
B. Hen. Macario Sakay
C. Hen. Vicente Lukban
D. Hen. Miguel Malvan

You might also like