Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Diclum Elementary School

KM 95, STRONG REPUBLIC NAUTICAL HIGHWAY, DICLUM, TOBIAS FORNIER, ANTIQUE 5716
www.diclumelementaryschool.blogspot.com www.facebook.com/DiclumElemSchool

HEALTH 4
SINCE 1930 SUMMATIVE TEST 1
UNANG MARKAHAN

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa impormasyong makikita sa pakete ng pagkain?
A. Food Web B. Food Label C. Food Group D. Nutrition Facts
2. Ano ang tawag sa nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagkain?
A. Food Web B. Food Label C. Food Group D. Nutrition Facts
3. Ito ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng serving na makukuha sa isang pakete
ng pagkain.
A. Serving per container B. Serving size C. calories D.cholesterol
4. Ito ay makikita sa nutrition facts kung saan ito ay isang uri ng mineral na
makukuha sa karne ng hayop, itlog, gatas, asin at vetsin.
A. sodium B. protein C. fats D. vitamins at mineral
5. Ito ay isang uri ng fats na pinakamapanganib kung kakainin dahil pinapababa
nito ang High Density Lipoprotien ng katawan na maaring makuha sa pagkain
ng junk foods.
A. unsaturated fats B, saturated fats C. trans fats D. cholesterol
Para sa bilang 6-10, pag-aralan ang nutrition facts ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
6. Ano ang tamang sukat na dapat mong kainin?
A. 55g B. 5g C. 50 D. 1 cup
7. Ilan ang kabuuang bilang ng servings ang nakapaloob
sa pakete?
A. 5 B. 55 C. 1 D. 50
8. Ano ang sukat ng enerhiyang maaari mong makuha
mula sa pagkaing produktong nasa pakete?
A. 6 B. 0.5 C. 250 D. 200
9. Ano ang sukat ng protina ang maari mong makuha
mula sa pagkaing produktong nasa pakete?
A. 9g B. 4g C. 40g D. 18g
10. Anu-ano ang mga bitaming maaaring makuha mo
mula sa pagkaing produktong nasa pakete?
A. C at B B. Calcium C. Iron D. protein
11. Ano ang tinutukoy ng pangalan ng produktong pagkain?

A. Gatas Sikat B. Gatas C. Sikat D. Alaska

12. Ano ang nakalimbag na timbang ng pakete?

A. 1 litro B. 120 ml C. 1galloon D. 1 kahon

13. Ano ang tinutukoy na uri ng pagkain ang makikita sa


pakete?

A. tsokolateng gatas C. Kape


B. gatas D. juice
14. Alin ang HINDI makikita sa pakete ng pagkain?

A. Date markings C. Ways of preparing


B. Nutrition Facts D. Warning statements

15. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa food labels?

A. Upang malaman ang lasa.


B. Upang malaman kung kalian ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kalian kakainin.
D. Upang malaman kung kalian masisira, ginawa at nutrisyong makukuha
rito.

Wastong Pagkakasunod-sunod

Panuto: Basahin ang pangungusap at ayusin ayon sa wastong pagkakasunod-


sunod nito. Gamitin ang mga letrang A-E para sa pagtatanda.

Mga tamang gawain sa paghahanda ng ulam:

________16. Maghugas ng kamay.


________17. Hugasan ang mga sangkap at kagamitan na gagamitin.
________18. Ilagay ang nilutong pagkain sa malinis na lalagyan.
________19. Hiwain ang karne at iba pang mga sangkap sa pagkain.
________ 20. Lutuing mabuti ang karne.

Prepared by:

LORE MAY P. CARTEN


Teacher III
Diclum Elementary School
KM 95, STRONG REPUBLIC NAUTICAL HIGHWAY, DICLUM, TOBIAS FORNIER, ANTIQUE 5716
www.diclumelementaryschool.blogspot.com www.facebook.com/DiclumElemSchool

HEALTH 4
SINCE 1930 SUMMATIVE TEST 2
UNANG MARKAHAN

I. Pag-aaralang mabuti ang mga produktong pagkain sa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong produktong pagkain ang may expiration date na Setyembre 17, 2015?
A. SkyFlakes C. Wafrets
B. Nescafe Creamy White D. Milo
2. Alin sa mga sumusunod na produktong pagkain ang di na pweding kainin?
A. Sinigang Sampalok Mix C. Wafrets
B. Nescafe Creamy White D. Milo
3. Alin sa mga sumusunod na produktong pagkain ang maaari pang itago ng matagal?
A. SkyFlakes C. Milo
B. Wafrets D. Sinigang Sampalok Mix
4. Alin sa mga produktong pagkain ang dapat nang kainin?
A. SkyFlakes C. Milo
B. Wafrets D. Sinigang Sampalok Mix
5. Anong produktong pagkain ang may best before end : Pebrero 29, 2016?
A. Milo C. Nescafe Creamy White
B. SkyFlakes D. Wafrets
6. Kailan ang expiration date ng produktong pagkain na Wafrets Choco Brix?
A. Pebrero 11, 2017 C. Hulyo 13, 2015
B. Enero 2015 D. Setyembre 17, 2015
7. Anong produktong pagkain ang may best before date na buwan at taon lang ang
nakaimprenta sa pakete?
A. Wafrets C. Nescafe Creamy White
B. Milo D. SkyFlakes
8. Anong produktong pagkain ang may naka imprenta kung kailan ito ginawa?
A. Wafrets C. Nescafe Creamy White
B. Milo D. SkyFlakes
9. Kailan inimprenta ang produktong pagkain ng sagot ng bilang 8?
A. Enero 13, 2015 C. Hulyo 13, 2015
B. Pebrero, 11, 2017 D. Setyembre 17, 2015
10. Ito ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi mo na maaring kainin o inumin ang
produktong pagkain?
A. Expiration date C. Manufacturing date
B. Best Before Date D. Delivery date

Tama ba o Mali?

Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong


impormasyon at isulat ang MALI kung hindi ito wasto.

11. Makikita sa pakete ng pagkain kung kailan ito masisira o mapapanis.


12. Magkakapareho ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain at inumin.
13. Malalaman ang timbang ng pagkain o inumin sa pakete.
14. Maaari pang kainin o inumin ang isang produkto matapos ang Expiry Date nito.
15. Isinasaad sa Nutrition Facts ang kompletong listahan ng mga sustansiyang
makukuha sa produkto.
16. Maaaring makakuha ng sakit mula sa pagkaing sira o panis na produkto.
17. Masisira ang pagkain kung hindi ilalagay sa refrigerator.
18. Hindi na maaaring inumin ang isang produkto kung lampas na sa Best Before
Date.
19. Ang pagbabasa ng food labels ay paraan upang makatipid ng pera.
20. Maaaring maihambing ang sustansiyang ibibigay ng mga produkto sa
pamamagitan ng pagbabasa ng food labels.

Prepared by:

LORE MAY P. CARTEN


Teacher III
Diclum Elementary School
KM 95, STRONG REPUBLIC NAUTICAL HIGHWAY, DICLUM, TOBIAS FORNIER, ANTIQUE 5716
www.diclumelementaryschool.blogspot.com www.facebook.com/DiclumElemSchool

HEALTH 4
SINCE 1930 SUMMATIVE TEST 3
UNANG MARKAHAN

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang maaaring magdulot ng food-borne diseases?


A. Pagkaing panis C. Pagkaing may takip
B. Pagkaing malinis D. Pagkaing hinuhu

2. Alin ang mas angkop na bilhin?

A. B. C.

3. Tingnan ang mga larawan sa kahon. Alin ang nagpapakita ng tamang


paghahanda ng pagkain?

A. B. C. D.

4. Alin ang HINDI dapat gawin upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng
maruming pagkain?

A. Kumain ng naaayon sa Food pyramid


B. Uminom ng gatas sa umaga at sa gabi
C. Kumain ng prutas at gulay araw-araw
D. Kumain sa mga karinderya sa lansangan
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang gawain sa mga pinamiling prutas,
gulay at karne galing sa palengke.
A. Hugasan bago hiwain ang mga gulay.
B. Hiwain bago hugasan ang mga gulay.
C. Hugasan ang karne bago ilagay sa freezer.
D. Hugasan ang mga prutas bago kumain.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng (T) ang mga
pangungusap na totoo at lagyan naman ng (M) ang pangungusap na hindi totoo.

6. Tiyaking malinis ang pagkain upang makaiwas sa sakit.


7. Isa sa sintomas ng Hepatitis A ang pagkahilo.
8. Ang Diarrhea ay makukuha sa malinis na pagkain.
9 Ang Sodium ay maaaring pagkunan ng enerhiya sa katawan.
10. Mainam na basahin ang Food Label ng isang pagkain bago ito bilhin.
11. Nagdudulot ng maraming sakit ang maruming tubig at pagkain.
12.Ang pagkain na maraming Cholesterol ay nakabubuti sa katawan.
13. Ang Expiration Date ay isa sa mga impormasyong makikita sa Food Label.
14. Ang Typhoid Fever ay dulot ng salmonella na nakukuha sa kontaminadong
pagkain.
15. Ang malubhang pananakit ng tiyan ay maaaring maging sanhi ng biglaang pagkamatay.

Prepared by:

LORE MAY P. CARTEN


Teacher III
Diclum Elementary School
KM 95, STRONG REPUBLIC NAUTICAL HIGHWAY, DICLUM, TOBIAS FORNIER, ANTIQUE 5716
www.diclumelementaryschool.blogspot.com www.facebook.com/DiclumElemSchool

HEALTH 4
SINCE 1930 SUMMATIVE TEST 4
UNANG MARKAHAN

Crossword

3.
PABABA PAHALANG
1. Ito ang tawag sa mga impormasyong
makikita sa pagkain.
2. Pinakamapanganib na fat sa 3. 3. Ito ang sukat ng sustansiyang
katawan. maaaring pagkuhanan ng enerhiya.
5. Ang sakit na ito ay ang pamamaga 4. 4.Ito ang pangkalahatang tawag sa mga
ng atay. sakit na nakukuha sa marumi at hindi
6. Sakit sa tiyan na nakukuha sa ligtas na pagkain at inumin.
pag-inom ng maruming tubig. 8. 8.Ito ang tawag sa bitaminang
7. Ito ay sakit na sanhi ng isang nagsasaayos ng mga buto at
bacteria na nakukuha sa nagpapalinaw sa paningin.
maruming pagkain. 9. 9.Ito ang pangkalahatang tawag sa mga
10.Isang bacteria na makukuha sa sakit na nakukuha sa marumi at hindi
kontaminadong pagkain o inumin. ligtas na pagkain at inumin.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Alin sa sumusunod na impormasyon ang makikita sa food label ng isang


pagkain?
A. Directions for weighing
B. Directions for Use and Storage
C. Directions for Manufacturing
D. Directions for Packaging
2. Ano ang tawag sa bahagi ng Food Label na nagbibigay impormasyon tungkol sa
mga sustansyang makukuha sa pagkaing nakapaloob sa pakete?
A. Date Markings
B. Directions of Manufacturing
C. Nutrition Facts
D. Mga Advisory & Warning Statements
3. Alin ang dapat mong gawin kung ito ang nakalagay sa food label? “Expiration
Date : July 30, 2015”
A. Kailangang itago sa kahon bago July 30, 2013
B. Kailangang itago sa kahon bago July 30, 2014
C. Kailangang ubusin ang pagkain bago July 30, 2015
D. Kailangang ubusin ang pagkain bago July 30, 2016
4. Bakit mahalagang basahin ang food label sa pagbili ng pagkain?
A. Upang malaman ang kulay ng pagkain
B. Upang malaman kung masarap ang pagkain.
C. Upang malaman kung paano ito itago sa kahon
D. Upang maintindihan ang nutrisyong nilalaman ng pagkain
5. Piliin ang hindi tamang gawain sa pagpili ng tiyak na ligtas na pagkain.
A. Piliin ang mga sariwang pagkain.
B. Bumili sa mga lisensiyadong tindahan.
C. Bilhin ang mga mamahaling produkto.
D. Basahin ang mga impormasyong nakasulat sa pakete.
6. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangungusap?
A. Ilagay agad sa refrigerator ang biniling karne at isda
B. Hugasan ang mga gulay bago ilagay sa refrigerator.
C. Balutin ng tela ang mga biniling gulay.
D. Itago ang mga biniling prutas sa karton.
7. Paano mapananatiling malinis ang pagkain?
A. Lagyan ng takip ang natirang pagkain.
B. Pabayaan lang sa mesa ang pagkain.
C. Mag-ispray ng insecticide upang hindi dapuan ng insekto.
D. Maglagay ng flower vase sa mesa upang hindi dapuan ng langaw.
Para sa bilang 8-10
Suriin ang larawan :
6. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangungusap?
A. Ilagay agad sa refrigerator ang biniling karne at isda
B. Hugasan ang mga gulay bago ilagay sa refrigerator.
C. Balutin ng tela ang mga biniling gulay.
D. Itago ang mga biniling prutas sa karton.
7. Paano mapananatiling malinis ang pagkain?
A. Lagyan ng takip ang natirang pagkain.
B. Pabayaan lang sa mesa ang pagkain.
C. Mag-ispray ng insecticide upang hindi dapuan ng insekto.
D. Maglagay ng flower vase sa mesa upang hindi dapuan ng langaw.
8. Anong bahagi ng food label ang nagbibigay ng pangunahing enerhiya?
A. Carbohydrates B. Fat C. Protein D. Vitamin A
9. Ito ang sustansiyang nagpapalakas ng kalamnan?
A. Carbohydrates B. Fat C. Protein D. Vitamin A
10. Gamit pa rin ang larawan, ilang porsiyento (%) ng enerhiya ang ibibigay ng
bawat sukat/serving ang makukuha dito?
A. 39% B. 40% C. 41% D. 42%

Prepared by:

LORE MAY P. CARTEN


Teacher III

You might also like