Professional Documents
Culture Documents
Love Is Blind o Tanga Lang
Love Is Blind o Tanga Lang
Alin nga ba sa dalawa, saan ako nabibilang? Love is blind o tanga lang talaga?
Love is blind sabi nga sa wikang Ingles ang pagkakaintidi ko ay bulag ang pag ibig.
Bulag kasi nasa harapan ko na sige pa rin kahit sakit na sakit na.
Tanga na kung tanga sige lang hangga’t kaya pa, kahit ang totoo ay nasasaktan na.
Ang sabi nila pag nagmamahal daw di alintana kapintasan ng mahal mo.
Kaya naman yung iba kahit putok labi na, isang kalabit lang ay okay na.
Black-eye at kulay ubeng pasa sa katawan sanhi ng selos na pag-ibig daw ang dahilan.
Gaya na lang ni Mare na mistulang punching bag ni Pare, lalo na pag lasing kahit pa
bagong gising.
Kapit tuko parin si mare kay pare, karinyong brutal ang tema ng kanilang pagsasama.
Teka nga nasaan na ba ako? Basta Pag-ibig ang pag-uusapan napakaraming laman
Ang kaso ko ay di naman gaya kay mare, ikaw naman ay di katulad ni pare.
Ang pag-ibig ko naman ay talagang totoo, tamaan man ng kidlat ito’y paninindigan ko.
Dama ko rin naman na ako’y mahal mo, talagang kakaiba lang ang iyong pagkatao.
Di ka naman alien o isang santo, sadyang iba lang ang nakagisnan mo.
Simpleng bagay man, nagiging komplikado. Sa lahat ng sagot may pangontra ka dito.
Eto parin ang puso ko, laging pinipilit pag-unawa sa iyo ang siyang tanging sandata.
Mga punto mong taliwas sa aking nagakisnan tuloy pa rin ako sa pakikipaglaban.
Tuliro na nga kung minsan ang puso kong ito di mapalagay kung saan patungo.
Ang hirap mong abutin kaya naman ako ay parang laging nakabitin.
pakiwari.
kinabibilangan.
Parang ako ang silangan na bumabati sa sikat ng araw, ikaw naman ang kanlurang
Pananaw mo sa buhay maging ang iyong kuru-kuro, parang ritmo ng tulang ito di ko
sigurado.
Di ko sinasabing mali ka at tama ako, talagang magkaiba lang ang ating mundo.
Gayun pa man ay hindi nagsasawang ikaw ay mahalin, pangalan mo parin ang siyang
sasambitin.
Kung pag-ibig man o hindi ay wala akong pakialam pagkat dito sa puso ko nakaukit ang
iyong larawan.
Anumang hagupit ng buhay at hirap na daranasin, ang damdamin kong ito’y tila di
mababago.
Tanggap ko ang lahat at buo mong pagkatao, pasensya na kung minsan pang-unawa
ko ay palyado.
Di ko rin kasi maiwasang uminit ang ulo lalo na kung pakiramdam kong ako ay dehado.
Ako’y tao lamang at di perpekto, gaya mo at ng iba ganun lang din ako .
Ngayon sabihin mo ang iyong palagay, kung may ideya ka halika’t ibahagi mo.
Love is blind ba o talangang tanga lang, alin sa dalawa ang papanigan mo?
Kasi ako hanggang ngayon isip ko’y gulong-gulo, di ko na nga iniisip para walang sakit
ng ulo.
Bali-baliko man ang landas ng ating pagsasama, ang mahalaga’y tapat tayo sa isa’t-isa.
Anumang lubak tiyak na makakaya, wagas na pag-iibigan ang kalasag nating dalawa.
Bulag man o tanga, ito’y di mahalaga basta sa pag-ibig masaya tayong dalawa.
Mahal mo ako at mahal din kita ito ay sapat na, hiling ko lamang ay magpakatatag pa.
Marami pang darating, marami pang aabutin, nawa ay mangibabaw ang pagmamahalan
natin.