Unang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 8 W/ TOS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Talahanayang Espisipikasyon sa Filipino 8

(Unang Markahan)

Kasanayang Pampagkatuto Bilang Pagganap/


Bilang ng Pag-alala Pag-unawa Paglalapat
ng Paglikha
Aytem 15%(8) 25% (12) 30% (15)
Araw 30%(15)

1. Natutukoy ang katuturan at


pagkakaiba ng mga
1-2 9-10 21-23 36-37
karunungang-bayan at 6 9
(2) (2) (3) (2)
kahalagahan ng
paghahambing

2. Natutukoy ang mga


kuwentong bayan at ang mga
elemento nito/ nahihinuha
3-4 11-12 24-26 38-39
ang uri at gamit ng mga 6 9
(2) (2) (3) (2)
pang-abay – pamanahon,
panlunan, pamaraan,
panggaano at ingklitik

3. Natutukoy ang kahulugan,


uri, at paraan ng
5 13-14 27-29 40-41
pagpapalawak ng talata/ 6 8
(1) (2) (3) (2)
natutukoy ang mga hudyat
ng sanhi at bunga

4. Nakikila ang mga tulang


lumaganap noong panahon
6 15-16 30-32 42-43
ng mga Espanyol at 6 8
(1) (2) (3) (2)
Hapones/ mga uri ng
pangatnig

5. Natutukoy ang mga


kilalang manunulat sa
7 17-18 33-34 44-46
panahon ng mga Espanyol at 6 8
(1) (2) (2) (3)
ng Hapones/ paraan ng
sistematikong pananaliksik

6. Natutukoy ang mga paraan


ng pagbuo ng pinal na 8 19-20 35 47-50
6 8
talasanggunian at pinal na (1) (2) (1) (4)
papel pananaliksik

36 50 8 12 15 15
Inihanda ni:

ESMAEL R. NAVARRO
Guro-Filipino

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8

PAMIMILI. Panuto: Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang

sagot sa bawat bilang. Sundin ang Panuto.

PAG-ALAALA
1. Aling dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang Panitikang Pilipino ayon kay Villa Panganiban ang HINDI
kabilang sa hanay?
a. Matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsasanay upang maiwasan at mapawi ang mga ito.
b. makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip, at ang henyo ng ating lahing iba kaysa
ibang lahi.
c. Makilala ang ating kagalingang pampanitikan at lalong mapadalisay, mapayabong, at mapaningning ang mga
kagalingan.
d. Makitang taglay ng Panitikang Pilipino ang mga libangang makapagbibigay-aliw sa mga mambabasa.
2. Ito’y isang uri ng karunungang-bayan na nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
a. sawikain b. salawikain c. kasabihan d. palaisipan
3. Ano ang hindi totoo tungkol sa alamat?
a. Galing ito sa salitang Latin na Legendus, nangangahulugang “upang mabasa”
b. Katumbas ito ng legend sa Ingles
c. Tumatalakay ito sa pinagmulan ng mga katawagan.
d. Hango ito sa totoong buhay na isinulat upang maging gabay sa mga mambabasa.
4. Anong salita ang hindi kasali sa hanay?
a. Simula b. gitna c. banghay d. wakas
5. Ang Darangan ay isang kalipunan ng Epiko. Ang pahayag ay ;
a. Tama, ito’y aklat na kinapapalooban ng 25 kabanatang epiko
b. Tama, ito’y epiko na kinabibilangan ng Bantugan, Indarapat at Sulayman, at Daramoki-a-Baboy
c. Mali, Ito’y aklat na tinatawag na Odyssey of Lanao
d. Mali, ito’y epikong naglalaman ng kaugalian ng mga Mёranao
6. Anong uri ng tulang patnigan natampok sina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes?
a. Duplo b. Balagtasan c. Batutian d. Karagatan
7. Sinong manunulat sa panahon ng mga Espanyol ang hindi kabilang sa hanay?
a. Graciano Lopez-Jaena c. Marcelo H. Del Pilar
b. Apolinario Mabini d. Liwayway A. Arceo
8. Ang mga taong 1942-1945 ay tinawag na;
a. “Tugatog ng Tagumpay” c. “Panahon ng mga Hapones”
b. “Panahon ng Kadiliman” d. “Panahon ng Kabiguan”
9. “Pag may isinuksok, may madudukot”, anong mahalagang kaisipan ang ibig ikintal ng linya?
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok
b. madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya, kapag dumating ang oras ng pangangailangan
ay may magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang inipon ng mga tao.
d. Kailangang laging maging handa sa pakikipaglaban sa mga masasamang-loob.
10. Ang pahayag sa bilang 9 ay halimbawa ng karuningang-bayan na;
a. Salawikain b. sawikain c. palaisipan d. kasabihan

Para sa bilang 11-12


Bilang ganti sa katapatan at pagkamagalang ni Sel Pon, inihimlay ng diwata ng katubigan ang mga labi
nito sa karagatan upang magkaroon ng katiwasayan ang kanyang pagpanaw.
Dumaan pa ang maraming taon matapos matuldukan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang
mangingisda ang nakatagpo sa labi ni Sel Pon. Dahil sa takot naisipan nitong ilibing na lang sa kanyang
bakuran. Himala ng mga himala, ang labi ay nagbagong anyo.
Ang pangyayaring ito ay hindi nalingid sa kaalaman ng marami, sa tulong na rin ng papausbong na
teknolohiya. Isang Amerikano ang bumili nito, pinag-aralan at sa pamamagitan ng cloning ito’y naparami.
Nakita ang kahalagahan nito lalo na sa mga pamilyang punong-puno ng pagmamahal.
Batay sa matandang nakakikila sa noo’y dakila at matulunging si Sel Pon, wala silang pinagkaiba. Lalo na
sa kakayahang mapag-ugnay ang mga magkakalayo sa pamamagitan lamang ng paghawak sa kanya.
Sa huli ang bagay na ito ay napabantog, upang magkaroon ng pagkakakilanlan tinawag itong Cell
Phone bilang pag-alaala kay Sel Pon.
Mr. Blue Heart
11. Batay sa nilalaman ng talata, mahihinuhang ito ay;
a. simula at gitna b. gitna c. gitna at wakas d. wakas
12. Anong pang-abay na panlunan ang nahalaw sa talata?
a. sa karagatan b. sa labi c. sa tulong d. sa huli
para sa bilang 13-14
Ang Bantugan ay isa lamang sa mga epikong kapupulutan ng gintong aral. Aral na nagiging gabay ng
mga kabataan upang makita ang kahalagahan ng pamilya. Ang Bantugan din ay maaaring ihambing sa mga
alamat na bagamat tumatalakay sa pinagmulan ng mga katawagan ay nag-iiwan ng kurot sa bawat isang
nakauugnay sa mga pangyayari sa akda.
13. Ang talata ay mauuring;
a. Simula b. ganap c. pabuod d. a at b
14. Anong paraan ng pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa talata?
a. pagbibigay katuturan b. pagsusuri c. pagtatambis o paghahawig d. pagbubuod
para sa bilang 15 – 16
“Lunsad na sa bakood;
Yayamang pa sa bundok.
Bakit mararagosgos?
Walang kukong ikamot.”

15. Batay sa estruktura, anong uri ito ng tula? a. Haiku b. Senryu c. Tanaga d. patnigan
16. Ang tula ay; a. may sukat at tugma b. may sukat c. may tugma d. malaya
17. Ano hindi totoo sa pagpili ng paksa para sa sistematikong pananaliksik?
a. Kung anong uso ay siyang dapat piliin.
b. Kailangang ito ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes.
c. Kailangang tiyakin na kakayaning gawin ang napiling paksa
d. Dapat kaya mong makalikom ng sapat na datos.
18. Ano ang tamang pagkasunod-sunod ng mga hakbang para sa maayos na pananaliksik?
a. Pagpili ng paksa, paglilimita sa paksa, paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya, pagbuo ng
pansamantalang balangkas, paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline, pagsulat ng borador o rough
draft, pagrerebisa, at pagsulat ng pinal na manuskrito.
b. Pagpili ng paksa, paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya , paglilimita sa paksa, pagbuo ng
pansamantalang balangkas, paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline, pagsulat ng borador o rough
draft, pagrerebisa, at pagsulat ng pinal na manuskrito.
c. Pagpili ng paksa, paglilimita sa paksa, pagbuo ng pansamantalang balangkas, paghahanda ng
pansamantalang bibliyograpiya , paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline, pagsulat ng borador o
rough draft, pagrerebisa, at pagsulat ng pinal na manuskrito.
d. Pagpili ng paksa, paglilimita sa paksa, pagbuo ng pansamantalang balangkas, paghahanda ng
pansamantalang bibliyograpiya , paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline, pagrerebisa, pagsulat ng
borador o rough draft, at pagsulat ng pinal na manuskrito.
19. Anong pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa naging buhay ni Jose P. Laurel?
a. Ang Pilipinas ay nasa maligalig na kalagayan nang tanghaling pangulo si Jose P. Laurel
b. Nasa kapangyarihan ng bansang tinawag na “Energetic Dwarf” ang Pilipinas nang maging Pangulo si Jose P.
Laurel
c. Dahil sa pagkamatay ni Pangulong Manuel L. Quezon, inihalal bilang pangulo ng Pilipinas si Jose P. Laurel
d. Kaysa maging pangulo, mas ninais ni Jose P. Laurel na mamundok
20. Ang sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pinal na talasanggunian at pinal na papel
pananaliksik maliban sa;
a. Isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may-akda ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat
hanggang sa pinakaluma.
b. Pagpapangka-pangkatin ang mga uri sa sanggunian kung ito ba ay aklat, mula sa isang pahayagan, magasin,
ulat, o Internet
c. Ilagay ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag at taon ng pagkakalimbag.
d. sumangguni sa kinauukulan
21. Talamak sa lahing Pilipino ang palakasan – pag may kakilala kang nasa pamahalaan o katungkulan hindi
mahirap ang makapasok sa trabaho. Anong karunungang-bayan ang angkop at mabuting gagamitin upang
malunasan ang sakit na ito?
a. salawikain b. sawikain c. bulong d. kasabihan
22. Magkakasinghalaga ang lahat ng uri ng karunungang-bayan – ang lahat ng mga ito ay sumasalamin sa
kulturang Pilipino. Ang salitang nasalungguhitan ay nagpapahiwatig ng;
a. pahambing na magkatulad c. pahambing na palamang
b. pahambing na pasahol d. pahambing na di magkatulad
23. ____________________(gusto: di magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng teleserye kapag wala akong
ginagawa. Anong salita ang angkop na ipuno sa patlang?
a. Mas b. Higit c. Gustong-gusto d. di-gaano
Para sa bilang 24-25
Noong unang panahon, ang ating kapuluang kilala sa tawag na Maharlika ay sinakop ng mga Kastila.
Dala-dala nila ang paniniwalang kritiyanismo. Dumating ang mga paring Pransiskano (Franciscans), Dominiko
(Dominicans) at Heswita (Jewish) upang binyagan ang ating mga ninuno, ngunit palihim ding isinakatuparan
ang kanilang makasariling hangarin.
Hindi naglaon, ang ating kapuluan ay pinangalanang Filipinas bilang parangal sa Hari ng Espanya na si
Filipe.
Hindi rin itinuro ng mga kastila ang kanilang wika sa mga Filipino (noo’y tinatawag na Indio, ibig sabihin
mangmang) upang hindi maintindihan ang kanilang usapan, bagkus ang mga kastila ang nag-aral ng wikang
katutubo. Bunga nito nagkaroon ng mga kamalian sa pananagalog. Kabilang na dito ang paggamit ng bansag
na Ginoo. Sa wikang tagalog ito ay ginagamit sa mga lalaking natakneng (kapita-pitagan), ngunit kapansin-
pansin o kapuna-punang ito ay ginamit bilang pantukoy kay Birheng Maria sa bahagi ng mga panalanging
katulad ng Aba Ginoong Maria.
24. Anong salita/mga salita ang hindi kabilang sa hanay?
a. Noong unang panahon b. bunga nito c. palihim d. rin
25. Ang seleksiyon ay maituturing na alamat. Ang pahayag ay;
a. Tama, ito ay maituturing na isang alamat sapagkat tinukoy nito ang pinagmulan ng pangalang Filipinas
b. Tama, ang seleksiyon ay masasabing alamat sapagkat ito ay nasusulat sa tuluyan – binubuo ng mga talata
c. Mali, dahil ang isang alamat ay isang uri ng panitikang bunga lamang ng malawak na guni-guni,
kinasasangkutan ng mga makapangyarihang nilalang katulad ng mga diwata at mga diyos o mga diyosa.
d. Mali, ito ay hindi maituturing na alamat dahil hindi nasusulat nang patula
26. Nasa kamay ng mga kabataan ang magiging kinabukasan ng sanlibutan. Anong bahagi ng pangungusap
ang halimbawa ng pang-abay?
a. nasa kamay b. mga kabataan c. sanlibutan d. kinabukasan
27. Ang epiko ay kabilang sa mga sinaunang panitikang Pilipino. Kathang sumasalamin sa kulturang sariling atin
– pagiging matapang, mapagmahal, at maalalahanin. Anong uri ng talata ang iyong binasa?
a. panimula b. talatang ganap c. talatang pabuod d. b at c
28. Marami na tayong nasayang na pagkakataon, halos lamunin na ng modernisasyon ang ating kinagisnang
kaugalian. Malabo na ang larawan ng mga karunungang bayan, paanas na lamang ang dating palahaw ng mga
kuwentong-bayan. Tuldukan na ang ganitong pagbabago. Huwag hayaang ang lahat ay maging bahagi na
lamang ng kasaysayan. Anong uri ng talata ang iyong binasa?
a. Panimula b. ganap c. pabuod d. banghay
29. Anong teknik ng pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa talata sa bilang 28?
a. pagbibigay-katuturan b. pagtatambisc. pagsusuri d. balangkas
30. Anong mga salita ang dapat ipuno sa puwang upang mabuo ang tula?
__________________
Umaagos na tubig
Biglang naglaho.
a. Biyayang likas b. Likas-yamanc. Hulog ng kalangitan d. pamatid ng uhaw
31. Ang tulang nabuo sa bilang 30 ay; a. Haiku b. Senryu c. Sanryu d. tanaga
32. Maipadadama ang pag-big sa bayan _____________ paglalaanan ng makabuluhang panahon ang mga
pangyayaring ikapapayapa nito. Anong uri ng pangatnig ang angkop na ipuno sa pahayag?
a. pamukod b. pandagdag c. paninsay d. panubali
33. Paksa: Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikang Pilipino; Paglilimita ng paksa:
a. Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikang Pilipino Partikular ang mga Karunungang-Bayan.
b. Ang mga Pilipino at ang Panitikang Pilipino
c. Ang Kahalagahan ng Panitikang Pilipino
d. Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino
34. Sa pananakop ng mga Hapones, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa pagsulat. Anong paksa ang
maaaring piliin sa pananaliksik kaugnay ng pahayag?
a. Ang Buhay ng mga Pilipinong Makata Noong Panahon ng mga Hapon
b. Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon
c. Ang Paksa ng mga Akda sa Panahon ng mga Hapon
d. Ang Bunga ng Pananakop ng mga Hapones sa Panitikang Pilipino
35. Halimbawa ng pormat ng isang talasanggunian:
Internet
http://ofw-bagongbayani.com/b-haiskul.html
http://www.Infoplease.com.ph
Magasin
Corliss, Richard. “All is Well.” Time Dec. 2012:57. Print
Pelikula/Panoorin
Amaya.Dir. Mac Alejandre. GMA7, 2011
Aklat
Del, Rosario, Mary Grace. Et al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City:
Phonex Publishing House, Inc. 2016. Print
Ang porma ng talasanggunian ay;
a. Tama, pinagbukod-bukod ang uri ng sangunian
b. Tama, mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabago ang sanggunian
c. Mali, dapat kung aklat ang sanggunian aklat na lahat
d. Mali, wala itong introduksiyon

36. Bilang isang mag-aaral na may matayog na pangarap, tiyaga at pagsisikap ang kailangan. Alin sa
sumusunod na halimbawa ng karunungang-bayan ang iyong nabuo?
a. “Hindi ako electric fan na puwedeng paikutin kahit saan”
b. “Iwas-face book para hindi hula-hula ang sagot”
c. “Huwag tutulog-tulog, ang utak dapat laging may load”
d. “Huwag sa chat, huwag sa i-pod, sige sa pangarap”
37. Ang pinakamahirap gawin ng lahat ay ang gumawa ng tama – maling mangopya pero ginagawa, maling
magsinungaling ngunit siyang naghahari. Anong halimbawa ng sawikain ang dapat mong idikit sa inyong
dingding para kahit papano makagawa ka ng tama?
a. “Tanggalin mo ang iyong mga mata, mabuti pang wala kang makita kaysa gumawa ng masama.”
b. “Ang lingon nang lingon sa pinanggalingan, bangin ang hahantungan”
c. “ Madaling maging tao, mahirap magpakatao”
d. “Ang maling gawa, dala-dala hanggang sa pagtanda”
38. Anong/Anong mga pang-abay ang madalas gamitin sa simula ng isang alamat?
a. panlunan at pamanahon b. pamanahon c. panlunan d. pamaraan
39. Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na dalawang nilalang na nagngangalang Bulan at
Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagasama ay nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan
hanggang sa mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga anak nila at nagsisikip na sila sa kanilang
buhay. Anong mga pang-abay at anong uri ang ginamit sa bahagi ng alamat?
a. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa kanilang bahay/panlunan
b. Noong unang panahon/panlunan; pala/ingklitik; sa kanilang bahay/pamanahon
c. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa tamis/panlunan
d. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa mapuna/panlunan
40. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magagawa upang mapayabong sa kasalukuyan ang panitikang
Pilipino?
a. Iwasan ang pagbababad sa messenger o facebook, at paglaanan ng sapat na panahon ang pagpapausbong
sa panitikan Pilipino
b. Sa halip na pag-usapan sa messenger at i-post sa facebook ang mga usaping walang kaparakan, gugulin na
lang ang oras sa pagbabahagi ng kaalaman.
c. Iwasan ang pag-inom ng alak at paghithit ng sigarilyo.
d. Mag-aral nang mabuti at gawin ang mga kinakailangan para sa asignatura.
41. Kung magmamalabis sa pananalita, ang mga kabataan ngayon ay lulong na sa paggamit ng internet, halos
ibuhos na nila ang kanilang oras sa paglalaro ng online games, pakikipag-chat at kung ano-ano pa. Kaya nga’t
wala na silang panahon para sa salo-salong pagkain sa hapag-kainan. Anong bahagi ng pangungusap ang
nagpapahayag ng resulta?
a. Kung magmamalabis sa pananalita
b. ang mga kabataan ngayon ay lulong na sa paggamit paggamit ng internet
c. halos ibuhos na nila ang kanilang oras sa paglalaro
d. kaya nga’t wala na silang panahon para sa salo-salong pagkain sa hapag-kainan.
Para sa bilang 42 - 43
“ Karunungang-bayan ____ kuwentong-bayan, wala tayong dapat itulak-kabigin ____ ito ay pawang maituturing
na kaban ng lahing kayumanggi.”
42. Anong pangatnig na pamukod ang maaaring ipuno sa unang puwang para mabuo ang kahulugan ng
pahayag.
a. at b. o c. sapagkat d. palibhasa
43. Anong pangatnig na pananhi ang maaaring ipuno sa ikalawang puwang upang maging malinaw ang
kahulugan ng pahayag.
a. at b. o c. sapagkat d. palibhasa

para sa bilang 44 – 45
1) Sa loob ng halos 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, nabihisan ang panitikang
kinagisnan ng ating mga ninuno – mga kuwentong-bayan at karunungang-bayan. 2)Ang mga ninuno nating
mahusay sa pagsulat at pagbasa ay binansagang mga Indio o walang alam. 3)Sinunog, sinira at inianod sa ilog
ng mga kastila ang akda ng ating mga ninuno dahil sa di umano’y “Likha ng demonyo.”
4)Tuluyan bang namatay ang panitikang sumasalamin sa kulturang Pilipino. 5)Paano ito nagpumilit
kumawala sa tanikala ng paniniwalang katolisismo? 6)Nagkapuwang ba ang mga paksang hindi nangangamoy
kandila samantalang namamayagpag ang mga manunulat na Pilipino.
44. Rebisahin ang seleksiyon, anong pangungusap ang nangangailangan ng pagtatama?
a. 1 at 2 b. 4, 5, at 6 c. 4 at 6 d. 1, 2, at 3
45. Kung may dapat na rebisahin, ano ito?
a. bantas b. salita c. bantas at salita d. baybay
para sa bilang 46 – 50. Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagbuo ng pinal na
talasanggunian at pinal na papel pananaliksik. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan.

5 4 3 2 1

Pagkakabuo Nailahad nang Nailahad nang Malabo ang Malabo ang Walang diwa
malinaw ang malinaw ang ilang bahagi ng pagkakalahad ang talata dahil
kahalagahan ng kahalagahan paglalahad sa ng paksa dahil walang kaisahan
paksa sa nang paksa sa paksa dahil sa walang patunay, ang
pamamagitan ng pamamagitan kakulangan ng walang pagkakalahad
mga sanggunian ng mga patunay o halimbawa at
o sanggunian o halimbawa at hindi nasunod
paghahalimbawa, paghahalimbawa hindi nagamit ang tamang
at nagamit nang ngunit hindi nang wasto ang ayos ng talata
wasto ang mga nagamit nang mga kailangan
kailangan sa wasto ang mga sa pagtatalata.
pagtatalata. kailangan sa
pagtatalata
45. Kung may dapat na rebisahin, ano ito?
a. bantas b. salita c. bantas at salita d. baybay
para sa bilang 46 – 50. Sumulat ng isang talatang nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagbuo ng pinal na
talasanggunian at pinal na papel pananaliksik. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan.

5 4 3 2 1

Pagkakabuo Nailahad nang Nailahad nang Malabo ang Malabo ang Walang diwa
malinaw ang malinaw ang ilang bahagi ng pagkakalahad ang talata dahil
kahalagahan ng kahalagahan paglalahad sa ng paksa dahil walang kaisahan
paksa sa nang paksa sa paksa dahil sa walang patunay, ang
pamamagitan ng pamamagitan kakulangan ng walang pagkakalahad
mga sanggunian ng mga patunay o halimbawa at
o sanggunian o halimbawa at hindi nasunod
paghahalimbawa, paghahalimbawa hindi nagamit ang tamang
at nagamit nang ngunit hindi nang wasto ang ayos ng talata
wasto ang mga nagamit nang mga kailangan
kailangan sa wasto ang mga sa pagtatalata.
pagtatalata. kailangan sa
pagtatalata

You might also like