Professional Documents
Culture Documents
ESP7 Garnet SPA TQs M. Gargarita
ESP7 Garnet SPA TQs M. Gargarita
_____1. Ang Birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin
ayon sa tamang katuwiran. Ano sa salitang englis ang birtud?
a. Habit b. Virtuo c. Virtue d. Action
_____2. Ang Birtud ay galing sa salitang Latin na virtus (vir). Ano ang kahulugan ng salitang latin
na ito?
a. “pagiging tao” b. “pagiging matatag” c. “pagiging malakas” d. Lahat ng
nabanggit
_____3. Ano ang bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos?
a. gawi b. pagpapahalaga c. pananaw d. birtud
_____4. Pinakapangunahing sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip ay ang ________.
Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip.
a. karunungan b. pag-unawa c. agham d. kaalaman
_____5. Ano ang tawag sa uri ng birtud ang may kinalaman sa isip ng tao at tinatawag din na
gawi ng kaalaman (habit of knowledge)?
a. intelektwal na birtud b. moral na birtud c. sining birtud d. Agham na birtud
_____6. Ano ang tinatawag na sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na
bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay?
a. Agham (Science) b. Pag-unawa (Understanding) c. Karunungan (Wisdom)
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
_____7. Kung ang maingat na paghusga ay wastong paghusga tungkol sa mga bagay na dapat
isagawa at ang nagtuturo sa atin ng tamang asal. Ano naman ang may kinalaman sa tamang
kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin at ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa
tamang pamamaraan?
a. Pagtitimpi (Temperance or Moderation) b. Sining (Art)
c. Katatagan (Fortitude) d. Katarungan (Justice)
_____8. Ano ang itinuturing na ina ng mga birtud?
a. pagtitimpi b. katatagan c. karunungan d. maingat na paghuhusga
_____9. Ang buhay sa mundo ay puno ng mga suliranin at pagsubok. Kung minsan, sa tindi ng
ating mga pinagdaraanan, nanghihina na ang ating loob at nawawalan tayo ng pag-asa. Kung
kaya, mahalagang taglay natin ang birtud na maglalayo sa atin sa ganitong damdamin. Ano ang
tawag sa birtud na ito?
a. Katatagan (Fortitude) b. Katarungan (Justice)
c. Karunungan (Wisdom) d. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
_____10. Ang lahat ng tao ay mayroong mga karapatan na nararapat igalang. Ano ang tawag sa
birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya,
sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa lipunan?
a. Katatagan (Fortitude) b. Katarungan (Justice)
c. Karunungan (Wisdom) d. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
_____11. Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang Latin na valore. Ano ang
katumbas ng salitang ito?
a. pagiging malakas o matatag b. pagiging makabuluhan
c. parehong tama ang a at b d. wala sa nabanggit
_____12. Ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ay nauuri bilang ________ na
halaga.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____13. Ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga ay _________.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____14. Ano ang halagang may kinalaman sa pagsisiguro sa kaayusan at mabuting kalagayan
sa buhay?
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____15. Ang pag-iisip sa kapakanan ng kapwa ay pagpapahalagang __________.
a. pambuhay b. pandamdam c. banal d. ispiritwal
_____16. Ano ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip kung mabuti o masama ang isang
kilos?
a. konsensiya b. birtud c. kilos-loob d. puso
_____17. Kakambal ng kalayaan ng tao ang _________.
a. katarungan b. maingat na paghuhusga c. pananagutan d. katalinuhan
_____18. Ang pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal ay hinuhubog ng ______________.
a. pamilya b. paaralan c. simbahan d. pamayanan
_____19. Sino ang may malakas na impluwensiya sa isang bata sa huling yugto ng kanyang
kamusmusan at maagang yugto ng kanyang kabataan?
a. magulang b. guro c. kapwa kabataan d. kapatid
_____20. Sino ang binigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng pag-uugali at
pagpapahalaga ng isang bata?
a. kaibigan b. magulang c. guro d. pari
II- PAG-UNAWA: Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung
di-wasto.
HANAY A HANAY B
_____31. Binibigay kung ano ang nararapat sa a. katapatan
kapwa
_____32. Pagiging mapanuri bago magpasya b. katatagan
_____33. Pagsasabi ng katotohanan c. katarungan
_____34. Pagkontrol sa emosyong nararamdaman d. maingat na paghuhusga
_____35. Hinaharap ang anumang pagsubok sa e. katapangan
buhay
f. pagtitimpi
IV- PAGTATAYA (36-40): Panuto: Isulat sa graphic organizer ang mga angkop na pinapahalagahan
mula sa kahon.
Konsensiya
media
mga kapwa kabataan
disiplinang pansarili
moral na integridad
pagsasabuhay ng mga birtud
guro at tagapagturo ng relihiyon
mapanagutang paggamit ng kalayaan
pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak
pamana ng kultura at impluwensiya ng kapaligiran o lipunan
pagiging sensitibo sa gawang masama
Listahan ng mga Panloob at Panlabas na
katayuang panlipunan-pangkabuhayan
Listahan ng mga Panloob at Panlabas na
Salik sa Paghubog ng Pagpapahalaga