Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

GAWAIN #10 (REPLEKTIBONG SANAYSAY)

FILIPINO PILING LARANG - AKADEMIK

“Guro”

ni Mark Otiong

Salamat aming guro

Na sa akin ay nagturo

Kahit sa murang edad

Hinasa ang aking abilidad

Ikaw ay nagsakripisyo at nagpakasakit

Ngunit hindi ka kailanman nanghingi ng kapalit

Dahil ang gusto mo lang ay ang makabuti

Simula palang noong kami ay mga batang munti

Kaya di kita malilimutan

At mga alaala mo'y aking iingatan

Upang ang mga itinuro mo'y aking magamit

At pangarap ko ay makamit.

Ang ating mga guro ay ating mga pangalawang magulang, katulad ng ating mga ina at

ama, sila ay nagsusumikap na gumising ng maaga, gumawa ng mga lesson plan, powerpoint, at

mag-check ng napakaraming gawain ng mga mag-aaral—ilan pa lamang ito sa mga araw-araw


na ginagawa ng isang guro. Hindi lamang iyon ang mga isinasakripisyo nila, kung hindi pati na

rin ang kanilang tulog, na kung minsan ay pumapasok silang puyat matapos lamang ang kanilang

mga gawain.

Sina-sakripisyo rin nila ang kanilang oras at kalusugan, minsa'y kahit nasa kanilang mga

bahay ay mas pinipili nilang magtrabaho kaysa ipahinga ang mga sarili nila; ito, ganito ang mga

guro natin, kayang isakripisyo ang kanilang mga sarili para lang sa mga mag-aaral. Ang ating

mga guro, kahit na nahihirapan na ay kinakaya parin nila dahil sila ang lakas at ehemplo sa mga

mag-aaral. Kahit kailan ay hindi sila humihingi ng kapalit sa lahat ng ginagawa at sinasakripisyo

nila.

Minsan ay may mga pagkakataon kung saan tayong mga estudyante ay naiinis, nagagalit

o nagtatampo sa ating mga guro—iba’t iba ang mga dahilan, ngunit isa lang ang ibig sabihin

nito, ang ating mga guro, bilang ating pangalawang magulang ay may obligasyon na kung saan

gusto lamang nila ang nakabubuti para sa atin. Madalas ay hindi natin pinapansin o susundin ang

kanilang mga payo ngunit habang tumatagal ay naiintindihan at maiintindihan rin natin ang

kanilang mga ginagawa.

Ang mga guro para sa akin ay mga bayani. Mga bayaning hindi masyadong nabibigyang

pansin ng ating mundo. Kadalasan kinikilala lamang natin ang mga bayani kapag sila ay may

hawak na itak, baril o kapag namatay para sa bansa. Ngunit ang mga gurong araw-araw

nagsusumikap at buong buhay nila ay inaalay na sa pagtuturo ay "trabaho" lamang para sa iba.
Oras na para bigyang-pansin ang kanilang mga paghihirap. Bayani rin sila. Pasalamatan

natin sila.

You might also like