2019-07-27 Reaksiyong Papel Blg. 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: JHON OWEN N.

REUSI Marka:
Petsa: Hulyo 27, 2019 Propesor: Dr. Joey R. Cabigao
Gawain: Pagsulat ng Reaksiyong Papel # 3 Termino: Unang Trimestre, TP 2019 - 2020
Asignatura: Filipino 207: Iba’t ibang Imahen ng Kababaihan sa Panitikang Filipino
Layunin: Nakasusulat ng mapanuring impresyon sa takdang teksto at naipaliliwanag ang
PAKIBURA ambag nito sa larangan ng panunuring pampanitikan
ANG
BAHAGING
Ang Lenggwaheng Makalalaki sa ‘Babaeng Misteryosa’:
ITO SA
IYONG Ilang Pakahulugan sa Imahen at Salita
IPAPASANG Ni Raquel E. Sison-Buban, Ph. D. (2009)
PAPEL. Pamagat ng Artikulo

Sa bansang gaya ng Pilipinas, ang pamilya ay isa sa malaking pundasyon na bumubuo sa


paghubog ng pagkatao ng isang Pilipino. Ang ating bansa ay nakasentro sa kultura na ang pamilya ang
siyang isa sa pangunahing binibigyan at inuunang bigyan ng pansin ng isang indibidwal na Pilipino.
Bilang isang bansang katoliko, ito ay isa sa mga katuruang nabigay sa atin ng simbahan.
Lubos na makikita sa paguugali ng isang Pilipino ang kanyang pagmamahal sa pamilya, ito ay
makikita sa kaniyang mga prayoridad, pagkilos, sinasabi at pinagkakagastusan. Isa rin sa mga ebidensiya
ang siyang pananatili ng mga anak sa bahay ng kanilang mga magulang kahit may pamilya na (extended
family). Sadyang ang mga Pilipino ay mahal na mahal ang kanilang pamilya kaya nga tayo rin ay isang
bansa na tumututol sa diborsyo.
Kalakip ng ganitong mga tradisyon at paniniwala ay isang mentalidad at isyung panlipunan na
hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa ring umiiral - ang paniniwalang patriyarkal. Ang
paniniwalang ito ay tumutukoy na ang lalaki ang siyang may kontrol ang pamamahala, na ang
kapangyarihan ay umiikot sa mga lalaki lamang. Ang sistemang patriyarkal ay makikita sa simpleng
institusyon ng Pilipinas, ang pamilya. Marahil ito ay isang maselang paksa na tatalakayin natin ngunit ito
ay realidad na nagaganap sa ating lipunan.
Ang ganitong paniniwala ay sadyang mahirap buwagin at tibagin dahil nakatanim na sa isip ng
bawat mamayan ang kanyang sistemang kinagisnan. Ang patriyarkal na sistema ay isang malaking
balakid na nagsesepara sa mga lalaki at babae lalong lalo na sa pagkuha ng trabaho sa iba't ibang
industriya at larangan. Sa atin ngang lubos na pagyakap sa ganitong sistema ay hindi na natin lubos na
nakikita ang manipestasyon nito sa ating mga pagkatao. Isang lihim na kaisipang nakaibabaw sa isipin ng
bawat isa "mas malakas, mahusay at magaling ang lalaki sa anumang aspeto kaya nararapat na sila ang
mamamahala at magkaroon ng kapangyarihan."
Isang matibay na ebidensya ang paraan ng paggamit ng ating ilang salita. Ito'y mga salitang
tumutukoy sa isang partikular na kasarian, ang mga babae. Maganda sana kung iisipin dahil mayroon
tayong mga natatanging mga salitang para lamang sa mga babae ngunit ang mga salitang ito ay nabuo
dahil sa umiiral na patriyarkal na pag-iisip. Mga masasakit na salitang tutukoy sa mga babae na yuyurak
ng kanilang mga pagkatao at ang mas masakit dito ay walang mga katumbas ang salitang ito para sa mga
lalaki.
Sa pag-aaral na ginawa ni Buban (2009), nabanggit niya ang manunulat na si Benjamin Pascual,
isinasaad na ang pagbibigay-kulay ni Pascual sa mga tauhanh mula sa Lucena at Tondo ay hindi bunsod
ng kaniyang bayograpikal na pinagmulan kundi dahil sa isang sosyo-kultural na aspeto na
nakaimpluwensiya sa kaniya sa pagpapayaman ng kanyang mga akda. Binanggit din na ang mga akda ni

Pahina 1 ng 2
Pascual ay nagtataglay ng patriyarkal na mga aspeto dahil saan nga ba nagmula si Pascual? Sa isang
lipunang lihim na nakayapos sa ideyang patriyarkal.
Mababakas sa kaniyang mga akda ang pagiging dominante ng mga kalalakihan. Makikita ang
ganitong paglalahad sa linya ng mga tauhan ng kaniyang nobela. Maraming akdang ganitong ganito ang
atake ang nagawa ni Pascual. May ilan naman siyang mga akdang ang pangunahing tauhan ay babae
ngunit kahit matibay na ipinakita ang pagiging dominante ng babae sa akda sa pagtatapos ay lulugmok
muli sa pusali ang mga kababaihan.
Isang halimbawa ay ang akda niyang Ang Biyuda ay Misteryosa. Ito ay patungkol sa babaeng
may sumpa na namamatayan ng asawa at tatlong beses ng nabalo - si Magda. Si Kikoy naman ang
pangunahing tauhan na pinakasalan si Magda dahil sa hamon ng kanyang pagkalalaki. Narito rin ang
kaniyang ina na magpapakulay pa ng kanyang karakter sa akda.
Lubos na binigyang pansin ng mananaliksik ang pagkakabuo ng karakter ni Kikoy sa akda.
Nagbigay din siya ng ilang mga ebidensyang magpapakita ng pagiging dominante ni Kikoy sa akda. Isa
dito ang pagpapakasal niya kay Magda. Ito ay isang implikasyon na lalaki ako wala lng yang sumpa na
iyan. Mabigat na nilahad ni Pascual ang kalagayan ni Magda sa akda pero ito ay binali lahat ni Kikoy. Isa
pa, sa kanilang buhay mag-asawa ipinakita rin niya na na si Magda ay kanyang nasasakoo dahil sa kaya
niya itong saktan. Ipinakikita lamang ng may-akda na dominante lalo sa isang pamilya ang lalaki. Sa mga
tagpo namang nakakita ng ibang lalaki si Kikoy gaya ni Ramiro, nilapastangan nanaman ni Kikoy ang
kalagayan ng babae sa pag-usal ng salitang nakakahiya sa isang lalaking may hawak ng sandok na
simbolismo ng pagpapatungkol sa pagluluto na karinawang ginagawa ng babae.
Sa kalagayan naman ng babaeng tauhan sa akda, pinakita ni Pascual ang pagiging masunurin at
pagiging depende ng babae sa mga lalaki. Ito ay sa lagay ni Christy na gustong kumabit kay Kikoy. Sa
parte naman ng ina ni Kikoy ay hindi niya ito sinunod dahil parin nga na siya ay isang independent na
lalaki.
Bagamat, ipinakita ni Pascual sa kanyang akda ang pagiging dominante ng lalaki ay sinubukan
din niyang kalagin ang kalagayan ni Magda sa akda sa paglalahad ng pagiging angat ni Magda sa
kinatatakutan ni Kikoy.
Sa kasalukuyan, may iilan naring mga patunay na paunti unting nababawasan ang kapangyarihan
ng lalaki at nagkakapantay pantay na ang karapatan ng bawat isa. Ilan sa mga iyan ang mga babaeng
pangulo at prime ministers, mga babaeng nasa pedestal ng internasyunal na organisasyon, pagkakatampok
sa ilang mga internasyunal na magasin at iba pang mga pangyayari na pagpapasa ng kapangyarihan
papunta sa mga babae.
Sa isang kabuuan, ang patriyarkal na pag-iisip ay nangingibabaw parin sa ating panahon na
sinalamin ng ating mga akdang pampanitikan ngunit parami narin ng parami ang mga tangkang pag-alpas
sa ganitong paniniwala at isang mabuting halimbawa ay ang transisyon ng kapangyarihan papunta sa
kababaihan.

Pahina 2 ng 2

You might also like