Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Una po sa lahat binabati ko ang ating kagalang-galang na panauhing pandangal Mrs. Jemilyn S.

Tungcul at saating kapwa mag-aaral lubos ko kayong binabati ng magandang umaga.

Para sa mga bagong pasok na grade-11 sa senior high school. Ito ang aking masasabi maraming mga

bata na hindi nakakapag-aral at hindi nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kahirapan ng

buhay at iilan lang ang mga masisipag na pumasok. Heto ang aking masasabi sa mga bagong pasok na

grade-11 sa senior high school. Handa ka na ba sa senior high? Maging handa at pagisipang mabuti

kung handa kana talaga. Importante na pumasok ka sa senior high kahit dalawang taon pa bago ka

makagraduate dahil isa itong gabay para sa kukunin mo talagang kurso sa kolehiyo. Maraming

nagsasabi na mahirap daw mag-aral sa senior high pero para saakin oo pero kung magsusumikap ka,

magtitiyaga ka walang mahirap basta’t kaya mo gawin mo. Dahil ito’y para rin sa kinabukasan niyo. Sa

senior high school marami kang matututunan at mapag-aaralan na hindi mo pa alam maraming mga

activity ang gagawin, makakaranas kanang mga reporting sa harap, magdedefense at marami pa na

dapat mong pagdaan. Importante ang dagdag na dalawang taon sa senior high school dahil dito

nasusukat kung hanggang saan talaga ang kaya mo at pag nakatapos ka makakahanap kanang

magandang trabaho kahit hindi ka nagkolehiyo pero mas maganda kapag nakatapos ng kolehiyo, may

trabaho ka, may negosyo ka, mag kakapera ka pa. Sabi nga nila kabataan ang pag-asa ng bayan kaya’t

magsumikap ka man dahil itoy para sa iyong kinabukasan. Kaya’t tara na mag-aral ka dahil dito mo

maaabot ang iyong mga pangarap. Mag-aral ka at huwag itong sayangin kung meron kang pinag-aralan

malayo ang iyong mararating. Huwag isipin ang kahirapan at hindi hadlang para hindi tayo makapag-

aral at maabot ang ating mga pangarap dahil ang edukasyon at mahalaga satin huwag tayong mawalan

ng pag-asa dahil nandiyan ang ating mga magulang at ang ating panginoon para tayo at gabayan saan

man tayo tutungo. Kaya’t mag-aral ng maigi upang ang buhay ay bumuti.

Maraming Salamat………

You might also like