Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Inihanda ni: G. Mervin A.

Espinola
Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo
dahilan upang maraming mga Pilipino ang nakapag-aral.

Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at


binigyang-diin ang kulturang Amerikano sa mga leksyon.

Maraming paaralang normal ang naipatayo na siyang


nagsanay sa mga nais maging guro sa buong bansa.

Naitatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko


o Department of Public Instruction noong 1901.

Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan


at binigyang-diin ang demokratikong pamumuhay at
hindi ang relihiyon.

Maraming mga unibesrsidad, pampubliko at pribado ang


naitatag sa bansa.
Ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong S.S. Thomas.

600 ang mga Thomasites na dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino.


Nabigyang kalayaan sa pagsamba ang mga
Pilipino.

Naitatag ang iba’t ibang relihiyon.

Ipinakilala ng mga Amerikano ang


relihiyong Protestantismo.
Itinatag ni Padre Gregorio Aglipay na
siya ring nahirang bilang Kataas-
taasang Obispo ng relihiying ito.

Nagpakilala sa pagiging makabayan ng


mga paring Pilipino.

May pagkakahawig sa Simbahang


Katoliko ngunit hindi kinikilala ng Papa
sa Roma.

Lumawak at nagkaroon ng maraming


kasapi noong panahon ng mga
Padre Gregorio Aglipay
Amerikano.
Maraming naggagandahang mga gusali ang naipatayo sa pamamalagi
ng mga Amerikano sa ating bansa.

Disenyong Neoclassical ang ginamit ng mga Amerikano sa mga


gusaling kanilang itinayo sa bansa.

Bakal at semento ang ginamit na pundasyon sa mga


gusali kaya kilalang matibay at matatag ang gusaling
pinatayo sa panahon ng Amerikano.

Nauso ang mga attic na nagsilbing taguan ng mga


kagamitan noong panahong iyon.
Namihasa ang mga Pilipino sa mga babasahin tungkol sa kasaysayan ng
Amerika maging sa kanilang panitikan.

Maraming akda tulad ng tula at mga nobela ang naisulat ng mga


kababayang Pilipino natin sa wikang Ingles na hanggang ngayon ay
nababasa pa din.

Nabigyang sigla ang panitikang Tagalog.

Karaniwang pagtuligsa sa maling pamamahala ng mga Amerikano ang


mga tema na naisulat ng mga Pilipino.

Ang mga sining ng mga pintor at eskultor ay itinuturing na napakahalaga


sa kasalukuyan.
Lope K. Santos

Carlos P. Romulo
Jose Garcia Villa
Fernando Amorsolo
Nagpagawa ng mga daan at tulay ang mga
Amerikano para paunlarin ang kabuhayan sa
bansa.

Ipinakilala ang mga makabagong sasakyan


tulad ng bus, awtomobil, trak at ang
pagsisimula ng pangkomersyong eroplano.

Naging maunlad ang komunikasyon noong


panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Nagtatag ang mga Amerikano ng mga


tanggapang pangkoreo sa bawat
munisipalidad.

Ipinakilala ang mga makabagong


kagamitan sa komunikasyon tulad ng
telepono, radyo at telegrama.
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na
pangungusap.

1. Sila ang grupo ng mga sundalong Amerikano na nagsilbing


mga guro sa mga Pilipino.

2. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Indepediente.

3. Itinatag noong 1901 na naghudyat sa pagbubukas ng


maraming paaralan sa bansa.

4. Tawag sa disenyong arkitektura na makikita sa mga gusaling


naipatayo sa panahon ng mga Amerikano.

5. Ginamit ng mga Amerikano bilang pundasyon ng mga


gusaling kanilang ipatayo sa bansa.
6. Naging pangunahing wika na ginamit sa pagtuturo sa mga
paaralan noong panahon ng Amerikano.

7. Itinatag ng mga Amerikano sa bawat munisipalidad


sabansa upang mapaunlad ang sistema ng komunikasyon.

8. Kinikilalang isa sa pinakamahusay na Pilipinong


manunulat sa wikang Ingles.

9. Kauna-unahang nobelang Tagalog na sinulat ni Lope K.


Santos.

10. Asignaturang pokus sa pagtuturo sa mga pampublikong


paaralan.
Takdang-Aralin blg. 5

Isulat sa inyong kwaderno.

1. Ilahad ang mga naging simulain sa Pilipinisasyon ng


pamahalaan.
2. Ibigay ang mga Misyong Pangkalayaan na itinatag:
a. Unang Misyong Pangkalayaan
b. Misyong Wood-Forbes
c. Misyong OSROX at Quezon

Sanggunian:
Kayamanan I: Kasaysayan ng Pilipinas
Ni: Eleanor D. Antonio et al,.
Pahina: 216-220

You might also like