Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Di- masusing banghay aralin sa Filipino 7

HUNYO 19,2019

I.Layunin

a. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

b. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong Panturismo.

c. Mga kasanayan sa Pagkatuto

F7PB-Ic-d-2

Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda.

II.Nilalaman

Pabula ( Natalo rin si Pilandok )

III. Kagamitang Panturo

Aklat,tisa,manila paper,mga larawan

IV.Pamamaraan

a.Balik-aral sa nakaraang aralin/ pagsisimula sa bagong aralin

Bilang pagbabalik aral sa ating nakaraang talakayan,anu-ano ang mga natutunan ninyo sa ating
naging aralin? Ano ang aral na napulot ninyo mula sa akda?

b. Paghahabi sa layunin ng aralin

F7PB-Ic-d-2

Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda.

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang ibat-ibang larawan

d. Pagtalakay ng bagong konsepto at pglalahad ng bagong konsepto

Ipaliwanag

“ maging mapanuri sa karakter ng isang tao

Upang maiwasang mabiktima ng mga tuso at manloloko”

e. Pagtalakay ng bagong konseptoat paglalahad ng bagong konsepto 2

sa pamamagitan ng kanilang pangkat ay ipaliliwanag nila kung paano isinasagawa ang mga modus
operandi na mga panloloko o scam.

Unang Pangkat: Dugo- dugo


Ikalawang Pangkat: Budol- budol
Laglag Bala

Paano kaya makaiiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko?

f. Paglinang sa Kabihasaan

Muling babalikan ng mga mag- aaral ang akda .

1. Paano mo ilalarawan si Pilandok? Masasabi mob a na siya ay matalino o mapanlinlang?


2. Kung ikaw ay tulad ni Pilandok na mahilig manlinlang o manloko sa kapwa,paano mo
babaguhin ang iyong sarili upang pagdating ng araw ay hindi rin gawin sa iyo ang ginagawa
mo sa kapwa mo.
3. Sa iyong palagay, ano ang posibleng mangyari kay Pilandok kung patuloy niyang ginagawa ang
nakasanayan niyang panlalamang sa kapwa?

g. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Iwasan ang pagiging tuso at mapanlamang sa kapwa.

h. Paglalahat ng aralin

Sa kabuuan,anu-ano ang natalakay natin ngayong araw?

i.Pagtataya ng aralin

Panuto: tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mahahalagang kaisipang taglay ng binasa. Ekis
(x) naman ang ilagay sa hindi. Ipaliwanag ang maaaring maging dahilan kung bakit binigyang diin ng
manunulat ang mga kaisipang nilagyan mo ng tsek (/)

______1. Si Pilandok ay isang nilalang na lagging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlilinlang o
makapanloloko ng kanyang kapwa.

Paliwanag ____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

______2. Ang matamis na dila o mabuladas na pananalita ay karaniwang nakaaakit sa iba kaya sila nagiging
biktima ng mga manloloko.

Paliwanag_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

______3. Ang masipag na nilalang ay nagagantimpalahan.

Paliwanag_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

______4. “ Tuso man ang matsing, napaglalamangan din.” Napatunayan ito ni Pilandok nang siya naman
ang malinlang ng mas maliit na nilalang kaysa sa kanya.

Paliwanag_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

______5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago maniwala upang di matuladkina
Baboy-ramo at Buwaya na naging biktima ng isang manloloko.

Paliwanag:____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

j. karagdagang Gawain para sa takdang aralin

Ipaliwanag.

Sa ating mundo ay marami ang mga mapanlinlang at mapagsamantala subalit marami pa rin
naming taong may mabubuting hangarin sa kanilang kapwa. Ano ang nararapat gawin upang
makaiwasmaging biktima ng mga taong mapagsamantala?

VIVIAN LLAUDER- LONIEGO

SST-III

You might also like