Bakit May Pulang Palong Ang Manok

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BAKIT MAY PULANG PALONG ANG MANOK

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag
pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa
mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw na napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang
ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o
mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging
magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong
Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang
ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at
palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang
nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na
siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya magawa, pinagkakaabalahan lamang niya
ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya
at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na
pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag
niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng
salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong
Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. Ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy
ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang
suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi, mabuti pang wala na akong anak
kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay
na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Iskong Salamangkero ang pulang
suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang
ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong.
Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

You might also like