Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

AUGUST 19, 2019

GARNET 12:00- 1:00

PEARL 1:00- 2:00


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIa-b-45)


 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

II. PAKSA

Panitikan :Tanka at Haiku ng Hapon


Teksto :Tanka ni Ki No Tomonori
Haiku ni Basho
Wika :Ponemang Suprasegmental
Kagamitan :Larawan, Pantulong na biswal
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Dr. Romulo N. Peralta
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya:KILATISIN… KILALANIN…

Gabay na Tanong:
 Sa tulong ng larawan,patunayan na ang Japan ay isang
bansangmaunlad.
Ilahad ang naging kontribusyon ng bansang Japan sa
larangan ng panitikan.
2. Pokus na Tanong
a. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa ibang uri ng tula?

b. Bakit mahalaga ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng


anomang uri ng tula?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: BIGKASIN KO…ITONO MO…


Basahin ang sumusunod na saknong.Bigkasin ito ayon sa tamang hinto,
intonasyon at damdamin.
Tula A Tula B
Sa isang iglap… Hila moy tabak
Naglaho sa kawalan Ang bulaklak nanginig
Sumilip sa liwanag Sa paglapit mo…
Tahimik ang paligid
May pag-asa ba?.

ANALISIS

Tula A Tula B
Bilang ng Taludtod
Paksa
Mensahe
Tono

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang bansang Japan ay may mahigit na tatlong libong pulo na


matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko.Larawan ng pag-unlad ng bansang ito
sapagkat isa ito sa nangunguna sa larangan ng teknolohiya at ekonomiya.
Sa pagbigkas ng isang tula, mahalagang isaalang-alang ang tamang
pagbigkas nito, ang tono o intonasyon at maging ang damdamin o
mensaheng ipinahahayag nito.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: SHARE UR KNOWLEDGE


Bakit marami ang nahihilig sa pagsulat ng tula? Masasalamin basa tula
ang bansang pinagmulan? Paano malalaman ang tono ng isang isinulat
na tula?
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya: MADAMDAMING PAGBIGKAS
Basahin at suriin ang tono ng tula.

Katapusan ng Aking Paglalakbay


ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
.

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku” salin ni


M. O. Jocson

 Itala ang mahahalagang detalye ukol dito.

Inihanda ni:

Bb. Niselyn E. Dinglasan


Guro sa Filipino 9

Pinagtibay ni:

G. Rodel C. Male
Punong-Guro

MAHABANG PAGSUSULIT ( AUGUST 8, 2019)


PAGBABALIK-ARAL ( AUGUST 9, 2019)
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT (AUGUST- 13-14, 2019)
PAGDALO SA MISA (AUGUST 15, 2019)
PAUNANG PAGSUSULIT (AUGUST 16, 2019)

You might also like