Ang Mahiwagang Ngiti Ni Rizal-Shean Gonzales

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1. Ilarawan ang barkadahan ng Los Indios Bravos. Sino-sino ang mga kasama dito?

Ano ang kanilang mga pinagkakaabalahan sa Espanya? (Describe the friendship of Los
Indios Bravos. Who belonged to this group? What were there activities, hobbies and
past time in Spain?)
Sina Juan Luna, Felix Hidalgo, Jose Rizal, Trinidad Pardo de Tavera ay parte ng Los
Indios Brabos, isang masayang kasamahan ng mga pilipinong pintor sa Espana. Ang
paboritong nila gawin sa Espana ay ang magpakuha ng litrato, makipaglaban sa
fencing. Halata sa larawan nila na malalapit sila sa isa’t isa.

1.a. Ilarawan ang pinakamalapit na mga kaibigan mo. Ano ang madalas ninyong pinag-
uusapan at ano ang inyong mga hilig? Gaano kalaki ang impluwensya nila saiyo?
Paano niyo tinutulungan ang bawat isa sa mga suliranin o sa pag-abot ng inyong mga
layunin? (Describe your closest friends. What are your usual topics of conversation and
what are your likes? How influential are they to you? How do you help each other in
times of need and in reaching your goal?)
Sa lahat ng mga malalapit na kaibigan ko, kami-kami ay mahilig maglaro ng mga video
games sa cell phone o sa laptop. Nanonood rin kami ng Anime. Ang mga pinag-
uusapan ay kadalasan tungkol sa anime, at kahit anong ang pwede naming pagusapan.
Malaki ang impluwensiya nila sa akin, tinuturing ko sila bilang kaibigan habang buhay.
Hanggang ngayon ay naguusap pa rin kami, pumupunta sa birthday ng isa’t isa, at
nanonood sa sinehan kapag may magandang palabas. Isa sa mga naiisang tulong na
nabibigay namin sa isa’t isa ay ang moral support sapagkat lahat kami ay pumili ng iba’t
ibang kurso sa kolehiyo. Kahit wala kami masyadong pagkaintindi sa hirap ng kurso
nila, suportado namin ang isa’t isa sa pag-aaral, sa love life, at sa mga gimmick.

2. Ano ang nangyari kay Juan Luna matapos niya mabaril ang kanyang asawa at
biyenan? Ano ang masasabi mo dito?
Matapos ni Juan Luna mapatay ang asawa at ang biyenan ninya, nakasuhan siya at sa
krimen ng pagpatay ng tao. Ngunit hindi siya naikulong dahil ang krimen niya ay isang
tinatawag na “crime of passion” at Temporary Insanity ang dahilan sa pagpapatay.
Pumunta siya sa Madrid kasama ang anak niya na si Andres at ang kapatid niya si
Antonio Luna. Masasabi ko na Temporary Insanity ay ang pinakagamit na depensa ng
mga taong gumawa ng “crimes of passion”. Sa tingin ko ay malaking pagsisisi ni Juan
Luna sa sarili niya, dahil mayroon siyang anak na kailangan niyang ipalaki nang walang
ina. Suwerte siya na siningil lang siya ng pera para sa krimen, at hindi siya naikulong.
Para sa akin ay nanalo siya dahil ang sistema ng hustiya noong panahon ay pabor sa
mga lalaki.

3. Ano ang pagkakaiba ng pagkuha ng mga larawan noon at ngayon? Ano ang halaga
ng mga larawan? Ano ang limitasyon ng mga larawan? Paano binago ng teknolohiya at
social media ang “picture?” (What is the difference between taking pictures in the past
and taking pictures today? What is the importance of pictures? What are the limitations
of pictures? How did technology and social media change pictures?
Marami pinagkakaiba sa pagkuha ng larawan noon at ngayon. Noong dating panahon
ay ang mayayaman lang ang kaya magpakuha ng larawan. Ngayon, ang pagkuha ng
larawan ay maaaring gawin ng kahit sino man. Malalaki at mabibigat ang mga camera
dati kumpara sa ngayon na magagaan at kayang dalhin kahit saan. Isa rin sa
pinagkakaiba ay ang bilis. Dati umaabot ng isang oras para sa isang larawan, ngayon
ay isang pikit mata lang ay tapos na. Mahalaga ang mga larawan dahil nagpapakita sila
nang kuwento, at ito ay ang isang patunay na nandoon ka sa isang lugar. Dahil sa
teknolohiya at social media, hindi na uso ang pagkakaroon ng pisikal na kopya ng
pictures, at lahat ng pictures ay nakalagay online.

You might also like