Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Imari Nicole Enderez

G12- St. Conrad

“Kanser ng Lipunan”

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansang Pilipinas lalo’t higit ay ang

usaping korapsyon. Ang walng katapusang kurapsyon na pawing isang nakakahawang

sakit na patuloy sa pagkalat at animo’y walang mahanap na lunas. Kung kaya naman ay

masasabi ko nan gang kakambal na ng ating bansang Pilipinas ang salitang korapsyon.

Korapsyon, ito ay matuturing nan gang sakit sa lipunan. Ganito na ito kalala na

nakaugat sa Sistema ng politika ng ating bansa. At ang nasa likod ng karumal dumal na

isyung ay ito ay ang mga taong ating ibinoto . Sila inaasahang magtataguyod sa ating

bansa at ng ikabubuti ng bawat mamamayan ngunit sa kasamaang palad ay mga taong

ito na nasa ating pamahalaan ang mismong nagbabaon sa atin sa kahirapan.

Para sa maraming Pilipino, ang kahirapan ang pangunahing suliranin sa ating

lipunan ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay ito ay nag uugat sa korapsyon sa ating

pamahalaan. Ang mga buwis na dapat ay ilalaan para sa mga kapos palad na ating

mamamayan ngunit dahil sa pansariling kagustuhan ay mas namutawi ito para sa sariling

kapakanan lamang. Kung kaya’t ang mga mahihirap nga ay mas lalong humuhirap

samantalang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman. Iyan ang estado ng

pamumuhay ng bawat Pilipino ditto sa ating bansa. Sa kabila ng pagsisikap ay walang

pag unlad na napapala. Sa halip na magamit ang pera upang makapagbigay ng

magandang serbisyong pampubliko ay mas nanaig ang mga gahaman at panloloko. Ito
ang dahilan ng mas pagdami ng bilang ng OFW sa mga Pilipino. Sila ay

nakikipagsapalaran sa banyagang bansa upang maibangon ang mga pamilya.

Kaya’t huwag na kayong magatataka sa napakaluwag ng mga nakakataas na

posisyon sa isyung ito. Sapagkat sila rin ang gumagawa ng mga batas ukol ditto at

humahatol sa bawat kaso. Sa madaling salita, ang gobyerno na rin ang gumagawa ng

katiwalian na minsan ng nangako para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ngunit pawing

tayo ay ginamit lamang at pinagsamantalahan.

Ang mga taong sangkot sa usaping ito ay maituturing na ngang mga patay gutom

na gagawin ang lahat para sa sariling kapakanan. Hahayaang mamalimos ang mga

mahihirap sa lansangan habang ang mga sangkot sa korapsyon ay nagnanakaw ng pera

ng taong bayan. Mga taong maituturing na taksil sa ating lipunan.

You might also like